Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
107.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Sa edad na bente-kuwatro ay nakapagpundar na si Zafhara Ziah Cledera ng isang negosyo, ito ay ang Ziah's Flower Shop. Dahil dito ay nagkaroon siya ng stable na income at sa pagsusumikap ay nakapagpatayo na rin siya ng sariling bahay. Isa na lamang ang para sa kaniya ay kulang, ang magkaroon ng isang anak. Naghanap siya ng taong babayaran upang maging sperm donor niya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ay nagkamali siya ng hotel unit na pinasukan. And she saw Braxien Philip Saavedra, a billionaire turn out to be her sperm donor. Anong mangyayari kung sakaling malaman ni Braxien na nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali ni Ziah? Hahayaan ba ni Ziah na makuha na lamang basta ang anak niya? O gagawa siya ng paraan para kapwa nila makasama ang anak?
Romance
9.9300.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rebirth Wife Strike Back

The Rebirth Wife Strike Back

Sa nakaraang buhay ni Yvette Dantes, siya ay pinagtaksilan at niloko ng kanyang kasintahan at matalik na kaibigan. Hindi lang iyon, sinira ng dalawa ang kayang reputasyon at hindi pa nakuntento ay walang awa siyang pinatay ng mga ito. Sa hindi inaasahan, siya ay muling nabuhay ngunit sa katauhan ni Samantha Vicente. Tulad ng buhay niya dati, ang buhay ni Samantha ay miserable, and she married by the cold-hearted billionaire named Logan Vicente. Nang gusto na nitong makipaghiwalay ay hindi siya nagdawalang-isip na pumayag kahit pa ang kapalit nito ay magiging katawa-tawa siya sa mata ng mga tao. Akala niya, mas magiging miserable ang buhay niya pagkatapos siyang itapon ng walang kaawa-awa, pero ang kapalaran ay tuluyang magbabago para sa kanya. Sa ganu'ng paraan ba magagawa ni Samantha palambutin ang puso ng isang Logan Vicente na kasing tigas ng isang bato?
Romance
589 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night To Remember  (One Night Stand With A Billionaire)

One Night To Remember (One Night Stand With A Billionaire)

Parang sinukluban ng langit si Rica ng malaman ang kondisyun niya sa doctor. Lalo pa siyang nalugmok sa kalungkutan ng sabihin nitong bilang na ang panahon niya. Halos hindi na naging normal ang Buhay niya magmula noon.Isang alok ng kaibigan ang sasagip sa kanyang lugmok na kapalaran pero hindi akalain ni Rica na iyon ang magdudulot ng samot saring paghihirap sa kanyang buhay
Romance
1012.8K viewsCompleted
Read
Add to library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
378 viewsOngoing
Read
Add to library
My Love From The Year Of 1942

My Love From The Year Of 1942

malditah
Si Lilac Bacani ang nag-iisang babaeng heneral na namuno at lumaban sa mga hapon kasama ang kanyang hukbo noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig. Isa siyang matapang na heneral at nirerespeto ng lahat. Ngunit dahil sa pagtatraydor ng taong pinagkakatiwalaan niya ng labis ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon na nagdahilan ng pagkamatay ng mga sundalo niya at pati na rin siya. Ngunit sa halip na umakyat sa langit ay nag-travel ang kanyang kaluluwa patungo sa taong 2022 at nagising siya sa katawan ng isang twenty years old na babaeng bagong kasal pa lamang na si Gwen Del Rio na kamukhang-kamukha niya. Paano mapaninindigan ni Lilac ang kanyang bagong katauhan sa makabagong mundo na hindi niya kabisado ang kapaligiran at sa katauhan pa ng isang dalagang binu-bully ng mga kamag-anakan nito? At paano kung umibig siya sa asawa ni Gwen ngunit matutuklasan naman niya na may isa pang katauhan si Lander na inililihim nito sa lahat? Makakaya ba niyang harapin ang pangalawang pagta-traydor na magaganap sa kanyang buhay? Makakaya pa ba niyang patuloy na mahalin ang apo ng taong dahilan kung bakit siya namatay kasama ang kanyang mga kasundaluhan noong nasa taong 1942 pa siya at ang taong nag-iwan ng malalim na pilat sa kanyang dibdib?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Mischievous Wife

The Billionaire's Mischievous Wife

Mulat si Kristine sa buhay probinsya dahil magmula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang ay kinuha siya ng kanyang ama at dinala sa probinsya upang doon manirahan. Sabik siya sa pagmamahal ng isang ina, kaya nang magkataong kailangan ng kanyang ina ang tulong niya, ay kaagad itong pumayag para lamang makapiling ito kahit na labag man sa kagustuhan ng ama. Lahat ay gagawin niya alang-alang sa gustong mangyari ng ina, ngunit hindi niya inaasahang ang tulong na hinihingi ng ina niya ang siyang makakapagpabago sa mga dati niyang nakagawian at buong katauhan.
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
380 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand With The Mysterious Billionaire

One Night Stand With The Mysterious Billionaire

Pinagkaisahan si Audrey Santillan ng kanyang kapatid. Sa araw ng kanyang kaarawan ay inakala niyang ang kanyang kasintahan ang napagbigyan ng ng sarili ngunit estranghero pala ito. Makalipas ang limang taon, gamit ang bagong pangalan, bumalik siya upang ipaghiganti ang nangyari sa kanila ng kanyang kawawang sanggol. Iyon ay ang pakasalan si Marco Montezides, ang lalaking imbalido ngunit isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa. Ito rin ang half-brother ng kanyang dating kasintahang si Julian Montezides. Paano kung sa kagustuhan niyang makaganti, mayroon siyang mga matutuklasang hindi karaniwan? Lalong-lalo na sa isang misteryosong bilyonaro.
Romance
10106.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Zara Luxx The Daughter

Zara Luxx The Daughter

Lahat ng lugar na nagamit sa kwentong ito ay kathang isip lang ng writer kung meron man kapareho ng mga pangalan ng lugar sa Pilipinas ay para bigyan lang ng sense of direction at reyalidad ang mga kwento sa nobelang ito. Ang mga pangalan ng mga tao ay parehong valing lang sa imaginatio ng author. Kinidnap ng hindi nakikilalang mga tao ng siya ay 1 year old pa. After 17 years nagbalik siya na isang maganda at masayahing dalaga na hindi kumpleto ang memorya. Nakabalik nga siya sa kanila ngunit meron na silang Prinsesa. Si Kendra naging adopted ng kanyang mga magulang na si Henry at Maritoni Luxx isa sa pinakamayaman pamilya sa buong Taguig City. Meron siyang Tatlong kapatid na lalaki si Arn, Jims and Zeke. Si Arn ay isang Doctor specializing in Medical Biology and Mental Energy, si Jims naman ay isang Engineer na mahilig sa mga cars at si Zeke ay isang Business Management Student sa De La Salle University sa Manila, at ang kanilang kapatid na babae ay si Kendra na ngayon ay grumadyet na ng Senior High at papasok na ng university at plano niya na doon sa school ng kanyang kapatid na si Zeke. Dahil sa selos ay binubully ni Kendra palagi si Zara pero most of the time ay si Kendra ang nailalim always sa hindi magandang sitwasyon. Kakayanin kaya niya mabuhay kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid including si kendra who happens to be the Princess of the Luxx family? Tunghayan ang buhay ni Zara Luxx habang kasama niya ang pamilya niya
Romance
10469 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status