Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney

The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney

"Bumalik ka na sa akin, Chantal.. pangako, walang anumang namamagitan sa amin ni Laurice.. kababata ko lang siya, isang kliyente.." nagsusumamo si Calvin kay Chantal. "Ano bang akala mo, Calvin? hiniwalayan kita ng dahil lang diyan? hindi siya ang problema, ikaw! ang pagtakas mo sa ating mga alitan at ang pag ignore mo sa akin sa tuwing nagagalit ka, ang pagiging malamig mo, iyan ang problema ko sayo! Ikaw ang nagmulat sa akin, kung gaano kapangit magpakasal, kaya ngayon, natatakot na akong magmahal!" saka nagmamadaling hinila niya ang kanyang kamay palayo sa lalaki. Nanatiling nakaluhod si Calvin. Ang kanyang malamig na emosyon ay napalitan ng lungkot.. umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa loob ng maraming taon.. ngayon lang niya ulit naranasang lumuha. Alam na niya kung saan siya nagkasala, kaya susubukan niyang bumawi, upang muling bumalik ang pagmamahal sa kanya, ng kanyang dating asawa.. Kailangan niyang lumaban, dahil may ibang lalaki na na nagpapakita ng interes dito, at mukhang tagilid ang kanyang lagay.
Romance
101.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hiding His Wealth

Hiding His Wealth

Sciphy
Paano kung may lumapit sa' yong napaka- gwapong pulubi, at saka tinanong kung pu- puwede ba itong makahingi ng makakain, tutulungan mo ba? Tanong na namumuo sa mga babaeng may pantasya ngunit mas inaalala pa ang katayuan ng lalaking gu- gustuhin nila. Sa sitwasyong hinantungan ni Karrie ay hindi niya manlang naisip iyon, at dali- daling tinulungan ang pulubing lumapit sa kaniya at hindi na inalala, kung ano mang klase ng tao ito. Sa Konsepto ng Chemistry, Kapag opposite charge ang dalawang electron mag a- attract sila, paano pa sa dalawang taong malaki ang pagkakaiba?
1.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love or Lust

Love or Lust

Mysterious Novelist
Hinulma ng galit, hirap at sakit ang puso at buong pagkatao ni Safira Morgen mula nang nagbago ang kanyang naging tadhana nang mahiwalay siya sa kanyang totoong pamilya. Napunta siya sa pamilyang hinulma sa karahasan at kasalanan. Nang umabot sa 16 anyos na edad si Safira ay inakala niya na pinatay ng malaking sindikato ang mga taong nag aruga at nagpalaki sa kanya, kung kaya't nagawa niyang mailagay ang hustisya sa kanyang mga palad. Hinanting niya lahat ng mga malalaking taong may posibilidad na koneksyon sa taong pumatay sa kanila habang ginagamit niya ang kanyang makamandag na umaapoy na alindog. Saka niya makikilala si Grievo na kalaunan ay ang taong magtuturo sa kanya ng totoong pag-ibig.. .Magagawa pa ba niyang mahalin si Grievo kung malalaman niya na siya pala ang pumalit sa buhay na dapat para sa kanya dahil siya ay ampon ng pamilyang MORGEN na kanyang totoong pamilya? Nasa huli ay matutuklasan din niyang siya rin pala ang totoong anak ng mga SENDON, mga taong nag aruga sa kanya na kalaunan ay malalaman niya na siya ay tunay na binenta nila bilang kalakal sa mga sindikato? Na naging dahilan ng kanyang paghihikahos at pagkalugmok sa mundo ng PROSTITUSYON? Mamahalin din ba ni Grievo si Safira kung malalaman niya sa huli na isa pala siyang BETERANANG ESCORT GIRL na inakala niyang isang simple, isang Manang na wierd at balot na balot kung panamit ay lihim din palang pumapatay para lang makamit ang inaakala niyang hustisya.
Romance
2.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Playing With My Servant

Playing With My Servant

Author T
Luisa's state in life pushes her to do something against her will in order to save the life of her dying father she gave up her purity to a stranger man through one night stand. Ngunit kung kailan maayos na ang lahat ay saka naman nagimbal ang mundo ni Luisa nang malaman niyang siya ay nagdadalang tao hindi niya lubos akalain na magbubunga ang isang gabing iyon, pero wala na siyang magagawa bagkus ay buong puso niyang tinanggap ang bata na muling nagbigay ng kasiyahan at lakas sa kanya at wala siyang hindi kayang gawin para sa anak. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana sa katulad ni Luisa ng namasukan siya bilang katulong sa isang bilionaryo na siyang ama ng kanyang anak. Ngayong pinagtagpo ulit ang kanilang mga landas ay muling napukaw ang pagnanasa sa katawan ni Jaron at bilang isang makapangyarihang tao lahat ng kanyang kagustuhan ay nakukuha niya sa pamamagitan ng pera. At sa ikalawang pagkakataon ay muling naulit ang minsang pag-iisa ng kanilang mga katawan, pero paano kung unti-unti ng nahuhulog si Luisa sa ama ng kanyang anak maipagtatapat niya na rin ba ang katotohanang tinatago niya gayong narinig niyang ayaw ni Jaron maging isang ama.
Romance
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Revenge of Ellaine

The Revenge of Ellaine

Jenny Agsangre
Ito ang kwento nang isang babaeng puno nang puot at paghihiganti sa kanyang puso nang dahil sa isang karumal dumal na pangyayari sa kanyang buhay Sya si Ellaine Santiago, 25 years old at ulila na rin sa kanyang mga magulang dahil namatay rin ito sa isang aksidente kaya't simula noon ay lumaki na sya at inampon nang kanyang auntie Susan hanggang sa sya ay lumaki at magdalaga kasa kasama nya naman lagi ang anak nitong si Josephine Santiago kasing edad nya rin Lumaki silang masaya at naging matalik na magkaibigan hanggang sa nakilala nya ang lalaking bibihag sa kanyang puso na si Dave De Guzman 26,years old at isang CEO nang isang Company nagkakilala sila dahil sa isang Event at doon nga nagsimula ang kanilang love story at simula nga noon ay lagi na silang nagkikita at nagkakausap kaya naman hindi na rin nga nila napigilan pa ang magplanong magpakasal ngunit gayon na lamang ang kanyang pag aakala dahil sa nalalapit na nilang pagpapakasal ay bigla namang dumating ang kanyang pinsan galing states at nakilala ito nang kanyang soon to be husband At doon na nga nagsimulang magkagulo gulo ang takbo nang kanilang relasyon dahil ilang araw pa lamang matapos ang kanilang kasal ay inaahas na pala ni Josephine ang kanyang asawa hanggang sa plinano nga nitong patayin sya upang agawin si Dave mula sa kanya Kayat pag sapit nang gabing iyon ay kinidnap nila si Ellaine at saka idinala sa may abandunadong gusali hanggang sa nakatakas nga si Ellaine at napadpad sa isang bangin at dooy pinagbabaril sya ni Josephine sa pag aakalang napatay nya na ito Ngunit 5 taon ang makalipas ay bumalik si Ellaine upang paghigantihan si Josephine na kasalukuyan na ring ikakasal kay Dave na dati nyang asawa at kagaya nga nang ginawa nito ay naghiganti rin sya
Romance
1.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Celina's Obsession

Celina's Obsession

Matagal na niyang crush si Lucas at gagawin niya ang lahat makuha lamang ang atensyon ng hottie CEO. Nang mangyari ang kanyang nais ay saka naman nalaman niyang ikakasal na pala ito pero hindi iyon naging rason para itigil niya ang pang-aakit kahit pa nga sabihing ilang insulto at pagpapahiya ang ginawa nito sa kanya. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang kabaliwan? Makukuha niya kaya ang atensyon ng isang kilalang CEO?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

Miss Robin
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Romance
101.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

snowqueencel
Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kaniya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kaniyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot hanggang sa kasalukuyan. Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kaniyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kaniya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kaniya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kaniyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kaniyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kaniyang puso? O magsisilbi niya itong sandigan para sa mga paparating pa lamang na pagsubok?
Romance
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I'm His Slave

I'm His Slave

CrystalineG
Letche naman oh! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng perang pang piyansa kay Itay hinding hindi ako sasapi sa grupo ni Buknoy. At malay ko bang ang target namin ay isa pa lang bigatin na ubod ng gwapo, yaman, yabang, at saksakan ng pagkababaero bukod dun napaka-daldal niya at ang bastos pa ng bunganga. Walang iba kundi si Sebastian Cain Guevarra. Ang lalaking mas magulo pa sa buhok mo sa private part. Paano ba naman—"I'll give you two option, Miss. Pumili ka, kulong o magiging alipin ko?" seryoso ngunit nakangising tanong niya. Humakbang siya papalapit at inilapit ang mukha sa aking tenga saka bumulong. "Choose wisely cutie..." sabay kindat niya. ©CrystalineG
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
Romance
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
212223242526
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status