Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!

After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!

"I want divorce. Let's end this contract marriage, Gabriette. Sign this." Iyon ang malamig na sinabi sa kaniya ng asawa niya. Halos nabingi si Gabriette Amarylle at tumigil sa pag-ikot ang mundo nila. Akala niya ay maayos na ang lahat sa kanila ngunit bigla siyang gustong hiwalayan ng kaniyang asawa na si Jax Thaddeus Fortier. Matapos ang lahat ng paghihirap niya para makuha ang loob ng lalake... Tiniis din niya ang pananakit ng lola ni Jax sa kaniya tuwing wala ang asawa. Tinanggap niya rin nang malaman ang sekreto nito na pagiging leader ng isang mafia organization. Ngunit sa divorce din pala magtatapos ang lahat. Hindi agad siya sumuko. Sinubukan pa niya na ilaban ang kasal nila. Hanggang sa lumala lamang lahat. Isang gabi, matapos magdala ng babae ang asawa niya sa mansion, muntik na siyang mapatay mismo sa kanilang tahanan para lamang pirmahan na niya ang divorce agreement. Takot at galit ang naramdaman ni Gabriette. Mabilis siyang pumirma at duguan na umalis do'n habang may laman na ang kaniyang sinapupunan. Umalis siya at nagpakalayo. Sa gabing 'yon, nangako si Gabriette na hindi na siya muli maaapi at kailanma'y hindi niya ipaaalam sa mga Fortier na may nabuo sila ni Jax. After divorce, she hid her baby to his mafia daddy. Ngunit hanggang kailan niya ito maitatago?
Mafia
10534 viewsOngoing
Read
Add to library
A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? Basahin niyo na lang ang nakakaloka! Nakakalandi! Nakaka-ugh! Walang iba kung hindi ang nobelang "A House With Heartthrobs." Mapapasabi ka na lang na, "Sana all!"
YA/TEEN
1015.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status