Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
1025.0K viewsCompletedAdded to Library 650 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong

FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong

Sa kagustuhan ng sariling ama na sundan ang kaniyang ina na nasa ibang bansa, ay nagawang iwanan ang maliit na paslit na si Aira sa isang kaibigan nito na kilala bilang isang matikas at batikang CEO ng Gomez Corporation at gobernador ng buong Masbate. Sa ilang taon na lumipas, sa isang pagkakamali ay biglang nagbago ang pagtingin ni Aira sa kaibigan ng Ama. Dahil lamang sa pagsibol ng mainit na gabi ay lalong lumalalim ang lihim na pagtingin. Ngunit mananatili kaya ang kaniyang lihim na pag-ibig para sa Ninong niya ng malaman na ikakasal na ito? Ilalaban niya ba ang pagtingin? O susuko na lamang at tanggapin na hanggang doon na lamang ay kayang ibigin ang lalaking minsan ng umangkin sa kanya?
970 viewsOngoingAdded to Library 27 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)

Inlab Kay Miss Manananggal (Not a Horror Story/SPG Romance)

Siya si Marikit, ang babaeng sa sobrang ganda ay binansagan siya bilang si Miss Manananggal. Sa baryo San Lazaro, ang pagkakaroon ng porselanang balat at balingkinitang katawan ni Marikit ay hindi biyaya kundi isa itong sumpa. Para sa mga taga-rito, ang babaeng ubod ng ganda ay hindi tao, kundi isang halimaw na nahahati ang katawan pagsapit ng dilim. Habang ang lahat ay nanginginig sa takot tuwing nakikita si Marikit, para kay Joaquin ay isa itong biyaya. Mataas ang paghanga niya kay Marikit dahil sa gandang meron ito. Bukod doon ay namamangha siya sa katatagan ng loob ng dalaga dahil kinakaya nitong sikmurain ang lahat ng pangungutya ng bayan sa kaniya para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Pero paano kung ang mga tao na ang humadlang sa kanilang dalawa? Anak ng Mayor si Joaquin habang si Marikit naman ang itinuturing na salot sa lugar nila. Sapat na nga ba ang paghanga ni Joaquin para ipaglaban ang isang babaeng sa paningin ng madla ay hindi dapat minamahal? O kailangan din ba niyang maging halimaw para lang maprotektahan ang kaisa-isang dyosa ng buhay niya?
10450 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Tuksong Naglalagablab

Tuksong Naglalagablab

Ang ganda niya'y tukso sa maraming kalalakihan pero hindi sa nag-iisa niyang kaaway na matagal ng may inis at galit sa kanya. Mapait na kapalaran ay dumating sa dagok ng kanyang buhay, ngunit siya'y babalik upang ipaghiganti ang nawasak niyang reputasyon. May pag-asa pa kayang maghilom ang sugat ng kahapon?
105.6K viewsOngoingAdded to Library 140 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Mamahalin mo Kaya?

Mamahalin mo Kaya?

Hindi sukat akalain ni Marisse na dahil sa isang pangyayari ay magbabago ang pananaw niya sa buhay . Kung kaylan pinili niya ang magpakatino ay saka naman niya malalaman na puro lang pagkukunwari ang pinakita at pinaramdam ng taong nagkakaroon na ng puwang sa kaniyang puso. Makakaya ba niya ang magpakabait para lang mahalin nito o babalik ang dating siya na inaayawan ng lahat?
101.8K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Nagkakamali kayo ng Inapi

Nagkakamali kayo ng Inapi

Naging masalimuot ang kanyang buhay matapos siyang i-kasal. Matapos siyang makakuha ng kapangyarihan, parehong lumuhod sa harap niya ang kanyang biyenan at hipag. “Huwag mong iwanan ang anak ko,” pagmamakaawa ng kanyang biyenan. Sabi naman ng kanyang hipag, “Bayaw, ako’y nagkamali…”
9.32.8M viewsCompletedAdded to Library 105.9K Times as tukso kay melissa
Show Reviews (668)
Read
+Library
Tisaliormari Roleon Tesnad
napansin Nyo Rin pala na paulit ulit hahahaha Wala na rin Kasi maisip Ang author nito pinapahaba pa Wala naman kwenta pati yong nag asawa ng masamang baabae si Mr Whitman paulit ulit Rin Wala ng katapusan salitan lang sila ni Jeremy na amnesia kaloka Ang mga nagsulat na to kaya Hindi ko na pinag aak
leinda padadjr
sakit gyud way kwentang storya nagalangan lang angay raning stayla sa tawong way kwenta sa kinabuhi angay ra bitayon pisi ihug sa cclex sa cordova diin kba storya abot ug 744 ka chaptet naboang angay ning kuhaon sa mga yellow tard kay mahilig himohimo ug way katinuorang mga storya storya pinunutan s
Read All Reviews
Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko

Niloko Ako Ng Ex Ko, Kaya Tito Niya Ang Pinakasalan Ko

Nangilid ang luha ni Alyana nang makita ang mga letrato na nagpapatunay ng panloloko sa kanya ni Derrick. Muling bumalik sa kanya ang sakit na talagang niloloko lang siya ni Derrick, na nioloko lang siya ng kaisa isang lalakeng pinagkatiwalaan niya. “Your boyfriend has been cheating on you since you’ve been together. And I need a wife for me to get my inheritance. Kaya pakasalan mo ako, at ipamukha natin sa pamangkin ko kung gaano siya katanga na pinakawalan ka," mariing ani pa ni Gabriel. Mabigat ang bawat salita, punong-puno ng determinasyon at galit. Sabay noon, dahan-dahang nilagay ni Gabriel ang kamay sa bewang ni Alyana. Hindi siya agad gumalaw. Parang natigilan ang buong katawan niya, pero kasunod no’n ay ang mainit na dampi ng labi ni Gabriel sa kanya, mabilis, ngunit may bakas ng kontroladong pagnanasa. Isang halik na parang paunang tikim sa mas mapusok pang alok. Napasinghap si Alyana, napaigtad sa gulat. Napatingin siya sa mga mata ni Gabriel, matapang, diretso, at puno ng panunukso. "It's a win-win situation," bulong ni Gabriel, habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Makakapaghiganti ka sa manloloko mong ex, at ako, makukuha ko ang mana ko."
1023.0K viewsOngoingAdded to Library 552 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman

LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman

Yellowbelle
No! no!...its impossible….no way…ayoko…. Confused. Curious. Self-denial. Fear. Mixed emotions. Yan ang nararamdaman ni Belle a nursing student na nagpupursige na makapagtapos sa kolehiyo para maiahon ang buhay nilang mag-ina sa kahirapan. It’s a weird thing para sa isang babae na magkaroon nang kakaibang feelings sa kapwa ya babae. She’s never been into girls before. Straight na straight siya pagdating sa gender preference nya pero ito ay nag iba nang makilala nya si Dina Joy Benitez, a criminology student, a feminine lesbian, a shy type person. Walang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao maging ang kanyang pamilya na siya ay isang tibo maliban sa mga piling kaibigan. Saan kaya hahantong ang nararamdaman ni belle?
102.5K viewsOngoingAdded to Library 72 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)

Perpekto na sana ang buhay ni Aria bilang tagapagmana ng isang mayamang angkan at mapapangasawa bilyonaryong at future Mayor na si Paulo Santillanes. Ngunit sumabog ang isang madilim na lihim: hindi siya ang tunay na anak. Pinalayas, inalisan ng yaman, at pilit inilalayo kay Paulo. Ipinaglaban nila ang isa't isa, ngunit isang sinadyang aksidente ang tuluyang naghiwalay sa kanila. Inakala ng lahat na patay na si Aria. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkrus ang landas nila. Si Paulo ay isa nang malamig, walang-awa, at kinatatakutang Alkalde. Samantala, si Aria ay nabubuhay na bilang si "Melissa"—isang mahirap na dalagang walang alaala sa nakaraan at may ibang lalaking nagpoprotekta. Hindi man siya makilala ni Melissa, hinding-hindi makakalimutan ng katawan ni Paulo ang nag-iisang babaeng pag-aari niya. Dahil sa matinding selos at obsesyon, gagamitin ng Alkalde ang lahat ng kanyang kapangyarihan at yaman para ibaon sa utang ang pamilya ni Melissa at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon. Wala siyang pakialam kung limot na nito ang nakaraan. Aariin niya ito gabi-gabi, hanggang sa ang mismong katawan ni Melissa ang makaalala kung sino ang nag-iisang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Hanggang langit.
105.2K viewsOngoingAdded to Library 114 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
Sexy Tutor

Sexy Tutor

Kay
Si Liahn Choi na ata ang pinakaperpektong babae sa buong unibersidad. Maganda, mayaman, matalino... name it! Siya ang literal na pinapangarap ng bawat lalaki sa eskwelahan. Kaya lang, totoo atang wala talagang perpektong tao sa mundo. Dahil maging si Liahn ay may isang malaking problema na naging dahilan kung bakit iniwan siya ng boyfriend. Hindi siya marunong humalik. Kaya naman, nang maghire ng tutor para sa kanya ang kanyang Daddy ay naisipan nilang magkakaibigan na hindi lang academics ang kailangan niyang matutunan. Tutor lang dapat ni Liahn sa acads si Ethan Almirez. Pero ang gaga, gusto magpaturo kung papaano ba ang humalik.
2.1K viewsOngoingAdded to Library 59 Times as tukso kay melissa
Read
+Library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status