Dilaan Mo
Kasabay niyon ang walang patid na pagtibok ng kanyang puso na waring nagsasabing sinisigaw nito ang pangalang Isaac Montenegro.
"Ate, siya ba ang boyfriend mo?"
Mabilis pa sa hangin na itinulak ni Lily si Isaac. At hinarap ang pupungas-pungas na si Dianah.
"Hey, good morning! Yeah, siya nga. Gutom ka na ba?"
"Opo ate, hi po kuya, grabe naman, may lahi ba kayong artista? Ang gwapo pala ng boyfriend mo ate," bulalas ni Dianah.