ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO
“Pwede kitang pakasalan at pwede kong ibigay sayo ang apelyido ko ngunit hindi ang puso ko. Tatagal ang pagiging kasal natin ng tatlong taon at susubukan kong mahalin ka ngunit pagkatapos ng tatlong taon at wala pa rin akong naramdaman para sayo ay gusto kong ikaw na mismo ang magsabi kay Lolo na gusto mo na ng diborsiyo upang hindi kami magkaproblema.”
-----
Dahil sa pagbabanta ng lolo ni Lucas sa kaniya ay napilitan siyang pakasalan si Annie, na taliwas naman sa pagkakaalam nito dahil ang akala niya ay handa na itong kalimutan ang dati nitong kasintahan na nang-iwan rito ng basta-basta, ngunit iilan lamang ang nakakaalam na siya ang asawa ni Lucas dahil ayaw niyang ilantad ang pagkakakilanlan niya dahil na rin sa estado ng pamilyang pinanggalingan niya.
At sa kanilang second wedding anniversary ay nakahanda na ang regalo ni Annie para kay Lucas, isang ultrasound picture ng magiging anak nila. Excited siyang sabihin rito ang tungkol doon lalo pa at ilang araw na niyang pinaghandaan ang pagsasabi nito rito ngunit hindi pa man niya naibubuka ang kaniyang bibig upang sabihin ang tungkol sa regalo niya sana ay inabot nito ang isang papel na isa palang divorce agreement.
"Gusto mo akong hiwalayan?"
"Bumalik na si Trisha at gusto ko ng tapusin ang pagiging kasal natin ng mas maaga kaysa sa pinagkasunduan natin."
Trisha, iyon ang pangalan ng babaeng pinakamamahal nito. Akala niya ay may nararamdaman na ito para sa kaniya ngunit wala pa rin pala kahit na sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama.
Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito at sarilinin na lamang ang kaniyang pagbubuntis, bubuhayin na lamang niyang mag-isa ang anak niya.
Ngunit lingid sa kaalaman nito na ang pagpili pala nito kay Trisha ang magiging dahilan ng labis nitong pagsisisi sa bandang huli...
107.2K viewsOngoing