Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

Limang taon.. Limang taon na nakulong si Sapphire, dahil sa kagagawan ng kanyang asawa, at ng kabit nito, na kanya mismong kapatid. Sa kanyang paglaya, mismong ang hudas pa niyang asawa ang sumundo sa kanya, dahil hindi maaaring iakyat sa bahay ng mga Briones, ang isang kabit. Alam na ni Sapphire ang kanyang plano, ang maghiganti sa kanyang asawang si Dexter, at sa kanyang kakambal na si Emerald. Nais din niyang hanapin, ang batang iniluwal niya, na pinalabas nilang patay, bago siya makulong. Ngunit pagdating niya sa kanilang bahay, ang isang lalaking gwapo, at hinahangaan ng lahat, ay naroroon, si Ezekiel Briones, na may bitbit na anak. Hindi niya mawari sa kanyang sarili, kung bakit ang pakiramdam niya sa lalaki, ay inaakit siya, at yun naman ay pinayagan ng kanyang puso. Saka pa lang malalaman ni Dexter, na nagkamali ito, at nais ayusin ang kanilang pagsasama.. Sino ang pipiliin niya? ang dati niyang minamahal, na pinahirapan siya, o ang gwapong si tito Ezekiel, na hindi niya malaman kung seryoso sa kanya?
Romance
1031.5K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
nehj ollav
wag mo igaya sa character ni Maureen SI sapphire na ito uto,sana nmn Yung lumalaban,,tsaka bakit ba lagi iniisip Yung matanda babae,ipagpilitan pa wag maghiwalay DBA nya naisip mga pinagdaanan ni sapphire,at bakit di nya alamin bakit nakulong SI sapphire
Angel Broadway Pitt
damihan nyupa po ang update Dito author, sana Malaman na nla Sapphire at Ezekiel na anak nila si Liam at sna magka aminan na tlaga ng feelings.. hwag na masyado pahirapan c Sapphire author lage Nalang cyang pinapahirapan sa kwento, bigyan nyu din po ng Kaligayahan ang puso nya..
Read All Reviews
The 13th Sign: Magical Keys Academy

The 13th Sign: Magical Keys Academy

Dew_Banlengkrit
Ang sanaysay sa nawawalang susi ni Leon Rigel Peridice. Isang makapangyarihang nilalalang na pinagkalooban ng 13 gintong susi na nagdudugtong sa mundo ng mga tao at mundo ng mga celestial spirits. Sa higit ilang taon nitong pagkawala, matatagpuan ito sa isang pangkaraniwang babae na nagngangalang Sunny Charm Athenson. Bakit napunta sa kanya ang susi? Sino nga ba si Rye Athenson? At ano ang dahilan kung bakit napakahalaga ng ikalabintatlong susi?
Fantasy
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Contract With The Gay Billionaire

The Contract With The Gay Billionaire

Livre
Si Sofia Ramos lumaki sa isang orphanage. Musmos pa lamang, naintindihan niya na kung gaano kaimportante ang pera sa mundo. Kaya naman, nang makalabas na sa kinalakihang orphanage, napagpasyahan niyang makipagsapalaran sa syudad kahit ano pang trabaho ang pasukin niya. Pero isang lalaki lang pala ang mag-iiba at magaangat sa kaniya sa buhay. Sino nga ba ang lalaking ito na nagbigay ng kulay sa kaniyang walang kulay na buhay?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Teach Me, Uncle Professor

Teach Me, Uncle Professor

Si Elosia Lyra Concepcion, ang unica hija ng pamilyang Concepcion, ay kilala sa buong unibersidad sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan ngunit labis na pasaway. Kaya nagpasya ang kaniyang magulang na ilipat siya ng unibersidad kung saan mababantayan siya ng kaniyang uncle na si Professor Easton Concepcion. Ngunit, hindi nila inasahan na ang hakbang na ito ang magiging simula ng mas malaking gulo. Sa pagitan ng tama at mali, sino ang masusunod—ang puso o ang katwiran? Handa nga ba silang ipaglaban ang damdaming alam nilang bawal? O pipiliin nilang itago ang lahat sa takot na masira ang mga buhay nila? Dahil para kay Elosia, masarap nga talaga ang bawal.
Romance
10210 viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)

RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)

Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
LGBTQ+
1028.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Sa loob ng walong taon, inakala ni Lizzy na ang fiancé niyang si Jarren ang katuparan ng kanyang mga pangarap—isang perpektong kasal at masayang pamilya. Ngunit ang masakit na katotohanan ay tumambad sa kanya: si Jarren, ang lalaking minahal niya, ay may relasyon sa iba... at ang kabit nito ay hindi lamang basta kung sino, kundi ang sekretarya niya. Hindi na tumingin pa si Lizzy sa nakaraan. Sa halip, pinili niyang balikan ang dignidad niya at lumakad palayo sa kanyang engagement. Sa gitna ng gulo at kahihiyan, pumasok sa kanyang buhay ang isang bagong mukha—si Lysander Sanchez, ang misteryosong uncle ni Jarren na puno ng karisma at lihim na intensyon. Habang bumabawi si Lizzy mula sa sakit ng pagtataksil, matutuklasan niya na ang kanyang landas ay puno ng panibagong hamon, tukso, at pagkakataon para sa tunay na pagmamahal. Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at puso, o muli siyang masasaktan sa gitna ng isang mas komplikadong mundo?
Romance
7.959.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving The Tarvande

Loving The Tarvande

"Sino ba sa dalawang Tarvande ang mamahalin ko? Ang ama o ang anak?" Isang simple at mahinhing babae si Mercedes Abeleda. Sa kahirapan ng buhay ay nais niyang tulungan ang kaniyang mga magulang upang may pangtustos at pampaaral sa kaniyang tatlong nakababatang kapatid. Dahil grade 6 lamang ang natapos ay hirap si Mercedes na makahanap ng trabaho, hanggang dumating ang pagkakataon at isang oportunidad ang naghihintay sa kaniya sa Maynila; ang maging tagapagalaga sa isang senior citizen na malakas ang karisma na si Fiandro Tarvande. Si Fiandro ay madalas suminghal at magalit kaya't suhestyon ng kaniyang anak na kailangan nito ng tagapagbantay. Kahit labag sa loob niya ay wala siyang nagawa, sa halip, nahulog pa ang kaniyang kalooban sa pagiging mabait at maalagain ng dalaga. Nagmahalan at in-offer-an ng kasal ni Fiandro si Mercedes. Ang inaakala niyang magiging masayang pagsasama nila ay tila mauudlot nang dumating ang anak ni Fiandro na si Alfred—Ang lalaking magiging hadlang at handang gawin ang lahat upang mapasakaniya ang pag-ibig ni Mercedes. Ano nga ba ang magiging kahihinatnan sa pag-aagawan ng mag-ama para sa nag-iisa nilang minamahal na dalaga?
Romance
10548 viewsOngoing
Read
Add to library
Hostile Takeover (of My Heart)

Hostile Takeover (of My Heart)

Hindi natatalo si Joaquin Hernandez — hindi sa negosyo, at lalong hindi sa isang babaeng sumulpot sa boardroom na naka-heels at punung-puno ng attitude. Si Erena Maden, sa kabilang banda, ay hindi basta-basta babae. Siya ang tagapagmana ng Maden Industries, isang legacy empire na itinatag ng pamilya niya bago pa man matuto si Damian magbasa ng stock reports. Palaban, matalino, at may bibig na parang lason kung makipag-debate. Nagsimula ang lahat sa corporate war — may merger na nakataya, media scandals, at boardroom betrayal — mas lalo rin silang hinihila sa isa’t isa. Ang problema? Hindi nila alam kung alin ang una: ang halik o ang suntok. Sa larong ito ng pag-ibig at kapangyarihan, sino ang unang magpapatalo? Dahil minsan, ang pinaka-hostile na takeover… ay 'yung hindi mo kayang pigilan — lalo na kung puso mo ang pinapasok.
Romance
369 viewsOngoing
Read
Add to library
The Forgotten Wife

The Forgotten Wife

Hope
Simula ng magising si Amira sa isang pamilyar na lugar ay saka niya lang naramdaman ang kaginhawaan sa kanyang buhay bukod doon ay wala siyang maalala sa kanyang sarili simula ng magising siya sa lugar na hindi niya kailanman napuntahan. Kahit nakaramdam siya ng kaginhawaan ay minsan iniisip niya kung sino ba talaga siya? Pakiramdam niya ay may kulang ang kanyang pagkatao. Tahimik na ang buhay niya sa bagong bayan na kinabibilangan niya pero muli na naman itong nagulo at ang mga ala-alang kanyang nalimutan ay unti-unti siyang binabalikan. Nagsimula lahat ng ito ng makilala niya si Adrian Lev Suarez, ang lalaking nakalimutan niya sa nakaraan.
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status