My Maid, My Love (Filipino)
Huminga siya nang malalim at saka nagsalita, "Oo. Naiintindihan ko ang sinasabi mo, 'no? You have a point, Amy. Tayong mga tao lang naman ang nagpapaka-komplikado ng mga bagay-bagay na hindi naman talaga dapat gawin na komplikado at isa pa ay masyadong mapanghusga tayong mga tao, eh. Tama ba ako?"
"Oo. Tama ka talaga. Masyadong mapanghusga kasi tayong mga tao kaya madalas hindi natin naiintindihan o nauunawaan ang bawat isa, eh. Imbis na unawain o intindihin ay hinuhusgahan kaagad natin base sa mga nakikita natin na kung misan ay akala natin 'yo na ngunit hindi naman pala," sabi ko sa kanya.