Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
Romance
9.0K viewsCompleted
Read
Add to library
REVENGE OF THE GOOD WIFE (FILIPINO)

REVENGE OF THE GOOD WIFE (FILIPINO)

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY MATURE/EXPLICIT CONTENT Si Alvin ay bahagi ng isang mapait subalit matamis na nakaraan ni Patricia na pinilit niyang takasan. Ito ay matapos ang maraming ulit niyang nagawang ipagkaloob ang sarili sa lalaki. Para siyang gamu-gamo na naakit sa kagandahan apoy at paghahangad na palaging ipinadarama sa kaniya ng binata, sa kabila iyon ng katotohanang alam niyang pwede siyang mapaso, at ganoon nga ang nangyari. Pero sa hindi inaasahan pagkakataon ay muling nagtagpo ang landas nila kung saan kinailangan niyang sumailalim sa mismong pamamahala nito. Si Alvin bilang kaniyang amo at siya bilang sekretarya ng binata. At sa pagkakataong ito, hindi niya maunawaan kung bakit palagi ay nakikita niya ang galit sa mga mata nito tuwing tititigan niya. Pero kailangan niya ng trabaho, kailangan niya ng pera dahil kailangan niyang bawiin ang anak niya, at sa tulong ni Caleb, alam niyang magagawa niyang paghigantihan ang pamilya ni Robert, ang asawa niya na umapi sa kaniya. At hindi iyon pwedeng malaman ni Alvin.
Romance
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A PERFECT MISTAKE

A PERFECT MISTAKE

GINAWANG PAMBAYAD sa utang si Yza ng kanyang ama. Masamang-masama ang kanyang loob, kaya nilunod niya ang sarili sa alak. Sa sobrang kalasingan ay natumba siya ngunit bago pakinabangan ng matigas na simento ang malambot niyang katawan ay nasalo siya ng lalaking estranghero. Kinabukasan ng magising siya ay nagimbal si Yza sa kanyang natuklasan. Wala siya sa sariling kwarto. Higit sa lahat hubo’t hubad din siya. Naramdaman niya rin ang munting kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. She’s lost her virginity… Sa lalaking hindi man lang niya namukhaan. Ang isang gabing pagkakamali ay nagbunga. Paano na siya? Gayon naglayas siya sa kanila at pagala-gala na lamang siya sa kalsada… She’s meet Manuel ang lalaking hindi yata marunong ngumiti at ubod ng suplado. Naging Knight and shining armor niya ang binata... Nakahanda akuin ni Manuel, ang anghel nasa sinapupunan ni Yza. nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Manuel at Yza. Pero dahil sa natuklasan ni Yza ay hindi natuloy ang kasal. At pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagpakasal si Yza sa ama ng binata,kay Don Hector...
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
A Kiss of a Lifetime

A Kiss of a Lifetime

GELIN
Si Ivan Kim, isang mayaman at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng hindi mabilang na hotel sa iba’t ibang bansa ay isa ding binata na hindi naniniwala sa pag-ibig at higit sa lahat.. sa KASAL. Si Ciela Luna Young, isang digital marketing assistant, breadwinner ng isang broken family. Isang dalagang pilit na nagsusumikap sa buhay upang patunayan ang kanyang sarili na karapat-dapat siyang pakasalan ng kanyang mayaman, perfectionist, soon to be lawyer at fiancè na si Jackson Chua. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang mag-uugnay sa kanilang dalawa. Ang cold hearted na CEO at hindi naniniwala sa pag-ibig at kasal ay aksidenteng maikakasal kay Ciela Luna isang gabi matapos silang pumunta sa wedding party ng kanilang mutual friend. Isang halik na magpapabago ng kanilang kapalaran. Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa? Paninindigan kaya ni Ivan Kim si Ciela Luna? Matutuloy kaya ang kasal ni Ciela sa kanyang fiancè matapos ang nakagugulantang na balita? Abangan.
Urban
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
TWISTED

TWISTED

WARNING: IMPLICIT AND MATURED CONTENT. THIS STORY CONTAINS VIOLENCE/KIDNAPPING/FORCED/RAPED. YOU HAVE BEEN WARNED! Dahil sa utos ng ina ay napilitan siyang pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para makilala ang anak ng kababata nito. Sa edad na bente otso ay single parin ang dalaga na si Regina Santos. Hindi pa siya nagkakanobyo dahil mas gusto niya ang magkulong nalang sa loob ng kwarto at manood ng mga korean nobela kaysa ang makipag-date o makipaglandian sa mga lalaki. Kaya naman ang ina niya ay nababahala na baka hindi na siya makapag-asawa, kaya inutusan siya nito na pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para ireto sa anak ng kababata nito. Dahil sa hindi niya magawang suwayin ang ina ay sumunod siya sa utos nito. Dito na nga nagsimula ang lahat. Nakilala niya ang tatlong mayaman na binata na gugulo sa buhay niya. Matagpuan niya kaya ang tunay na pag ibig sa mga ito? O ito ang magiging dahilan ng pagkawasak niya?
Romance
9.521.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Contracted Marriage to Mr. David

The Contracted Marriage to Mr. David

Isang babaeng gagawin ang lahat para sa kaniyang pamilya. Iyan si Shaina Castro gagawin niya ang lahat para lang maisalba ang buhay ng kaniyang ina. Tinanggap ni Shaina ang alok na pagpapakasal kay Matteo David isang mayamang negosyante. She's desperate to get a large amount of money, she want to save her mother's life. Bago sila ikasal, nalaman niya ang mga kundisyon ng binata. Labag man sa kaniya ay wala siyang magawa kundi sundin ang lahat ng nakasaad sa kontrata na kaniyang pinirmahan. At sa pananatili niya sa puder ng binata, unti-unti na niyang minamahal ito. Ang lalaking hindi niya inaasahang darating sa buhay niya at ang lalaking magpapabago sa kaniyang buhay. Malalaman pa kaya ni Shaina ang ibang dahilan kung bakit kailangan niyang bigyan ng anak ang isang binatang negosyante? Will you do everything you can just to save the life of the person you love? Shaina Castro-"As a breadwinner of the family, I will do everything to saved my mother's life."
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Once Upon A Time...In My Heart

Once Upon A Time...In My Heart

Lumaking mabait, masipag at masunuring anak si Anna. Kahit na salat sa buhay ay masaya ang kanyang pamilya pero nag bagong lahat yon nang mamatay ang kanyang ama. Nalubog sila sa utang at naging malamig ang naging pakikitungo sa kanya ng ina. Sa resort sa kanilang lugar ay namasukan si Anna. Nakilala nya rito si Arthur Bryce na unang kita nya pa lamang ay nagustuhan nya na ang binata. Isang secret Agent si Arthur sa isang patagong organisasyon na ang layunin ay sugpuin ang mga masasamang organisasyon. Lingid sa kaalaman ng dalaga na kaya lamang lumalapit sa kanya ang binata ay dahil kumakalap lamang ito ng impormasyon sa kanilang lugar. Unti-unting nahulog ang loob ni Anna rito pero mukhang 'di mutual ang feelings nila sa isat-isa. Lalo na mukhang nagugustuhan nito ang anak ng may-ari ng resort na pinagt-trabahuhan nya. Pero hindi naging dahilan ito para kalimutan nya si Brent kundi mas gagawin nya pa ang lahat para ma gustuhan siya ng Binata.
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Gabriel Montesilva

Gabriel Montesilva

Reynang Elena
Si Gabriel ay lumaki na isang kahig isang tuka, maaga pa lang ay naulila na siya kaya hindi man lang ito nakapagtapos ng pag aaral at dahil dito ay nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakilala niya si Veronica na siyang kumupkop sa kanya at tinuring siyang anak, pero hindi naging madali sa binata ang buhay dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao. Makikilala niya si Iya na siyang magpapatibok ng kanyang puso, unang beses niya pa lang ito na makita ay humanga na siya agad dito ngunit magkaiba ang estado ng kanilang buhay at alam niyang malabo siya nitong magustuhan kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit dito Ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa ang lahat dahil ilang beses silang susubukin ng tadhana. Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pagmamahal? Paano kung isang araw ay malaman mo na ang pinaniniwalaan mong katotohanan ay puro lang pala kasinungalingan? Paano kung ang isang bagay na pinakaayaw mo ay nagawa ng taong mahal mo? Matututunan mo kayang magpatawad at tanggapin ang masalimuot niyang nakaraan alang alang sa pagmamahal? Dignidad. Nakaraan. Katotohanan. Kasinungalingan. Pagmamahal.
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status