Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Wala Kasing KATULAD

Wala Kasing KATULAD

Si James Alvarez ay galit na galit dahil may nagtangkang manligaw sa kanyang kasintahan. Sa huli, siya ay napadpad sa likod ng mga rehas matapos ang kanyang pagtatangkang protektahan siya. Tatlong taon ang lumipas, siya ay isang malayang tao ngunit nalaman niyang ikinasal ang kanyang kasintahan sa lalaking nanligaw sa kanya noon. Hindi papayag si James na basta na lang mawala ito. Sa kabutihang palad, natutunan niya ang Focus Technique habang siya ay nasa bilangguan. Sa puntong iyon, siya ay nagsimula sa paglalakbay ng pagsasanay at sinamahan ng isang napakagandang si Jasmine. Sino ang mag-aakalang ito ay magpapagalit sa kanyang ex-girlfriend?
Urban
1013.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
In Love With My Husband's Son (Filipino)

In Love With My Husband's Son (Filipino)

Jay Sea
Nagpakasal si Celine ng wala sa tamang oras sa isang biyudong mayaman na may isang binatang anak na ang pangalan ay David Gonzalo kahit hindi niya ito mahal. Matapos ang kasal nilang dalawa ay dinala siya nito sa mansion kung saan nandoon ang anak nitong binata na hindi makapaniwala na ang daddy niya ay may bagong asawa na. Unang kita pa lang ni Celine kay David ay nasabi na niya sa sarili niya na gusto niya ito. Wala pa ngang isang linggo ay natagpuan na lang na wala nang buhay ang daddy ni David na pinakasalan nga niya. Galit na galit sa kanya si David sa nangyaring 'yon. Inaakusan siya nito na pumatay sa daddy niya ngunit tinatanggi naman niya 'yon. Pinapaalis na siya ni David sa mansion nila. Kahit mahal niya ito ay umalis siya sa mansion na 'yon. Makaraan ang ilang taon ay nagkita silang muli ni David. Bumaliktad ang takbo ng buhay nilang dalawa. Kung dati siya ay mahirap ngayon ay si David na ang naghihirap. Winaldas nito ang perang pinamana sa kanya ng daddy niya. Nawala ang lahat sa kanya. Gusto ni David na tulungan siya ni Celine. He knows that she became rich because of his dad's money. Tulungan kaya siya ni Celine? Mahal pa rin ni Celine si David ngunit sa tuwing makikita niya ito ay naalala niya ang masasakit na salitang binitawan nito sa kanya. Paano kung iparanas rin ni Celine ang naranasan dati sa kanya kahit may nararamdaman pa rin siya sa kanya?
Romance
3.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Mr. Wright Beside Me

Mr. Wright Beside Me

Isang malaking iskandalo ang yumanig sa buhay ni Gracie sa mismong birthday celebration ng step-father niyang si Armand Luistro. Sa kalagitnaan ng magarbong party ay biglang ipinalabas sa led screen ang isang scandalous video kung saan siya ang naroon at may kasama siya na isang lalaki. Nasa aktong pagtatalik ang tagpong napanood ng maraming bisita. At ang lalaking kasiping niya ay ang boyfriend ng kanyang wicked half-sister na si Tatiana. Hindi niya akalain na ganoon pala ang planong paghihiganti ni Narita sa kapatid niya kung saan nakipagtulungan siya sa una. Dahil sa malaking kahihiyan ay itinakwil siya ng sariling ina at pinalayas siya ni Armand sa buhay at pamamahay ng mga ito. Nakasumpong siya sa ng bagong yugto ng buhay sa may kalayuang bayan ng Lopez Quezon. Nagkaroon siya ng trabaho sa isang event center at part-time emcee rin siya. Nang matanggap siyang site manager sa bagong dini-develop na subdivision sa nasabing bayan, nakilala niya ang boss niya na si Oliver Wright. Isang cold hearted na lalaki na na nagpapadagdag appeal sa kagwapuhang taglay nito. Hindi mapigilang humanga ni Gracie sa binatang boss. Ngunit ito pala ay isa sa mga anino ng kahapong nagtakwil sa kanya noon. Susubukin n’on ang pagkakalapit nila sa isa’t isa at lumalambot na puso sa kanya ni Oliver.
Romance
101.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Chained by the Billionaire

Chained by the Billionaire

Akala ko tapos na ang gabi. Tahimik na ang buong bahay, pero hindi ang dibdib ko. Kagagaling lang namin sa isang party—hosted by his mother. Ang daming tao. Ang daming mata. Pero kahit na ipinakilala niya akong secretary lang, ramdam ko ang pag-aangkin sa bawat sulyap niya. Lalo na nang may lalaking lumapit sa akin. Lalo na nang ngumiti ako, kahit sandali. Doon ko siya nakita—yung paninigas ng panga, ang lalim ng tingin na parang babagsak ang langit. Kaya hindi na ako nagulat nang may kumatok. Malakas. Walang pasintabi. Pagbukas ko ng pinto, naroon siya. Si Cayden. Nakatayo sa dilim, may halong galit at silakbo sa mukha. Hindi siya nagsalita agad—dumiretso siya sa loob, isinara ang pinto, at hinila ako papunta sa kama. “Cayden, what are you—stop!” Nagpumiglas ako. Umiwas. Pero hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Lumuhod siya sa kama, pinilit akong mapahiga. At saka siya bumulong, malamig ang boses, pero parang nasusunog ako sa bawat salita. “Tonight, whether you like it or not… I’m going to claim you.” Nanlaki ang mata ko. Hindi ito tanong. Hindi ito pakiusap. Ito ang utos ng isang lalaking hindi kailanman tinanggihan. Hindi siya aalis. Hindi siya titigil. At ngayong gabi— Tatatakan niya ako ng pangalan niya. Kahit hindi ako handa.
Romance
1029.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥
Romance
1018.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Love Me One More Time

Love Me One More Time

SweetyRai88
Walang choice si Darine kundi tumakas. Dahil sa ipapakasal siya ng kanyang Lolo sa apo ng kanyang matalik na kaibigan. Handa niyang iwan ang lahat, pagod na rin siya lagi siyang kinokontrol ng kanyang Lolo. Ang mahalaga ay hindi siya makasal sa taong hindi niya kilala. Jasper Guillermo, 34 years old. Business Tycoon, wala sa kanyang vocabulary na mag-asawa mula ng niloko siya ng unang babaeng minahal. Kung hindi niya masunod ang kagustuhan ng kanyang Lolo ay mawawala sa kanya ang kumpanya na inaalagaan niya. Dahil labag kay Jasper ang kagustuhan ng kanyang magulang kaya gumawa siya ng sariling paraan. Hindi siya papayag kung ano gusto ng kanyang Lolo ay masusunod. Yes mahalaga sa kanya ang kumpanya pero hindi siya papayag pagdating sa sarili niyang buhay ay panghimasukan ng kanyang magulang lalo na ang kanyang Lolo. Pagkalipas ng isang linggo ay muling nagtagpo ang landas ni Jasper at Darine. Naglakas loob si Darine na kausapin ang binata kung pwede siya nitong tulungan. Hindi naman nagddalawang isip ang binata tinulungan niya si Darine. "Be my girlfriend sa harapan ng mga magulang ko," sabi niya kay Darine. Paano kung nasa kay Darine ang katangian na taglay na hinahanap ni Jasper sa babae? Kaya bang panindigan ni Jasper ang lumabas sa bibig niya na hindi niya kayang lumagay sa tahimik? Isip o puso ba ang susundin ni Jasper? Paano kung ang darating ang isang araw na ang lalaking pinakamamahal ni Darine ay bigla siya nitong hindi maalala. Kung sino ba si Darine sa buhay niya? Matatanggap ba ni Darine ang biglang pagbabago ni Jasper sa kanya? Lalo na ibang-iba na sa dati ang pakikitungo ni Jasper sa kanya.
Romance
6.44.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay nag-uumapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit iyong mahal at pinagkatitiwala mong tao ang siyang mangloloko sa'yo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, pumara siya ng taxi at tumungo sa isang club at doon nagpakalawing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan at iba ang namulatan ng kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niyang isang gabi lamang ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
Romance
1032.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
In the Arms of the Enigmatic Billionaire

In the Arms of the Enigmatic Billionaire

"Audrey, I am begging you. Please come back to me. Akala ko siya pa rin ang mahal ko, nagkamali ako. All along, it's you that I truly love. Please... come back to me. Let's get married again." Agad na pinapirma ng divorce agreement si Audrey ng kaniyang asawa na si Lawrence nang bumalik sa Pilipinas ang first love nito. For three years, ginawa niya ang lahat para mahalin siya nito kahit pa maging alipin siya ng pamilya ng lalake ngunit gano'n kabilis nitong tinapos ang kasal nila nang malaman ni Lawrence Villafuente na nakabalik na si Gayle. Nasaktan si Audrey ngunit pinili niya na palayain ito dahil hindi na rin niya kaya ang hirap na dinaranas niya sa mansion ng mga Villafuente. She had a hard time living after the divorce but it slowly became easier when she was caught in between the arms of the ever mysterious billionaire who seemed cold but possessive to her. Namalayan na lang niya natutuwa na rin siya sa init ng presensya ni Regan Amadeus Vasquez. Months later, she received a drunk call from Lawrence, her ex-husband. Nagmamakaawa na itong balikan siya at sinabing nagsisisi sa nangyaring divorce sa kanilang kasal. Hindi siya nito tinitigilan at hinahabol siya, namimilit na magkabalikan sila. Minahal niya nang sobra si Lawrence sa loob ng tatlong taon ngunit alam din niya sa sarili niya na trapped na siya mga braso ni Regan. Would she go back to her ex-husband who treated her badly, or will she choose to stay in the arms of the enigmatic billionaire?
Romance
104.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

pedrosays
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Rosianne Santiago dahil sa isang aksidente. Sa tulong ni Nathalie Lucero ay nabigyan siya ng pangalawang buhay ngunit may kapalit lahat ng tulong nito. Sa pamamagitan ng marriage contract ay nakilala niya si Jacob Illustre, ang lalaking bilyonaryo at ang papakasalan niya. Para kay Rosianne, pera lamang at utang na loob ang nagpapatagal at nagpapatibay ng kanyang sikmura upang ipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap. Ngunit, unti-unti ng nahulog ang kanyang loob kay Jacob kahit alam niyang labag ito sa kanyang nilagdaang kontrata. Matigas man siya sa panglabas na anyo ngunit hindi maatim ng kanyang puso na ipagpatuloy niya ang panloloko habang minamahal niya ito kaya lilisan na lamang siya. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbalik si Nathalie at iniba nito ang takbo ng kwento. Hindi na mahanap ni Rosianne ang kontratang hawak niya bilang katibayan na napagkasunduan nilang dalawa ito. Paniniwalaan pa kaya siya ni Jacob nung malaman nitong niloloko siya nito? Ipaglalaban kaya ni Rosianne ang kanyang nararamdaman kay Jacob kahit na makulong siya? Mananaig kaya ang kanilang pagmamahalan O tatakbo na lamang siya at mamuhay ng payapa kasama ang dinadala niyang anak nila ni Jacob Illustre?
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Uncle is My Secret Lover

My Uncle is My Secret Lover

One tragic night ruined her life… but one sinful night awakened something she should’ve never felt. *** Maya Ramirez is a top actress—admired by millions, envied by many, but shattered within. Sa araw ng kanyang bed scene shoot, nakatanggap siya ng balitang ikinawasak ng mundo niya: naaksidente ang ama niya at nang dumating siya sa ospital ay patay na ito. At ang mas masakit? Buntis ang kapatid niyang si Maica, at ang ama ng dinadala nito ay walang iba kung 'di ang boyfriend ni Maya. Dahil sa sakit, sa galit, sa pagkawasak—uminom siya ng alak hanggang mawalan ng kontrol. At sa isang gabi ng kahinaan, nakatulog siya sa bisig ng isang estranghero. Ngunit pagmulat niya… hindi pala ito estranghero. Ito ay si Atty. Luigi Salazar—ang kanyang tiyuhin. Dapat ay isang pagkakamali lang iyon. Dapat ay kalimutan na, pero hindi siya pinakawalan ni Luigi. Hindi siya tinalikuran. Sa halip, ang bawat gabi ay naging mas mapusok, mas makasalanan… at mas mahirap itigil. They tried to deny it. They tried to hide it. Until one revelation changed everything—they’re not blood-related. Pero sapat ba 'yon para maging tama ang mali? Handa ba silang ipaglaban ang pag-ibig na itinatago nila sa dilim? O mas pipiliin nilang masunog sa apoy ng bawal na pagmamahalan?
Romance
1022.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1516171819
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status