Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Signed To Be His Wife

Signed To Be His Wife

Para kay Ayen Ramirez, simple lang dapat ang buhay—trabaho bilang secretary sa isang malaking kompanya at isang matinong relasyon na inakala niyang pangmatagalan. Pero nang biglang maospital ang kapatid niya at mangailangan ng malaking halaga, agad siyang lumapit sa boyfriend niya para humingi ng tulong. Ang akala niya, maiintindihan siya nito. Pero sa halip, iniwan siya nito na parang wala lang. In her desperation, isang hindi inaasahang alok ang dumating. Mula mismo sa boss niyang si Justin Berkeley. Mayaman, makapangyarihan, at kilala sa pagiging istrikto, pero may isang bagay siyang wala: isang asawa. Kailangan niya ng kasal para makuha ang mamanahin niya, at kailangan ni Ayen ng pera para sa kapatid niya. Isang pirma lang sa kontrata, at magiging Mrs. Berkeley siya. Walang love, walang intimacy... isang kasunduan lang. Pero paano kung habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang lahat? Paano kung ang dating malamig at prangkang boss niya ay may mga tingin at hawak na hindi kasama sa usapan? At paano kung sa isang kasal na peke, isang tunay na puso ang mahulog?
Romance
10330 viewsOngoing
Read
Add to library
ESCANDALO DE SAN IGNACIO

ESCANDALO DE SAN IGNACIO

Felicity
SCANDAL... BILLIONAIRES... MARRIAGE... Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio. Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan. Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon. Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan. Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas. At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco. Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon. Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Romance
668 viewsOngoing
Read
Add to library
Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle

Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle

"Hector, totoo ang sinabi ko sayo. Gusto kong magka-in love-an tayo, at magkasama nang seryoso, tulad ng magkasintahan, mula sa pagiging estranghero hanggang sa magkaintindihan tayo. Gusto kong maranasan yung pakiramdam na pantay tayo. Ikaw si Hector, bilang si Hector na asawa ko at hindi tiyuhin ng ibang tao, at ako si Anne bilang si Anne na asawa mo at hindi kasintahan ng ibang tao. Mag-ipon tayo ng mga alaala, isang taon, dalawang taon, tatlong taon, sampung taon, kung okay lang sayo?" Inabot ako ni Hector at hinila para umupo sa kanyang kandungan, at sinabi nang mahinahon "Okay, pero, love, wala akong karanasan, kailangan mo akong turuan pa. Pero..." Hindi ko alam kung sinasadya ni Hector na biglang huminto at hinaplos ang kaniyang maiinit na labi sa gilid ng aking mukha "Pero... Pagdating sa pagkahulog, dapat ang lalaki ang mag-initiate. Maghintay ka lang, susuyuin kita."
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Saved By The Marriage

Saved By The Marriage

lainnexx
Tanging ambisyon lamang ang mahalaga para kay Sayna Astrid Reyes. Bilang lumaki na mag-isa, wala siyang ibang hangarin kundi matupad lamang ang kanyang pangarap na maging tanyag sa lahat. Alam niya sa kanyang sarili na hindi katulad ng isang fairy tale ang takbo ng kanyang buhay kaya wala siyang panahon para sa pag-ibig. She doesn't even value marriage. Ngunit kailangan niyang magpakasal kay Enver James Servencio, the Servencio Prince himself, isang troublemaker at spoiled na anak ng kanyang boss na nasangkot sa isang malaking eskandalo. Kapalit na makuha ang pangarap niya na makamit ang pinakamataas na pwesto sa kompanya, papakasalan niya ang lalaking hindi naman niya lubos na kilala para malinis ang reputasyon nito. Hanggang saan aabutin ang kasalan na hindi naman binuo nang pagmamahalan?
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2

Rejected Wife Returns : The Rejected Wife Book 2

Naging bangungot para kay Elise ang naging buhay niya sa piling ng asawa niyang si Kenzo Madrigal. Masakit para sa kanya ang malaman na Kailanman ay hindi siya minahal ng asawa at ang yaman lamang nito na nasa lihim ng kasunduan ang hinantay nito. Matapos ipagtabuyan ng asawa ay umalis ng nangdadalang tao si Elise. Ngunit sa pasya ng tadhana isang taong may mabuting puso ang komopkop sa kanya walang iba kundi Si Kevin Madrigal ang kayang bayaw. Sa tulong at malasakit ni Kevin sa kanya ay nakaraos si Elie sa papghihirap sa papgdadalang tao at sa pamumuhay na mamg isa. Ngunti paano kung ang kapait ng tulong ng bayaw niya ay anng kahilignang bumalik sa mansion at lumaban biang legal na may karapatan ng lahaht ng meron siya bilang isang esposa ng isang Madrigal.Lalaban ba si Elise at pagbibigyan ang pakiusap ng lalaking nagkaroon nang puwang sa kanyang puso o mas pipiliin niya na lamang na manatiling nakatago para manatiling katabi niya si Kevin Madrigal
Romance
1010.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Enemy Is My Lover

My Billionaire Enemy Is My Lover

Labis na nagtaka si Seraphina nang bigla siyang mailipat sa ilalim ng pamamahala ng bagong boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi siyang pinapahiya at minamaliit nito. Alam niya sa sarili niyang magaling siya sa trabaho, pero para sa bagong boss niya, isa siyang walang kwenta. Galit sila sa isa’t isa. Ngunit ang matinding galit na iyon ay nagbunga ng isang di-inaasahang pangyayari—isang gabi ng matinding pagnanasa na bumalot sa kanilang dalawa. Matapos ang nangyari, mananatili pa rin ba ang poot sa kanilang mga puso? O ang galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting magliliyab bilang pag-ibig?
Romance
10775.4K viewsOngoing
Show Reviews (89)
Read
Add to library
bunchf05
Im sorry to say this, pero nabo-bored ako sa story, masyadong pabebe si FL, di marunong lumaban, masyadong kinawawa ni Author. A lot of here saying, npkaganda dw ng kwento but for me "not really" cguro, i expected more base sa mga nabbasa kong reviews, but this story didn't meet my expectations.
Saphira you
NAKAKA SAD, PARANG AYOKO PA MATAPOS YUNG STORY NILA SCARLET AT LUCIAN. GRABE NAPA IYAK TALAGA AKO SA KWENTO NILA 🥹 MAMI-MISS KO SI PAPA LUCIAN HUHU. MISS AUTHOR SANA BAGO MO I END STORY NILA MAKASAL MUNA SILA AND MANGANAK SI SCARLET, ANG SARAP SIGURO MAG ALAGA NG ISANG PAPA LUCIAN HAHAHA.
Read All Reviews
Shut Up and Take Me

Shut Up and Take Me

Bilang isang bastardang anak, nagsumikap si Mia para kilalanin at tanggapin siya ng matagumpay na negosyanteng nagmamay-ari ng Blacksmith Hotels na si Vincent Ferrer, ang amang kaniyang tinitingala. Hindi siya nabigo at dumating rin ang araw na sa wakas ay kinilala siya ni Vincent bilang anak nito. Kinilala rin nito ang kaniyang talino sa larangan ng negosyo at hinirang siya bilang bagong CEO ng Blacksmith Hotels. Sa parehong araw, ay inalok siya ng kasal ng kaniyang nobyong si Oliver. All at once, she had it all. But all at once, she lost them... Nagkaroon ng malaking problema ang Blacksmith Hotels, at siya ang sinisi ng kaniyang ama. He threatened to remove her from her position, ngunit kusa siyang nagbitiw. On the same day, she discovered that Oliver and her half-sister, Natalia, were cheating on her. Pumunta siya sa isang bar para uminom ng alak at pansamantalang makalimot. Just a few shots, and she got dizzy. Isang estranghero ang umupo sa tabi niya at um-order ng whisky. She could tell that he was hot even with her eyes half-shut. As he was about to drink his whiskey, she snatched the glass from him and drank it right away. The next thing she knew, she found herself in the stranger's bed. In his arms, she went straight from a tough, independent woman to a damsel in distress. She let down her walls, and she has given him what's left of her— her virginity! Was it just a one-night stand? Or has she found her knight in shining armor?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
9.488.0K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Read All Reviews
Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Yaya Lingling and the Billionaire's twin

Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan. At dahil gipit sa pera kaya naisip niya na maghanap ng trabaho, humingi ng sign at hindi nagtagal ay may naghahanap na nang trabaho bilang isang private nurse ngunit hindi niya na ito tinanggap dahil nalaman niya na mas matanda pa sa kanya ang aalagaan niya at kulang ang kanyang kaalaman sa pagiging nurse. Hanggang sa may kaibigan ang kanyang ina na naghahanap din na gustong pumasok ng trabaho pero bilang isang Yaya kaya sa dalawang pagpipilian niya na trabaho ay pinili niya ang magiging taga-bantay. Ngunit nagulat si Lingling pagkarating sa bahay kung saan siya magtatrabaho na kung sino ang magiging amo niya. Magawa niya pa kayang tumakas gayong may kasalan siya rito? Ano kaya ang magiging kapalaran niya sa dalawang makulit na anak ng kanyang bilyonaryong amo? Paano kung may kahilingan ang mga anak ng bilyonaryo kay Lingling, kaya niya bang panindigan kung unti-unti ay napapamahal na ito sa kanya?
Romance
1052.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Si Hestia Angela Gonzaga, isang sikat na pop idol, ay may madilim na sekreto: isa siyang assassin na sinanay ng Phantom Syndicate. Matapos masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang pamilya noong bata siya, isinumpa niyang maghiganti sa mga mafia na sumira sa kanyang buhay. Ngayon, bilang CEO ng sarili niyang entertainment agency, ginamit niya ang kasikatan upang mapalapit sa kanyang target: si Demetrius Skye Van Heuffman. Si Demetrius, isang malamig at walang awa at makapangyarihang German-Filipino na mafia boss, ay bumalik sa Pilipinas bilang CEO ng isang multi-bilyong kompanya. Sa muling pagtatagpo nila, sinimulan ni Hestia ang kanyang plano—nagpanggap siyang kasintahan nito upang makalapit, makakuha ng impormasyon, at pabagsakin. Ngunit habang lumilipas ang panahon, hindi niya maiwasang mahulog sa lalaking dati niyang kinamumuhian. Ngayon, nahaharap si Hestia sa matinding laban: itutuloy ba niya ang kanyang misyon ng paghihiganti, o susundin ang puso at isusugal ang lahat para sa isang pag-ibig na maaaring magwasak sa kanya?
Romance
10973 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status