HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR
Pinakasalan si Thara Guanzon ni Rozein Montefiore, hindi dahil mahal siya ng lalaki, kun'di dahil gusto nitong paghigantihan siya.
Sa bawat araw na kasama niya si Rozein, palagi nitong pinapamukha ang galit at pagkamuhi sa kanya. Para sa lalaki, siya ay mamamatay-tao dahil si Thara ang sinisi nito sa pagkamatay ni Hera, ang babaeng dapat pakasalan ni Rozein.
Dahil sa sakit na naramdaman ni Thara sa ginawang pagkait ni Rozein sa karapatang mabuhay ang sarili nilang anak, unti-unting siyang nawasak. Umalis ng Manila si Thara, dala-dala ang sakit at lihim.
After almost six years she learned to let go of an impossible love and say goodbye to the past. Ngunit hindi niya inasahang darating ang araw na si Rozein mismo ang maghahanap sa kanya.
Handa ba si Thara na ilantad ang katotohanan? Hanggang saan niya kayang ilihim ang sikretong matagal na niyang itinatago?
.
.
.
"Kilala mo ba kung sino ang Daddy mo?" rinig kong tanong ni Jai sa bata.
"My Daddy is not a pilot. Sabi ni Tita, may-ari ng isang malaking company ang Daddy ko," inosenteng sagot ng anak ko.
Dumagundong sa kaba ang aking dibdib. Mabilis kong hinila si Keiran at itinago sa likod ko.
Mapang-uyam namang natawa si Jai bago tumayo.
"Walang lihim na hindi nabubunyag, Thara..."