Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Serena’s POV Matagal kong inakalang hawak lang ako ng kontrata—isang papel na pumirmi sa buhay ko, sa katawan ko, at sa kalayaan ko. Pero ngayong nakahiga ako sa tabi ni Damien, natatakpan ng init ng balat niya ang lahat ng sugat sa puso ko, alam kong mali ako. Hindi na kontrata ang nagbubuklod sa amin. Hindi na utang. Hindi na desperasyon. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahan-dahan niyang hinila ang kumot pababa, inilantad ang bawat bahagi ng katawan kong kanina pa nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang bawat halik na inilapat niya ay parang panata na hindi na niya ako bibitawan. “Wala nang papel na nagdidikta sa’yo, Serena,” bulong niya habang pinapadaanan ng labi ang balikat ko. “Ako na ang pipiliin mo. Ako na ang kailangan mo.” Napapikit ako, hinayaan ang katawan kong lunurin ng bawat haplos niya. Hindi na ito transaksyon. Hindi na ito kasunduan. Ito ay kagustuhan naming pareho. Nagtagpo ang mga labi namin, mas mariin, mas buo—parang wala nang bukas. Ang bawat paghinga niya ay naging akin, ang bawat ungol ko ay naging kanya. Hanggang sa wala nang natira kundi ang mga katawan naming nag-uusap, nagsasanib, nagtatakda ng bagong simula. At sa gitna ng dilim ng kwarto, habang pareho kaming nilalamon ng init at ng pagmamahal, alam kong wala nang atrasan. Ako si Serena Villareal. Hindi na bilang alipin ng kontrata, kundi bilang babaeng kusang nagpa-angkin, kusang nagmahal, at kusang nagpasakop—sa lalaking siya ring nagpalaya sa akin.
Romance
336 viewsOngoing
Read
Add to library
Entangled to the Hidden Mafia (Bastardos Series #1)

Entangled to the Hidden Mafia (Bastardos Series #1)

Things should have been easier for Zane Lardizabal, Bastardos' leader, if only he wasn't too drunk and stupid to fall for a one-night stand. Ang alas niya para i-blackmail ang presidente ng isang prominente na media company ay nawala nang nakawin ng babae na nakasama niya ang jacket niya at ipalit ang sirang underwear nito. And he is dead set in finding her and reclaiming what is his. Ang problema? Dala ng sobra na kalasingan ay wala siyang rekoleksyon sa babae na iyon. Months after her one-night stand, Serenity Enriquez, then vows to fix her life and be serious with a man for once. She tries to forget everything about that night, mabuti na lamang at sa sobrang kalasingan niya ay wala siyang rekoleksyon sa lalaki na nakasama niya. At sa pagbabago na nais niya ay magtatagpo ang landas nila ni Axel Salvacion, ang bagong empleyado sa kumpanya nila. She wants him, and she will make him hers. Ang problema? Ayaw sa kan'ya ni Axel at inis na inis sa kan'ya ang lalaki. But in the twisted turn of events, fate will help Zane find Serenity to take back what is his. And in a flick of a finger, Serenity will get what she wants the most, Axel. But things got more complicated after that. Sa magulong sitwasyon nila, mabubunyag kay Serenity ang tunay na katauhan ng taong hinahabol niya. Zane is Axel on a mafia mission against Serenity's father. And as twisted as it sounds, the hidden mafia's heart has been stolen by Serenity in the process. Pero ang pagmamahal ni Serenity ay napalitan nang galit at takot sa tunay na katauhan ng lalaki na mahal niya. Will Serenity still have a chance to run away and reclaim her serene life after being entangled with the hidden mafia?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Romance
1021.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Ruthless

Taming The Ruthless

Si Zaki Delrama ay kilala bilang successful na negosyate sa murang edad. Legal lahat ng negosyo niya kaya wala siyang inaalala katulad ng negosyo ng kakabata niya at pinakamamahal na si Ian Mercado, na isang smuggler. Kahit mahal niya si Ian isinuko niya parin ito kay Nate dahil si Nate Guevarra ang talagang gusto ni Ian. Nagpasya na sana siyang umalis ng Crown University para kalimutan ang kababata niya, dahil ito lang ang ipinunta niya sa CU, pero paalis na siya at ang grupo niya ng CU ng inambush sila ng grupo ni Roden. Pinalagpas niya ang kapangahasan ni Roden pero nung nalaman niya na sinunog ni Roden ang tatlong establishments niya, doon na siya humanap ng paraan para parusahan ang dalaga, sa mga kapangahasan nito at kawalang takot nito sakanya. Mapaamo niya kaya si Roden o siya ang luluhod sa dalaga? Si Sharian Roden Indelcio babaeng kilala bilang matigas ang ulo, mayabang at walang awa. Dahil sa kapatid siya ng Stygian Beast lord na si Stan kaya malakas ang loob niyang manakit, mangagaw at mangapak ng iba. Ugali ng Stygian na mangolekta ng pera sa kahit anung negosyo sa Cordova city. Every end of the month nililibot ni Roden ang buong Cordova City para mangolekta ng pera at ariarian ng mga establishments, bars, clubs, restaurants, hotel at anu pang mga negosyo sa City. Kung di magbigay ng pera ang mga may ari ng establishment, sinisira niya o sinusunog ang building o establishment na di nagbabayad o nagbibigay ng maayos... She is a tyrant and proud, walang nakakapagpaamo sakanya until Zaki Delrama ruin her.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
His Sweet Lies

His Sweet Lies

“They are obviously my children” usal ni Juancho kay Orelia. Natigilin ang babae at naibagsak ang inaayos na mga bulaklak. ”Ano ang ibig mong sabihin?Ni hindi nga kita kilala!” iwas tinging depensa ni Orelia sa lalaki at agad niyang itinago ang dalawang bata sa kanyang likuran. “Hmm, hindi nga ba ikaw yon? But why do these children have my face then?” paninindigan ni Juancho. Pilit na nagpapakita ng matapang na mukha si Orelia, desidido na siyang hindi masangkot sa lalaki matapos ang isang gabi ng pagkakamaling iyon. Mamamatay muna siya bago niya hayaang mapasakamay ng lalaki ang kanyang mga anak. “Or would you rather have me let you remember what transpired that night,” usal ng ni Juancho sabay ng pag haplos sa mga labi ni Orelia gamit ang kanyang daliri. “Don’t touch our mom you bad guy!” biglang pumigitna ang batang babae at pilit na itinulak si Juancho. Nakasunod rito ang takot na batang lalaki. Laking gulat ni Orelia sa biglaang kilos ng mga bata kaya hindi niya napigilan ang agarang paghawak ni Juancho sa mga ito. Handa na siyang itulak ang lalaki at bawiin ang bata nang nakita niya ang mga mata ni Juancho na nakatitig sa kambal, ang malamig at walang emosyon nitong mga mata ay napalitan ng lambot. Ito ay mga matang matagal niya ng hindi nakikita, ang mga matang minsan ng nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Saksihan ang mainit, matamis at masakit na relasyon ng dalawang mag kaibang indibidwal mula sa magkasalungat na estado ng buhay. Ang kanilang katapusan ba ay magsisimula sa ligaya o patuloy na magbabadya ang paghihirap sa kanilang mga buhay?
Romance
69.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

"Staying is the Key... Fragile Blood is the Freedom..." Mahirap lahat sa umpisa, pero lahat ay nakatakda sa paraang kakaiba. Matagal na panahong pagmamatiyag ang ginawa, makilalang lubos lamang ang babaeng napili niya upang maging katuwang sa lahing pinamumunuan niya. Sa bawat ngiti't tawa ng dalaga ay nakamasid siya, sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakikita niya. Matagal na panahong pagbabantay ang nilaan niya, maraming nagtangka ng masama sa taong mahal niya, lahat ng 'yon ay tinapos niya. Lahat ng magtangka ay pagbabanta ang pinapalit niya, ang lumabag ay matatapos ang paghinga. Sa maling pagsagot sa mga tanong niya ay may matinding parusa. Sa gabing ito, nakatakda ang pag-iisa. Dapat na siyang makilala ng babaeng matagal na niyang ninanais at sinisinta. Ngunit kahit ganun ay may takot pa rin siyang nadarama. Alam niyang hindi ito gugustuhin ng babaeng mahal niya. Marami mang babae ang umiibig sakaniya. Ngunit isa lamang ang gusto niya. Ang babaeng nagligtas sa kaniya sa kapahamakan ng sila'y mga bata pa. Mula ng araw na 'yon, binantayan na niya ang babaeng iniibig niya ngayon. Gusto niya man muling makipagkilala rito pagkatapos ng pagliligtas nito sakaniya noon ay hindi maari. Muli lamang niya itong makakausap kapag nangyayare na ang pag-iisa ng kanilang mga lahi sa madilim na Gabi. At ito ay mangyayare ngayong Gabi. Na kung saan lahat ng mangyayare ay doon mag-uumpisa. Sa lahat ng utos na nilikha niya ay may isang mabigat na utos na kinatatakutan niya. Dahil ang babaeng napili niya ang maglalarawan sa nag-iisang mabigat na utos na binaba niya.
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Surrogate Bride

The Billionaire's Surrogate Bride

“She was untouched, innocent, and desperate. He was ruthless, dominant, and determined to have an heir.” --- Nang mag-apply si Solenne Villareal bilang maid sa mansyon ng isang bilyonaryo, ang tanging hangad lang niya ay magkaroon ng maayos na trabaho para maipagamot ang kanyang inang may sakit. Pero sa mismong araw ng pagpirma niya ng kontrata, biglang tumawag ang kapatid niyang si Julian—isinugod daw sa ospital ang kanilang ina matapos atakihin ng seizure. Sa sobrang kaba at takot, hindi na nabasa ni Solenne ang buong kontrata. Pinirmahan niya ito nang hindi iniisip ang magiging kapalit. The next morning, she learned the devastating truth. She wasn't hired as a maid. She was chosen as a surrogate bride. Ang kanyang employer, si Caelum Valtieri, ang cold at merciless billionaire, ay sinabi ang totoong nilalaman ng pinirmahan niyang kontrata. Siya ay magiging surrogate mother ng magiging heir nito at sa loob ng isang taon ay magsasama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Bilang kapalit, ipagagamot ang kanyang nanay na may sakit at tutustusan ang pag-aaral ng kapatid niya hanggang sa makapagtapos ito. Gustong mag-back out ni Solenne nang malaman ito, pero nang makausap niya ang doktor na sumusuri sa kanyang Nanay Emilia ay sinabing kailangan nitong maoperahan kaagad, kung hindi ay baka manganib ang buhay nito. And with no choice left, she accepted the bargain that chained her to the man she feared the most. Para kay Caelum, isa lang siyang kontrata—isang sisidlan para sa tagapagmana. Para kay Solenne, siya lang ang natitirang pag-asa ng kanyang ina. Ngunit sa kasal na sinelyuhan ng desperasyon at kapalit na buhay, posible kayang mamagitan ang pag-ibig sa pagitan ng isang ruthless CEO at ng inosenteng babaeng napilitang ibigay ang lahat?
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Wrapped In His Riches (SPG)

Wrapped In His Riches (SPG)

Raquel Aguas is the definition of spoiled. Wala siyang inatupag kundi party, shopping, gala, at pagwaldas ng pera ng magulang niya. Wala siyang pakialam sa negosyo, sa future, o kahit sa expectations ng pamilya niya—basta't masaya siya. Pero nang mapuno na ang magulang niya sa kawalang-direksyon niya, tinakot siyang hindi niya makukuha ang mana niya kung hindi siya matutong magpakatao. Dahil sa takot na mawala ang marangyang buhay na nakalaan sa kanya, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang kondisyon—ang pumasok sa House of Aguas at tumulong sa kuya niya sa pamamalakad ng kompanya. Sa kasamaang palad, dala lang ni Raquel ang kalat at stress sa opisina. Hindi siya seryoso, laging palpak, at tila ba wala talagang pake. Kaya nagdesisyon ang kuya niyang bigyan siya ng isang project—isang mission na kapag matagumpay niyang nagawa, malaya na siyang bumalik sa dating buhay niya. Kailangan niyang papirmahin ang mayor ng Santa Monica para sa isang malaking proyekto ng House of Aguas Corporation. Sa una'y inakala niyang madali lang iyon. Pero nang makilala niya si Mayor Caelum Argente ay doon siya nagkamali. Guwapo man ito, ngunit masyadong matigas ang prinsipyo. Paulit-ulit siyang binigo at tinanggihan, tila ba sinasadya siyang pahirapan. Habang lumilipas ang mga araw, lalong nawawala ang pasensya niya. Pero dahil desperada siyang matapos ang trabaho at makuha ang kalayaang gusto niya, pilit siyang naghahanap ng paraan para mapasunod ang mayor. Ang hindi niya inaasahan ay ang kondisyong kapalit ng pirma nito—isang kondisyon na hindi pera o pabor ang hinihingi, kundi ang maging sex slave siya nito!
Romance
747 viewsOngoing
Read
Add to library
Claiming Him

Claiming Him

WildRose
SYPNOSIS Isang anak ng General at isang ulila na. Isang ipinanganak sa pamilyang sagana habang isa ay tauhan lamang. Ang buhay nila na tila ba langit at lupa ngunit ang pagmamahalan ay siyang pumapagitna. “Akin ka, sa’kin ka lang at walang sino man’ ang pwedeng umagaw sayo. I maybe a bad person in your eyes and this bad person will be your worst nightmare once you betrayed me!” Dahil sa mga ala-ala ay natakot na ulit siyang sumugal at ibigay lahat. Pero pagdating sa isang lalaki na kinabaliwan niya ng husto ay susugal siyang muli at hindi niya hahayaang iwan o mawala ito sa kaniya. “Hindi, hinding-hindi ako magiging sayo! Ako lang ang nagmamay ari sa sarili ko! Lubayan mo ako!” He's the son of General in military. A spoiled yet rebelled son who will do everything to claim what he likes. He once betrayed by the girl he loved and now he won't let that happen again. “I want you.” Zephraime said. Ang mga pusong pinigilan at pilit na himahadlangan ng mga taong hindi pabor sa kanilang nararamdaman. “Bakit hindi mo maintindihan na hindi pwede! Bakit hindi mo maintindihan na mali ang nararamdaman mo! B-bakit… bakit hindi mo maintindihan n-na m-mali ito…” “You know that it's not wrong, alam mo sa sarili mo na walang mali pero yang isip mo, pilit na hinahadlangan ang puso mo!” Mali nga ba o talagang takot lang ang nangunguna? Lalaban pa ba o titigil na? Tatanggapin na lamang ba ang kapalarang kahit kelan ay hindi magiging sila? ‘I own you, you are mine.’ ‘Please tama na, hindi ko na kayang ipagtulakan ka pa.’ A man with responsibility and truth to his words. He is not an evil or a bad person but he will definitely possessive for ‘CLAIMING HIM’.
LGBTQ+
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
151617181920
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status