Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Wonderful Mistake

A Wonderful Mistake

LiCaixin
Nagplano ng suprise bachelorette party ang kapatid at kaibigan ni Anya para sa kaniya, isang gabi bago ang nakatakda niyang kasal. Hindi tinanggihan ni Anya ang surpresa nilang one night stand dahil sa sobrang atraksyon sa inakala niyang simpleng escort. Nang malaman ng fiancé ni Anya ang tungkol sa one night stand ay iniatras nito ang kasal. Itinakwil din siya ng pamilya niya. Ilang linggo matapos ang trahedya nalaman ni Anya na siya ay nagdadalang-tao. At kung akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya, muling nabuhay ang lihim ng nakaraan nang hindi inaasahang magkita ang anak niya na si Althea at ang bilyonaryo nitong ama na si Trevan Cervantes. Ang isang gabi ng pagkakamali na sumira sa dapat ay masaya niyang buhay ang babago sa kasalukuyan niyang kapalaran. “Some mistakes are wonderful”
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

iampammyimnida
Si Amanda Violet Chua ay isang gobernador sa lalawigan ng Alfonso. Simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang engkwentro ay namuo ang galit at pagkamuhi sa kalooban ng dalaga na nagsanhi ng paghihigante at pagtugis niya sa taong pumatay sa kanyang ama. Subalit gano'n na lamang ang takot na namayani sa babae nang naulit muli ang engkwentrong iyon habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanilang mansyon. Mabuti na lang ay may sumagip sa kanya—si Pierre Quintavious De La Fontaine. Sa takot na maulit muli ang trahedya ay agad niyang kinuha ito bilang bodyguard niya. Hindi niya alam na may sekreto pala itong tinatago sa pagkatao niya. Mayroon bang pagmamahalan na mabubuo sa kanila o habang papalapit si Amanda sa katotohanan ay pagkamuhi ang babalot sa kalooban niya?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

"Hinding-hindi ko na siya mamahalin!" Si Dexie Hansley ay ang nakamamangha at mapagmahal na asawa ni Luke Huxley Dawson, ang bata, kaakit-akit, at matagumpay na pinuno ng isang bilyong dolyar na kumpanya. Sa kabila ng pangako ni Dexie kay Luke Huxley Dawson, hindi niya kailanman natanggap ang pagmamahal at atensyon na kailangan niya mula sa kanya bago ang kanyang hindi napapanahon at trahedya na pagpanaw. Matapos makakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kinumpleto ni Dexie ang diborsyo at tinapos ang kanyang isang panig na relasyon kay Luke Huxley Dawson. Gayunpaman, ang desisyong ito ay nag-trigger ng pagbabago kay Luke Huxley Dawson, na ngayon ay lantarang lumalaban sa kanyang nakaraang pag-uugali. Maisasaalang-alang pa ba ni Dexie na bigyan ng isa pang pagkakataon si Luke Huxley Dawson na mabawi siya? Ano ang mangyayari kapag sinubukan ni Luke Huxley Dawson na bawiin siya?
Romance
68.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

Ako si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
Romance
10186 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Face She Borrowed

The Face She Borrowed

Isang karaniwang assistant lamang si Mirella Estelle Montelibano sa model agency ng tanyag at aroganteng modelo na si Eleonora Zobel. Sanay siyang nasa anino, habang si Eleonora ay sinisikatan ng mga ilaw. Ngunit isang aksidenteng trahedya ang nagbura ng hangganan sa pagitan nila. Pagmulat ni Mirella sa ospital, ibang mukha na ang bumungad sa salamin, walang iba kundi ang mukha ni Eleonora. Patay na ang Modelo at siya ang nabuhay sa anyo nito. Ngayon, kailangan niyang akuin ang buhay na hindi kanya. Ang karangyaan, ang kasinungalingan at higit sa lahat, ang asawa nitong si Lord Cassian Zobel. Habang ginagampanan niya ang papel ang isang asawang hindi niya kilala, unti-unting natutunaw ang lihim sa pagitan nila. At doon nagsimula ang pag-ibig na ipinanganak sa kasinungaligan at maaaring mamatay sa katotohanan. Sapagkat ang mukha ay maaaring hiramin ngunit ang puso… hindi kailanman.
Romance
10686 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THEN AND NOW

THEN AND NOW

Claude Yuchengco is a responsible son, student and a very independent man. He studied a lot and take everything seriously because he always wanted to help his family. Ayaw niyang makitang nahihirapan ang mga magulang niya. Hanggang sa dumating ang araw na natuto siyang magmahal. Ngunit sa mura niyang isipan ay naranasan niya lahat ng pinakamalalang trahedya sa buhay niya. The person he really love hurt him, at ang taong kinapitan pa niya ng sobra ay kinuha sa kaniya. Akala niya hindi na siya makakaahon pang muli sa pagdurusang ibinibigay ng mundo pero kakayanin niya. Ngunit paano kung dumating ang pagkakataong bumalik ang taong minsan ay minahal niya noon at malamang pinaglaruan lamang pala sila ng tadhana. Ilalaban ba niya? Lalaban ba siya? Ilalaban pa ba ng bawat isa kung ang pag-ibig na nagsimula noon ay sariwa padin pala hanggang ngayon? Are they going to dig the love that they've burried many years ago? A love that started since then until now.
LGBTQ+
106.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Lost and Loved

Lost and Loved

Si Lyn ay minaltrato ng kanyang tyahin noong siya ay bata pa, nalugmok sa kahirapan at lumaki sa isang bahay ampunan, nagsikap siya upang makapagtapos ng pag-aaral at upang mahanap niya ang kanyang mga magulang. Nang naging matagumpay si Lyn sa kaniyang buhay ay nagpasya na itong hanapin ang kanyang pamilya sa Australia, ngunit isang malagim na trahedya ang kanyang dadanasin dahil sa pagbagsak ng kanyang sinasakyang eroplano sa isang malayong isla sa Karagatang Pacifico. Tanging si Marcus at siya lamang ang survivor sa nasabing trahedya. Dito na mararanasan ni Lyn ang magmahal sa isang taong hindi niya naman lubos na kilala. Sobrang mahal na niya si Marcus, ngunit, isang sikreto ang tinatago ni Marcus "Napamahal na ako kay Lyn pero paano ko sasabihin sa kanya na mayroon na akong asawa?" bulong nito sa sarili. Ano kaya ang gagawin ni Lyn kapag nalaman niya ang sikreto ni Marcus.
Romance
531 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Home Run In Love

Home Run In Love

sheswritehere
Fhoreviy is a frustrated twenty-six year old woman who keeps looking for her main purpose in life and is in the brink of giving up. Naniniwala kasi siya na ang tunay na kasiyahan ay saka niya lang makakamit kapag nahanap na niya ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Pagkatapos niyang mag resign bilang isang grade three teacher ay kaagad siyang nag trabaho sa flower shop ng kanyang best friend habang patuloy pa ring hinahanap ang kanyang 'purpose' sa buhay. A day before her duty in the flower shop starts, she meets the major league superstar, Hinode Shinkei whose life has always been dedicated to baseball. Pagkatapos ng araw na iyon ay sunod-sunod na ang pagkrus ng kanilang mga landas. Two souls who have never been in love, united by fate. Panandalian ba silang malilihis sa mga prayoridad nila sa buhay? Isang magandang pangyayari kaya ang makilala nila ang isa't-isa, o ito pa ang magdadala sa kanila ng trahedya?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10750 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

'Siya ang asawa pero hindi siya ang mahal. Siya ang pinakasalan pero ibang babae ang inaalagaan at pinapahalagahan ng kanyang asawa...' Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Cyanelle Louise Natividad kay Zach Khaleed Samaniego bilang pambayad ng malaking utang nila sa pamilya ng lalaki. Subalit sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi siya kailanman tiningnan ni Zach bilang babae at nagkaroon pa ito ng kabít kung saan ang babae rin ang nais ng anak ni Zach na maging ina nito kaysa sa kanya. Nang mapagtanto niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nila, napagpasyahan niyang tuluyan ng hiwalayan ang lalaki. Subalit kung kailan naisipan na niyang sumuko at iwan ang asawa, isang trahedya ang magpapabalik sa kanya sa piling nito. Matutunan na kaya siyang mahalin ni Zach at matugunan ang damdamin niya para sa lalaki? O mabibigo siyang magkaroon ng puwang sa puso nito sa ikalawang pagkakataon at mauuwi lang sa wala ang lahat...
Romance
8.9103.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status