Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire

Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire

“I will agree to whatever you want, Ms. Aragon. I will give you a million, but in return, you'll be my mistress and partner in bed...” Hindi kaagad nakahuma si Lalaine sa sinabing iyon ng lalaki. Paano mangyayari ang gusto nitong maging kabit siya gayong kasal sila? “P-Pero kasal tayo, hindi ba?” naguguluhang tanong naman ni Lalaine na may munting kirot sa puso. “Sa papel lang tayo kasal, Ms. Aragon,” sagot naman ni Knives na bakas ang iritasyon sa tinig. “Hindi ko na uulitin ang tanong. Ano ang sagot mo?” malamig pa tanong sa babae. Dahil wala nang pagpipilian pa ay sumagot si Lalaine kahit labag sa kanyang kalooban, “S-Sige, pumapayag ako...” Si Knives Dawson, ang pinakamayamang businessman sa buong Luzon ay palihim na ikinasal sa isang ulilang dalaga na si Lalaine Aragon. Napilitan lang na magpakasal ang dalawa sa isa't-isa dahil sa kagustuhan ng kanilang mga minamahal na lola. May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang taong langit at lupa ang agwat ng katayuan sa buhay? Paano kapag nalaman ni Lalaine na mahal pa pala ng lalaki ang first love nito at nakatakda nang magpakasal ang dalawa. Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan bilang asawa gayong alam niyang walang pagmamahal si Knives para sa kan'ya?
Romance
9.41.0M DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Married a Secret Billionaire

Married a Secret Billionaire

Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."
Romance
9.41.1M DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart

"Anong dahilan ito ng pakikipaghiwalay mo?" tanong ni Zeus kay Maureen, "hindi kita mapaligaya sa kama? anong kalokohan ito?" "Totoo naman, hindi mo ako mapaligaya sa kama. Uuwi ka ng bahay, matapos ang ilang linggo mong pagkawala, tapos, lalayasan mo ulit ako pagkatapos. Kaya tama yang nababasa mo, hindi mo nameet ang standards na gusto ko!" sagot ni Maureen sa lalaki. "Talaga ba? Ilan ang gusto mo? makapito tayo sa isang gabi? Sige, humanda ka sa akin pag uwi---" hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil agad niya itong sinagot. "Sino namang may sabing uuwian pa kita? ano ako, baliw?" kaagad pinutol ni Maureen ang tawag na iyon. Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Subalit pagod na siyang habulin ang lalaki, gayong ang trato nito sa kanya ay isang basura! Tapos na ang pagiging masunurin niyang asawa. Sinayang lang nito ang pagmamahal niya. Paglipas ng panahon, naging isa siyang successful na fashion designer. Napapalibutan na siya ng mga bata at gwapong kalalakihan. Madalas niyang nakakasalamuha sa mga events ang dati niyang asawa. Minsan, kinorner siya nito sa sulok saka hinalikan. "Maureen, mahalin mo ulit ako, please.." pakiusap nito. "Gaya ng dati. Handa akong magpaalipin sayo, balikan mo lang ako."
Romance
9.51.3M DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Played By Fate

Played By Fate

Pinakasalan ni Stella si Charles sa tulong ng abuelo nito dahil sa pagmamahal. Lahat ay gagawin niya upang mahalin din siya ng binata. Naging makasarili siya at inagaw ito sa babaing tunay nitong mahal.Sa loob ng tatlong taon, ang akala niya ay nagkaroon na siya ng puwang sa puso ng asawa. Ngunit lahat ng sakripisyo at pagpababa sa pagkatao ay hindi nagbunga ng maganda. Matapos pirmahan ang divorce paper, umalis siyang baon sa puso ang lungkot at saya.Sa paglipas ng panahon, her true identity was exposed. But her soft heart was totally gone. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, maibabalik pa ba ang dating Stella?
Romance
9.8984.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Mysterious Wife

My Mysterious Wife

"Sa tingin mo mamahalin kita? Hinding-hindi kita magawang mahalin Anna, kaya 'wag mo ng ituloy pa ang pagpapakasal saakin!!" "Alam kung matutunan mo rin akong mahalin Dylan, kaya pakiusap.. Pakasalan mo ako.." "Hinding-hindi kita mamahalin isinusumpa ko!" -Dylan "Nagustuhan mo ba?" Hindi ako pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kanya, bakit bigla nalang siyang nag-iba? Bakit gumaganda siya sa paningin ko? At bakit.... Bakit Minahal ko siya? Siya ba talaga ang asawa ko?- DYLAN
Romance
10731.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY CEO BOSS IS MY LOVER (SPG)

MY CEO BOSS IS MY LOVER (SPG)

Ex- boyfriend ni Jenna si Angelo, first sa lahat ng bagay, first boyfriend, first kiss,first love, first sex and first heartbreak. Pumunta cya ng Paris to mend her broken heart. after 2 years ay bumalik cya ng Pilipinas. Di nya akalain na magkikita sila ulit. "I have a proposition Jenna, you can have my body.. you can use me when you feel horny. You can have me as long as you want. "No strings attached, No feelings involve. Napatameme si Jenna sa sinabi ni Angelo.. Tatanggapin ba nya ang offer nitong maging FUBU sila? From Ex-boyfriend to Boss to Lover real quick! Hindi na cya makapag-isip ng matino.... BAHALA NA!
Romance
9.8857.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebastian's Downfall

Sebastian's Downfall

(Sebastian Rocc's Story) Inakusahan si Neshara na itinulak niya ang ina ni Sebastian na nauwi sa pagka-comatose nito. Kinamuhian siya ng lalaki at nahuli na may kahalikang iba. She was pregnant and told him about it as her last resort. Subalit, pinagbantaan lamang siya ni Sebastian na kapag hindi niya pinalaglag ang bata ay sasakalin nito ang anak niya. Young, pregnant, and broken, she seeks comfort from her family. But to her dismay, her father kicked her out of the house, mercilessly. Wala siyang nagawa kundi umalis at palakihin mag-isa ang kanyang anak. Six years later, she’s already living in peace with her genius kid—Sevi. Matagal na niyang tanggap na sila na lang ni Sevi ang magkasama sa buhay at gusto niya ang ideyang iyon. Subalit, wala nga naman permanente sa mundo. Kung kailan tahimik na ang buhay niya, saka naman isa-isang nagsibalikan ang mga taong nanakit sa kanya. Sebastian who happened to be her boss, was asking about their child. Hated him a lot, Neshara Fil lied: she aborted the baby!
Romance
9.9633.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Romance
9.8536.0K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6401.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love by Mistake (The Billionaire's Slave)

Love by Mistake (The Billionaire's Slave)

Maliban sa pagiging maganda, isang mahirap at ordinaryong babae lang naman si Amina Asuncion. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulantang niya nang isang araw ay may dumukot sa kanyang isang grupo ng kalalakihan. At ang may pakana? Walang iba kundi ang gwapo ngunit mabangis na bilyonaryong si Drake Lukas Wilson. Ngunit ano nga ba ang tunay na motibo ng lalaki at bakit iginigiit nito na siya si Amari Buenavista? At ang masaklap, ginawa siyang alipin at sex slave nito bilang kabayaran sa pagkakasala ng babaeng hindi niya kailanman nakilala. At sa tuwing nagpapaliwanag siya ay sapilitan siyang inaangkin ng binata bilang parusa. Hanggang dumating ang araw na binulaga siya ng isang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Ano nga ba ang dalang pagbabago ng isang Drake Lukas Wilson sa buhay ni Amina? WARNING: STRONG PARENTAL GUIDANCE. READ AT YOUR OWN RISK! THIS BOOK INCLUDES SEXUAL AND EXPLICIT CONTENTS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED.
Romance
9.8408.8K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3334353637
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status