Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Forbidden Flame

Forbidden Flame

Alam niyang mali, pero hindi kayang pigilan ng puso niya. Si Yanna, lumaki sa marangyang mundo ng mga Del Rosario—isang pamilyang kilala sa yaman at kapangyarihan. Pero sa likod ng bawat ngiti ay mga lihim na hindi dapat mabunyag. At sa gitna ng kaguluhan, nakilala niya si Lucien—ang tahimik, mapanganib, at misteryosong anak sa ikalawang asawa ng kanyang lolo. Ang lalaking dapat ay ituring niyang pamilya… ngunit siya rin ang lalaking nagturo sa kanya kung gaano katamis at kasakit ang bawal na pag-ibig. Isang gabing puno ng pagnanasa ang nagbago sa lahat. Ngayon, isang taon na ang lumipas, dala ni Yanna ang isang lihim na magpapabagsak sa buong pamilya nila—ang bunga ng kasalanang hindi na niya matatakasan. Sa pagitan ng pag-ibig at pagkakasala, alin ang pipiliin niya? Ang itago ang katotohanan… o ang ipaglaban ang apoy ng pag-ibig na pinagbabawal ng mundo?
395 viewsOngoingIdinagdag sa Library 13 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
10916 viewsOngoingIdinagdag sa Library 29 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
ASHLEY MONTALCO

ASHLEY MONTALCO

Itinakwil si Rena habang dinadala sa kanyang sinapupunan ang magiging anak at tunay na tagapagmana ng pamilyang Montalco. Sa panahong kailangan niya ng pagmamahal at suporta, tinalikuran siya ng lalaking minahal niya—si Harjie Montalco. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi lamang dahil sa sariling kagustuhan ni Harjie. Dahil isa siyang mama’s boy, sunod-sunuran siya sa bawat utos ng kanyang ina—ang makapangyarihang Donya ng mga Montalco. Para sa Donya, hindi kailanman magiging karapat-dapat si Rena. Ang nais niya ay si Rhiana—isang babaeng sa tingin niya ay kauri nila ng estado sa buhay. Lumipas ang mga taon… Isang araw, nakaharap ng Donya ang isang batang walang kamalay-malay—ang tunay niyang apo. Ngunit sa kabila ng dugong nagdurugtong sa kanila, hindi niya ito nabigyan ng pansin… hindi niya ito nakilala. Sa halip, isang pekeng apo ang dumating sa mansyon ng mga Montalco—nagpakilalang siya ang tunay na anak ni Harjie. Tinanggap siya ng Donya nang buong puso, bulag sa katotohanan. Ngunit ang masaklap… sa paglipas ng panahon, matutuklasan ng Donya ang lahat—na ang batang tinuring niyang apo ay isang panlilinlang. At higit pa roon, malalaman niyang ang pekeng apo rin ang dahilan ng kanyang pagiging lumpo. Sa gitna ng kasinungalingan at pagtataksil, naroon si Ashley—ang tunay na anak ni Rena at Harjie. Paano niya matutuklasan ang kanyang tunay na pagkatao kung ang sarili niyang ina ay piniling itago ang katotohanan? Hanggang kailan niya hahanapin ang sagot sa mga tanong na kahit ang kanyang ina ay ayaw ibunyag? At sa oras na mabunyag ang lahat… Sino ang mananatili? At sino ang tuluyang mawawala?
1013.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 422 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
1010.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 404 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
Lucifer's Downfall

Lucifer's Downfall

MnemosyneMin
Upang mabuhay tinaggap ni Rann ang alok ng lalaking estranghero isang gabi ng kanyang pagtakas. Ginawa niya ang sinabi nito, naging asawa siya ng kanyang tagapagligtas, at handa siyang ibigay dito ang lahat. Ngunit pagdududahan ni Rann ang sariling desisyon nang matuklasan ang demonyong nagtatago sa likod ng matamis na ngiti ng kanyang asawa.
103.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 123 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

Isang piping manugang na walang silbi… 'yan si Pierre sa mata ng lahat. Ngunit nang malagay sa panganib ang kumpanya ng kaniyang magandang asawa na si Eleanor, ang itinuturing nilang basura ang siyang nagdala ng milagro. Sa isang pitik, nagbago ang ihip ng hangin. Paano haharapin ng pamilya Elizalde ang katotohanang ang lalaking tinapakan nila ay ang nag-iisang tagapagmana na luluhuran ng buong Ciudad de Oro?
106 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
105.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 118 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
His Circus

His Circus

Remnis Luz
Maagang namulat si Luke Delval sa makamundong pamumuhay, natutunan niyang gamitin ang kaalamang ito upang makuha ang lahat ng kanyang ninanais at makaganti sa mga ginawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanya ang lahat ng iyon hanggang makasisiguro siyang masaya. Isang madilim na nakaraang ang pilit tinatakasan ni Fryeja Abigail Salazar, dulot na rin ng kawalang hiyaan ng kanyang ama. Dumating sa puntong tinaguan niya na ito para lang wag ng madamay pa, ngunit tila para bang nanadya ang tadhana dahil ang sekretong pinaka iingatan niya ay sumusunod pa rin sa kanya. Kaya ng magtagpo ang landas ni Luke Delval at Freyja Abigail Salazar, tila naging puno ng kaguluhan ang ginagalawan nilang mundo dulot na rin ng mga kanya kanyang pagkakamali.
2.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 60 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
Pinikot Ko Si Ninong Axel

Pinikot Ko Si Ninong Axel

"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
105.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 159 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
Kung Pwede Lang

Kung Pwede Lang

Si Trixie ay isang mapagmahal na ina sa kanyang anak na babae at ang tanging nais ay ang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Hindi niya inakalang makikilala niya si Derrick, ang anak ng may-ari ng kompanyang kalaban ng kanyang kinilalang pamilya simula pagkabata. May pag-asa ba para sa pagmamahalan ng dalawang taong naipit sa gitna ng magkalabang pamilya? Ipaglalaban ba nila ang pagmamahalan para sa isa't-isa? O kakalimutan na lamang ito para sa katahimikan ng mga buhay nila?
1019.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 682 Beses bilang tula ng pasasalamat
Read
+Library
PREV
1
...
2627282930
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status