Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Isang CEO na isa rin sa mga pinuno ng mga sundalo, nakipag-kontrata ng kasal sa isang inosenteng babae. Dumaan ang ilang buwan ay unti-unti silang nahulog sa isa't isa. Subalit, bumalik ang kanyang Ina at ginawa ang lahat upang mawala sa buhay ng kanyang anak ang inosente na babae. Ngunit, walang ibang nagawa ang CEO kundi ang ipaglaban ang babaeng iniibig niya. Subalit, dumating sa puntong pinagtangkaan ng kanyang Ina ang buhay ng iniibig nito. Magagawa pa rin bang manatili ng CEO sa tabi ng iniibig niya? O pakakawalan na lamang niya para sa kaligtasan?
9.92.5K viewsOngoingAdded to Library 80 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Gentleman's Lustful Affair

The Gentleman's Lustful Affair

Sa isang gabi, nawasak ang buhay ni Liezel. Ginamit siya ng boyfriend niya at ninakaw ang research na pinaghirapan niya. Sa parehong gabi, itinulak siya ng sariling pamilya na ibigay ang sarili sa isang estrangherong lalaki kapalit ng kaligtasan ng kanilang negosyo. Inalok siya ng lalaki ng isang kasunduan: tutulungan siya at aalagaan—kapalit ng pagiging bedwarmer nito. Tinanggap niya, dahil wala na siyang ibang pagpipilian. Ngunit may lihim ang lalaking iyon. May asawa ito. At sa sandaling pumasok si Liezel sa mundo nito, hindi niya alam kung pag-ibig ba ang naghihintay sa kanya—o panibagong kapahamakan.
275 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Lucifer's Downfall

Lucifer's Downfall

MnemosyneMin
Upang mabuhay tinaggap ni Rann ang alok ng lalaking estranghero isang gabi ng kanyang pagtakas. Ginawa niya ang sinabi nito, naging asawa siya ng kanyang tagapagligtas, at handa siyang ibigay dito ang lahat. Ngunit pagdududahan ni Rann ang sariling desisyon nang matuklasan ang demonyong nagtatago sa likod ng matamis na ngiti ng kanyang asawa.
103.7K viewsOngoingAdded to Library 108 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Someone Like You

Someone Like You

Isang babaeng walang takot magmahal ngunit hindi pa kailanman tunay na umibig. Isang lalaking isinara na ang puso dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. At isang batang naghihintay sa pagmamahal ng isang ina. Si Vanessa De Jesus ay isang masayahin, palabiro, at walang preno kung magsalita. Sa paghahanap ng trabaho, hindi niya inaasahang mapapasok siya sa kakaibang mundo ng mayamang negosyanteng si Vincent Curt Lee—isang malamig, istrikto, at halos walang pusong lalaki pagdating sa negosyo. Ang trabahong inaalok sa kanya? Magpanggap bilang si Chelsea Jimenez Lee, ang nawawalang asawa ni Vince at ina ng batang si Vincent. Sa mata ng publiko, buhay pa si Chelsea. Ngunit sa katotohanan, nababalot ng misteryo ang kanyang pagkamatay. Upang mapasaya ang anak na may sakit at nangungulila sa ina, pumayag si Vanessa na gampanan ang papel na hindi niya akalaing babago sa buhay niya. Sa loob ng mansyon, nagsimula ang isang kontratang puno ng mahigpit na patakaran—lalo na ang isang rule na tila pinakamahirap sundin: “Don’t you dare to fall in love with me.” Ngunit paano kung sa bawat pagtatalo, sa bawat banggaan ng personalidad, at sa bawat sandaling magkasama sila, unti-unting nabubuksan ang pusong matagal nang nakapinid? Habang lumalalim ang kanilang pagsasama, mabubunyag ang mga lihim sa likod ng aksidente ni Chelsea. Aksidente nga ba ito? O may mas malalim na dahilan sa likod ng pagkawala? Sa pagitan ng pagpapanggap at katotohanan, sa pagitan ng obligasyon at tunay na damdamin— maaari bang mahalin ng isang puso ang someone like you?
855 viewsCompletedAdded to Library 33 Times as tae ng kambing
Read
+Library
RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)

RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)

Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
1032.6K viewsCompletedAdded to Library 1.2K Times as tae ng kambing
Read
+Library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
1012.9K viewsOngoingAdded to Library 514 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
9.1132.4K viewsCompletedAdded to Library 4.8K Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Mafia Series: Laxus Morgan

The Mafia Series: Laxus Morgan

Sa mundong pinatatakbo ng digital codes at madugong transaksyon, si Laxus ang hari. Isang makapangyarihang CEO sa umaga, at isang malupit na Mafia Boss sa gabi. He is the powerful Mafia Boss of the London clan, bagama’t may lahi siyang Pilipino at lumaki dito sa pinas. Hawak niya ang lahat—yaman, koneksyon, at ang buhay ng sinumang babangga sa kanya." Ngunit may isang 'system' siyang hindi kayang kontrolin nang buo: si Amara." Si Amara ang henyo sa likod ng mga firewall ni Laxus. Bilang kanyang Elite Hacker at Personal Developer, siya ang nakakakita sa lahat ng duming ibinaon ni Laxus sa ilalim ng mga encrypted files. She holds the 'Kill Switch'—ang mga impormasyong sapat upang maipakulong ang kanyang boss habambuhay. Gusto nang tumakas ni Amara. Gusto na niyang iwan ang madilim na mundong ito. Ngunit sa ilalim ng kumpas ni Laxus, ang pag-alis ay katumbas ng pagtataksil. At sa mundo ng Mafia, ang pagtataksil ay binabayaran ng dugo. Gagamitin ni Laxus ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang panatilihin ang dalaga sa loob ng kanyang 'Golden Cage.' Pero habang sinusubukan ni Amara na i-bypass ang puso ng kanyang boss, unti-unti siyang nahuhulog sa bitag ng isang lalaking handang pumatay—at handang mamatay—para lamang manatili siya sa tabi nito. Sino ang unang bibigay? Ang babaeng may hawak ng ebidensyang makakasira sa kanya, o ang lalakeng handang sunugin ang mundo para lang sa kanya?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 50 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
1012.7K viewsOngoingAdded to Library 405 Times as tae ng kambing
Read
+Library
SISID NI DOC(LADY-RIDER SERIES BOOK|)

SISID NI DOC(LADY-RIDER SERIES BOOK|)

Si Patricia Cruz A.K.A Patty, ay Isang 28 years old nurse. Isang lady-rider na halimaw sumibak sa karsada. Dahil sa nangyare sa kanyang Ina’ng namatay dahil sa panganganak. Nagkaroon siya ng takot mabuntis kaya nga sa edad na 28 years old she is never been touched, and NBSB. Palagi niya'ng sinasabi na I'll touch myself nalang Kay-sa magpagalaw baka mabuntis siya at magaya siya ng kanyang Ina. Ngunit sa Isang gabi dahil sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan nagkaroon ng laro sa Isang club kung saan naroon silang tatlo. It was a dare na lalapit siya sa Isang stranger at siya mismo ang unang magpakilala dito. Sa gabing iyon nalasing siya kasama ang stranger at naisuko niya ang pinakakaingatan niya'ng puri. Pagkatapos non hindi na natahimik ang dalaga. Akala ni Patricia ay hindi na muling mag cross ang kanilang landas ng binata. Ngunit Isang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho bigla’ng muli nag cross ang kanilang landas at doon pa talaga sa elevator kung saan pareho silang na stock sa loob ng ilang minuto. Ngunit para sa dalaga Oras iyon dahil subrang naiilang siya sa binata. Tila mas lalo pa talaga siya'ng inaasar ng Tadhana ng ang binatang pinasisid niya sa gabing iyon ay magiging amo niya pala. Naging surgical private Assistant siya ng binata dahil nag retire ang ama nitong doctor na dati niyang amo.
10157 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as tae ng kambing
Read
+Library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status