Still In Love With My Ex Husband
Paano itatago ni Amelia sa kanyang ex-husband na si Justin Jensen ang katotohanang after all these years, mahal pa rin niya ito sa kabila ng mga nangyari? At paano kung isang araw ay madiskubre ni Justin na nagkaanak pala sila?
At si Pamela, hindi ba at ito naman ang totoong mahal ni Justin? Kitang kita naman na masaya na ito sa piling ni Pamela!
Hindi nga ba at buong pagmamalaking ipinakita ni Pamela sa kanya ang engagement ring nito mula kay Justin?
“Mommy, if you still love my Dad, eh di makipagbalikan ka sa kanya. Para everybody happy. I’m happy, you are happy and so is Daddy!” suggestion ni Winter sa kanya.
Sana nga ganun lang kadali iyon. Pero paano ba niya sasabihin sa anak kung gaano kalalim ang dahilan ng naging paghihiwalay nila ng Daddy nito?