Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Entangled Hearts

Entangled Hearts

Arthemis_Aine
"I accepted everything, even your unborn child na walang ama tapos susuwayin mo ang utos ko? Akira gusto mo bang lumaki ng walang kinikilalang ama 'yang anak mo?" Sermon, yan ang palaging bungad ng stepmother ko sa tuwing pupunta ako dito sa bahay. Tumingin ako sa mga mukha nito, halata dito ang galit at inis. Napayuko lang ako dito sa sofa habang nakaupo. All my life I was a spoiled brat girl but in one night, in just one mistake nagbago lahat. Nakita ko ang pag hakbang nito palayo, ngunit bago pa man siya makaalis ay nagsalita muna ito. "You have no choice Akira, its either abort that child or marry Mr. Briar." "WHAT?" Sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napatayo, napahinto naman si tita Belle. Lumingon ito sakin na parang nagtatanong kung bakit ako sumigaw. "A-anong si Mr. Briar?" "Yes, Mr. Reigh Briar. You know him right? Sila ang number 1 kalaban ng pamilya natin this coming election, so kung maikakasal ka sa kanya, you'll be staying there and be our spy." "Pero—" "No buts Akira." may diing sabi nito at tuluyan ng umalis. Si Reigh? Sa lahat ng lalaki si Reigh pa talaga? Why him? Kaya ko nga di pinaalam sa kanila kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay para lumayo sa kanya tapos ngayon siya ang papakasalan ko? PAPAKASALAN KO ANG EX KONG AMA NG DINADALA KO?
102.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 103 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife

Lumaking independent si Kalina, babad sa trabaho at walang ibang gusto kundi ma-promote at mapatunayan ang kaniyang kakayahan. Sa rami ng plano niya para sa sarili, wala rito ang matali sa kung sinong lalaking hindi naman niya mahal. Kaya naman nang malaman niyang niloloko siya ng kaniyang mapapangasawa, isa lang ang naisip niya—to runaway. Sa kabilang banda, si Cain Valvares, ang anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Kalina. Malupit na amo at laging seryoso kaya naman kinatatakutan ng lahat sa opisina. Para maging CEO, may binigay na kondisyon ang ama nito: kailangan niya munang magpakasal. Isang kasunduan sa pagitan ng dalawa. Isang sikretong kasal na pareho silang magbebenepisyo. Sa pagitan ng CEO at secretary, imposible nga bang may pag-iibigan na mabuo?
101.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 45 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
655 viewsOngoingIdinagdag sa Library 16 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

Handa akong tumakbo sa kahit saan maitago ko lamang ang katotohanan na nagkaanak ako at ang ama ay walang iba kundi ang boss ko. Ginawa ko ang lahat maitago lamang ang anak ko sa mga katrabaho ko hanggang sa manganak ako. Nagresign ako sa trabaho upang maalagaan ang anak ko at nang makalaki na ito ay agad akong nag-aplay ng trabaho. Sinong mag-aakala na babalik din pala ako kung saan ako nagsimula at muli kaming magkita. Umakto ako na paranng hindi kami magkakilala noon at nanatiling nakadistansiya rito. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko? Handa ba akong lunukin ang takot ko para ipagtapat ang katotohanan? O Magpapadaig na lamang ako sa takot ko at hahayaan na ang tadhana na lamang ang magdikta ng aming kapalaran? Paano kung dumating ang araw na kailanagan ko ng tulong sa ama ng anak ko upang maisalba ang buhay nito. Handa ko bang guluhin ang tahimik nitong buhay kasama ang bago nitong minahal at magulo ang tahimik na buhay na nais ko para sa anak.
104.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 102 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
The Red Daisy

The Red Daisy

Piauthentic
Ang tanging nais niya lang ay masayang pamilya, tahimik na buhay, at maging mabuting asawa’t ina ngunit mapagbiro ang tadhana para kay Daisy Alyson Strauss. Kalat sa buong San Isidro ang apelyidong Strauss lalo pa’t isang Mayor ang ama ng pamilyang ito at maraming proyektong nakatutulong sa tao ang nagawa na ng ama ni Daisy kaya naman hindi maiiwasang makilala at kaaliwan din ng madla si Daisy. Dahil sa katanyagan ay maraming nais umagaw sa pwesto ng kanyang ama. Grabeng pahirap ang dadanasin ng pamilyang Strauss na siyang magtutulak kay Daisy sa sukdulan ng kanyang galit at magpasyang maghiganti sakanyang bagong katauhan na si Ryann Ezra Destiny Guerrero. Ngunit magagawa niya kayang magtagumpay sa kanyang paghihiganti kung nakasalalay naman ang buhay at kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay, pati na rin ang kanyang pagiging ina?
3.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 66 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
My Unplanned Baby

My Unplanned Baby

Para kay Patricia, ang pag-ibig nila ni Niko noong college ang pinakamatamis na pangarap. Ngunit sa isang iglap, naging bangungot ito nang magpakasal ang kanilang mga magulang. Mula sa pagiging magkasintahan, naging magkapatid sila sa mata ng batas. isang lihim na wawasak sa lahat: Buntis si Patricia. Ngunit bago pa niya ito masabi sa lalaking mahal niya, ang sarili niyang ama ang humarang. Dahil sa takot na mabulgar ang incestuous na iskandalo at masira ang kanilang prestihiyosong reputasyon, binigyan siya ng kanyang ama ng isang malupit na ultimatum: Iwan ang lalaki at Hindi sabihin na buntis siya o ipalaglag ang bata. Masakit man, pinili ni Patricia ang maging "kontrabida" sa buhay ni Niko. Iniwan niya ito nang walang paliwanag, dala ang lahat ng poot at sumbat ng lalaking hindi alam ang katotohanan.
372 viewsOngoingIdinagdag sa Library 11 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
103.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 121 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
1020.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 459 Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
The Tycoon's Triplets

The Tycoon's Triplets

Natuklasan ni Maximus na nakatakas siya sa assasination attempt dahil sa pagkakamaling nagawa ng hotel. Maling susi ang naibigay sa kaniya kaya siya napunta sa kwarto ni Celeste. Ang akala ni Celeste kasama niya ang lalaking handang magbayad sa kaniya ng malaking pera para sa isang gabi pero isang pagkakamali dahil ang lalaking pumasok sa kwarto niya ay ang pinakamakapangyarihan na businessman sa bansa. Gusto niyang magsimula para mabawi niya ang kompanya ng kaniyang ina sa kamay ng half-sister niya kaya nagawa niyang ialok ang sarili niya sa hindi niya kilala pero itinakwil siya ng kaniyang ama nang mapanuod nito ang malaswang video ni Celeste.Ipinahanap ni Maximus ang babaeng nakasama niya, ang babaeng itinuturing niyang nagligtas sa kaniya noong gabing muntik siyang mamatay. Nang malaman ni Hannah na ibang lalaki pala ang nakasama ng kapatid niya mabilis siyang gumawa ng paraan. Nagpanggap si Hannah na siya ang nakasama ni Maximus sa hotel ng sa ganun ay magkaroon sila ng romance relationship with the most powerful man. Paano kung pagbalik ni Celeste ng bansa, malaman niyang boyfriend na ng kapatid niya ang ama ng tatlo niyang anak? Will she tell to Maximus the truth about the kids or will she hide it until she can?
9.6806.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 32.3K Beses bilang tula para sa ama
Ipakita ang mga Review (78)
Read
+Library
Zea Hara Kaira Suficiencia
Hi author, ilang araw na tong nasa library ko pero ngaun ko lang nabasa .. ang ganda ng kwento promise pero pansin ko may hawig siya sa three little guardian na isa mga paborito ko din dito sa GN .. Pero ganun pa man pwd pakituloy po ng kwento kasi ang ganda ganda po eh. maraming salamat po author..
nezz agg
ganda naman ng kwento nila maximus at celeste. ang inantay ko kung ano ang naging ending nila. nagtataka ako bakit napunta ang kwento kay aurora at hunter. iniisip ko na baka kasi connected pa rin sa pagkawala ni hunter kaya kinuwento ang naging buhay ni hunter ng nawala cya sa sirkulasyon.
Basahin ang Lahat ng Review
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
1067.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.4K Beses bilang tula para sa ama
Read
+Library
PREV
1
...
1516171819
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status