Ang asawa kong Bilyonaryo
Marahan siyang tumango na ikinangisi ni Stella.
“Good, nakausap ko na si Kuya Oliver at kung tama ang sinasabi niya ay mayroong pinaplanong pagpatay saakin si agent Tiger o Eduardo kaya ibibigay natin sa kaniya ang nais niya.” Nababahala si Theo sa nais ni Stella. Ngunit kilala niya ‘rin ito, siya ang pinakang magaling na agent sa kanila. “Sino si kuya Oliver?” imbes na tanungin ang tungkol sa nahuli nitong sinabi ay tinanong na lamang niya ang bagong pangalan sa kaniyang pandinig.
“Oliver, isa sa mapapagkatiwalaang tauhan ng aking ama. Marami akong bantay sa Hacienda Del Rosario, nakahanda na lahat Theo oras nalang ang hinihintay natin.”