Chasing What's Gone: Husband's Regrets
“Kael…please…make it fast. I want you.” ungol ko.
At ginawa nga ni Kael, mabilis siyang gumalaw sa ibabaw ko, at sa sobrang bilis niya gusto ko na siyang tumigil lalo na’t mabigat ang paghawak niya sa baywang ko habang binabayo ako.
“Kael…stop, ” Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil.
Tumayo siya, mabigat ang bawat galaw. Nakatitig lang sa sahig.
“Kael?” mahina kong tanong.
Tahimik siya at saka dahan-dahan siyang tumingin sa akin. “Solene,” sabi niya, kalmado. “Let’s get a divorce.”
Parang may sumabog sa tenga ko.
“Ano?” halos hindi ko marinig ang boses ko. “Ano’ng sinabi mo?”
Tuwid ang tindig niyang sumagot. “I already talked to my lawyer.”
Huminga ako nang malalim, pilit na pinapaklam ang sarili ko. “Bakit?”
“She’s sick.” Tumigil siya sandali bago tumingin sa akin. “Si Natalyn… she only has six months left.”
Namilog ang mga mata ko. “So?”
“She wants to spend her last days as my wife.” Walang pagbabago sa tono niya. “After that… I’ll come back to you.”
Napangiti ako. Mapait. “Babalik ka?” bulong ko. “Para ka lang aalis sa bakasyon.”
“Please, Solene.” Mahina pero mariin. “She’s dying. Don’t make this harder.”
Natahimik ako. Ang hangin sa pagitan naming dalawa ay mabigat. Ang mga kamay kong kanina’y nakayakap sa kanya, ngayo’y nakalapat sa kama, nakakuyom.
Anong kahibangan ito? Hindi pa kami tapos sa ginagawa namin pero bigla nalang siyang titigil at isang nakakagulat na balita ang sasabihin sa akin?