Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Akin Ka Na Lang, Please

Akin Ka Na Lang, Please

Si Jacob ang ultimate crush ni Yumi na ang tingin sa kanya ay little sister lang ng bestfriend nitong si Nathan. Ang lalaki ang ginawa niyang inspirasyon habang nag-aaral kahit na ba walang katugon ang damdamin niyang iyon. Minsan ay nagmakaawa siya rito. " Kaya ko siyang higitan, Jacob . Akin ka na lang, please? " Habang patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit hindi niya inasahan ang magiging sagot nito sa kanya. " You will never be like her Yumi. You can't even compete to her because you're nothing and I don't even like you , kung hindi lang dahil sa pagkakaibigan namin ni Nathan nunkang lalapitan kita. " Those words that leave a mark in her young heart. Ok na sana pero bakit nagsalita pa itong muli. " And please, stay out of my sight forever! " Nasaktan siya. Kaya umiwas siya at nagpakalayo-layo. Hindi niya akalaing sa muli nilang pagkikita ay mag-iba ang ikot ng mundo. May katugon na kayang damdamin ang pag-ibig ni Yumi?
Romance
6.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Dare To Kiss The Billionaire

Dare To Kiss The Billionaire

chicaconsecreto
Karleigh Estrada, isang babaeng nangangarap na makilala ang mga Disney Princess na nakikita at nababasa niya sa mga magasin at telebisyon. Sa kagustuhang mapili sa isang Disney Princess Meet and Greet raffle, napasubo siya sa isang dare challenge, kung saan kailangan niyang halikan ang isang estrangherong lalaki. Deshawn Moore, isang babaero at beterano sa pagpapaikot ng ulo ng mga babae. Nang muling magtagpo ang kanilang landas ay inalok niya ito bilang pekeng mapapangasawa, at kapalit nito ang kahit na anong kahilingan ng babae. Sa larong ito, mas pipiliin ba nilang piliin ang isa't-isa? Sino ang matatalo? Sino ang magiging taya?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me, Nemesis

Love Me, Nemesis

BOOK 2 OF HIS BODYGUARD WIFE: LOVE ME, NEMESIS Isang misteryosang babae na may malademonyong mga mata ang sumulpot sa underground at naghasik ng takot at paghanga sa lahat pero sino nga ba siya? At sino ang lalaki na umangkin sa isip at puso niya gayo'ng alam niyang nakatadhana na saktan nila ang isa't isa?
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Anghel de Puta

Anghel de Puta

Si Margarita Pelaez o Greta ay namamayagpag bilang most sellable prostitute sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Pero isang pangyayari ang nagpatigil sa kaniya sa pagbebenta ng aliw. Nabuntis siya ng kustomer niya na akala niya'y may pagtingin din sa kaniya. Sinubukan niyang ipakilala ang bata sa sinapupunan niya kay Parker Sherlock na nakabuntis sa kaniya. Sa halip na tanggapin ay ginahasa at sinaktan siya ng lalaki sa araw na iyon. Limang taon niyang tinago ang anak niya sa lalaking nagwasak ng puso niya at nagdulot ng trauma sa kaniya. Subalit, ano ang mangyayari kung tadhana na ang magpapasya sa muling pagku-krus ng landas nina Greta at Parker? Sa pagkakataong ito, ipapakilala pa ba ni Greta ang bata sa ama nito o ibabaon niya ang katotohanang anak ni Parker sa kaniya na isang Anghel de Puta ang bata?
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving My Enemy

Loving My Enemy

Who would've thought that person is the killer? Matagal nang may mga nagagalit sa ama ni Celine na isang politiko; isang gobernador sa kanilang lalawigan. Ito'y sapagkat marami itong pinatay na mga inosenteng tao. At dahil na rin sa mga gawain nito, maging ang kaniyang sariling anak ay siya'y itinatakwil at itinataboy. Dahil maraming galit sa kaniya ay isa-isang pinaslang ang kaniyang mga tauhan. Hindi matukoy kung sino nga ba ang may kagagawan nito at kung konektado ba 'to sa grupong nais siyang ipapatay. Nagsimula ang lahat ng ito nang dumating si Lucas sa mansyon ng gobernador, ngunit ito'y kanyang ginigiit. Kaya't palaisipan kung sino nga bang pumapatay. Sino kaya ang mayroong kinalaman? Paano nga ba malulutas ang kaso? Matutunan pa rin kaya niyang patawarin ito at muling mahalin? "The killer could be me, you. . . Anyone." Unmask the shadow, reveal the culprit. AT kung magkakaroon nga ba ng happy ending ang love life ni Celine.
Romance
10390 viewsOngoing
Read
Add to library
The Florist In Dangwa

The Florist In Dangwa

MissJAM
Bata pa lang ay namulat na si Alie sa kahirapan ng buhay. Naiwan sa pangangalaga niya ang kapatid na may kapansanan dahil maagang nawala ang Tatay niya at iniwan naman sila ng Nanay niya para sumama sa mayamang lalaki. Hindi niya gustong lahatin pero ang tingin ng mga mayayaman lahat ay naaareglo ng pera. Kaya naman ng magdalaga at magka-isip ay galit na siya sa mga nakakaangat sa buhay at wala siyang balak makipagmabutihan sa mga ito. Pero dumating si Erwann Vallejo para ipamukha sa kanya na hindi lahat ng mayaman ay ganoon. Tanggap nito kung ano siya at ganoon rin ang kapatid niya. He has everything and he's willing to give it to her. But one unfortunate event will ruin her life and what they have.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay. Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula. Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata. "Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?" Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na." May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
Romance
8.55.2M viewsOngoing
Show Reviews (1081)
Read
Add to library
Aira Canono
maganda ang kwento kaso humaba na ng humaba dahil sa paikot ikot , naisip ko tuloy si coco martin ang may gawa nito e hehe chariz!...sana malaman na ni mateo ang lahat ng katotohanan lalo na ung sya pala ang ama, at si nat na si mateo ung kasama nya sa golden palace that night, kakaawa na si nat e ...
Jury Badong
hays Sayang Ang oras,, Sayang Ang pera lipat na Tayo sa iba ......... mas exciting pa,,thanks author pero mas mabute pang magpahinga kana pagod kana siguro sa paulit ulit ...‍...️ hays akala kopa Naman exciting tong kwento Kaya na curios akong magbasa pero dyos me!!! ilang taon pa sigurong ila²bs Ang Bata
Read All Reviews
My Angel Gabriel

My Angel Gabriel

Sofia Fernandez is Gabriel Montero’s one great love, ang babaeng kanyang pinakamamahal. He calls her his Angel and he has been there sa lahat ng importanteng kaganapan sa buhay nito. He has been there because he was her bestfriend. Isang tawag at iyak lang nito, naroon agad siya para maibigay ang pangangailangan nito. He had love her for so long, probably the first time he laid eyes on her but he was so afraid to cross the line lalo na at may isang sekreto siyang pinakatago tago rito. A secret that might ruin more than their friendship, and he can’t just afford to lose her. Not in his lifetime. ‘Di bale nang bestfriend, huwag lang itong mawala sa kanya. Sofia thinks that life has been too unfair for her, being orphaned at the age of seven, at ang kunin ang lalaking una niyang minahal dahil sa sakit nitong leukemia, buti at nariyan lagi si Gab. Gab has always been her knight in shining armor, her confidant. Iyon ngalang lagi siyang namomroblema sa mga babae nito, sobra kasi nitong gwapo maliban sa matalino at mayaman din ito. Pero isang araw bigla siyang nagising na sobra na siyang apektado sa mga hawak at haplos nito. Ang isang bagay na lubhang ikinakatakot niya. A man with unconditional love for the woman he loves and a woman still mending a broken heart. Magiging pabor ba ang tadhana sa kanila o mas magiging marahas? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
Romance
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status