Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10789 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Romance
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Game: His Brother, My Lover

The Billionaire's Game: His Brother, My Lover

Disclaimer: This book is RATED SPG Ang akdang ito ay naglalaman ng mga temang maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa, kabilang ang matinding emosyon, maseselang eksena, at mga paksang maaaring sensitibo para sa ilan. Ang lahat ng tauhan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda. Ang pagbabasa ng akdang ito ay nangangailangan ng masusing gabay ng nakatatanda. Ang may-akda ay hindi nagtataguyod o humihimok ng anumang negatibong asal o pananaw na maaaring makita sa kwento. Para sa responsableng pagbabasa. Si Sunshine Caparal ay isang maganda, mabait at anak ng negosyante pero walang amor sa kanila ang kaniyang ama. Habang ang kaniyang ina ay namatay sa panganganak dahil sa kaniyang bunsong kapatid. Dahil nailigtas niya ang buhay ng isang mayaman at respectadong tao sa bansa, binigyan siya ng chance maikasal sa tagapagmana nito. Ito lang ang nakita niyang paraan para matustosan ang gastusin sa paggagamot ng kaniyang bunsong kapatid. Pero nalaman niyang ang kaniyang step sister ay may relasyon dito kaya naman nandiri siya. Sa sobrang galit niya nagawa niyang sumiping sa kapatid ng kaniyang magiging asawa. Si Benedict Lorenz Sanmiego. Ang panganay at independent na anak ng Sanmiego Group. Naging Fuck Buddy sila kapalit ng magaling na doctor para sa kaniyang kapatid. Kasabay no'n ang pagkawala ng kaniyang shares at ang mapapangasawa. Ano nga ba ang kahahantungan ng kanilang paggamit sa isa't isa? May maganda nga bang patutunguhan ang walang kwentang relasyon na mayroon sila? Alamin..
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
DARK POSSESSION: Bound by Blood

DARK POSSESSION: Bound by Blood

Ipinagbili si Elaris Vaeloria ng sarili niyang ama sa makapangyaring pamilyang Montefalco— at doon, tuluyan siyang  nawala sa mundo ng kalayaan at dangal. Ginapos ng utos, kontrol, at takot, natutunan niyang ang bawat sandaling malaya ay may kapalit. Sa gitna ng sakit at pagdududa, matapos iligtas ay tumakas siya kay Damian Vossryn, naniniwalang lahat ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pagkawasak. Pero nagbaho si Damian. Ang halimaw na kinatatakutan ng mundo ay natutong maramdaman... ang pagmamahal. At nang muling pagtagpuin sila ng tadhana, hindi na niya hinihingi ang pagsuko ni Elaris— ang puso na niya ang kaniyang nais. Ngunit sa mundong pinaghaharian ng dugo at lihim, may puwang pa ba ang pag-ibig na marupok... o nakatadhana rin itong masira?
Romance
10237 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Back Babe

I'm Back Babe

charmynxwp
Sabi nila, age doesn't matter. Pero bakit nang malaman nila ang nangyari bakit sila nagalit?. Aleandra Kaye Dioa, she is a first year high-school student who just want to study and make friends. Ang kanyang pamilya ay strikto at ang mga kapatid nito ay ganon rin. Jethro Ashier Claver, he is also a first year high-school student. Kaye and him are classmate. Siya ay isang makalokohang lalaki, wala siyang ginawa kung hindi ang mangasar ng mga kaklase. Naging magkaibigan sila at malapit sa isa't isa. Ang mga tao ay napagkakamalan na silang magkasintahan sa sobrang lapit nila. Ngunit ang mga akala ng tao ay nagkatotoo, napamahal sila sa isa't isa sa murang edad. Nalaman ito ng mga magulang ni Kaye at ito ay mga nagalit. Ngunit paano kung ayaw makipaghiwalay ni Jethro? Ano ang mangyayari? Itutuloy pa rin ba nila ang namamagitan sa kanila?.
YA/TEEN
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

The Autistic Wife of the Blind Trillionaire

Dahil sa sakit ni Rosie na autism, hindi niya akalain na ito ang magdadala sa kanya sa kanyang bulag na mapapangasawa. — Hindi akalain ni Rosie Samaniego na siya ang ipapadala ng kanyang mga kinalakihang magulang upang ikasal sa bulag na si Sebastian Villfuerte, ang dapat na papakasalan ng kanyang stepsister na si Ivy. Ngunit dahil siya’y may autism, wala siyang nagawa kundi sumang-ayon at para na rin makalaya sa mga ito. Magkasundo kaya ang isang bulag at autistic? Makakabuo ba sila ng isang pamilya gaya ng matagal nang inaasam ng lolo ni Sebastian?
Romance
1037.5K viewsOngoing
Read
Add to library
SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE

SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE

Dahil sa malubhang sakit ng kanyang ama, walang nagawa si Renata Ferrer nang ipagbili siya ng sariling madrasta sa isang bilyonaryong walang puso, si Severino "Sev" Morelli. Kilala si Sev bilang isang malamig, walang awa, at walang interes sa pag-ibig. Para sa kanya, lahat ng bagay ay may presyo, at si Renata? Isa lang siyang bayad na ari-arian. Ngunit hindi niya inasahan na ang babaeng ito—na pinilit lang ipasok sa kanyang buhay—ay magtutulak sa kanya sa isang bagay na hindi mabibili ng pera.
Romance
388 viewsOngoing
Read
Add to library
Mistake I won't Regret

Mistake I won't Regret

"I'm sorry Avry, let me explain.." Buong pusong pakiusap ko sa kanya. Nasasaktan ako. Ang sakit sakit. Bakit masakit? All of it is just part of the game. Make her fall in love with me yet ako ata ang nahulog ng malala. "Save it, Ice. I don't need it. Don't worry we're even. Hindi naman kita minahal." Bumalik ang walang emosyon niyang mukha. Bakit ganun? Parang mas masakit pa to kumpara sa lahat ng naging break ups ko? Ayaw ng tumigil ng mga luha ko.
LGBTQ+
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status