Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status