Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to the Trillionaire Top Boss

Married to the Trillionaire Top Boss

Matapos malaman ni Collette Addison Serrano na may down syndrome ang kanyang anak ay lalong tumindi ang pagiging taksil ng kanyang asawa sa dating nobya nito. Huminto ito sa pagsustento sa kanya hanggang sa tuluyan siyang pinalayas sa kanilang bahay, dahilan upang mapilitan siyang magtrabaho para buhayin ang kanyang anak. Sa gitna ng kahirapan at kalungkutan ay hindi niya inaasahan na magiging contract wife siya ng kanyang boss. Ano ba talaga ang totoong motibo ni Hezekiah Moreira–ang tanyag at makapangyarihang may-ari ng pinakamalaking nickel mining company–sa pagpili nito sa kanya, isa lamang siyang hamak na single mother na may espesyal na anak para maging asawa nito?
Romance
10433 viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?
Mafia
660 viewsOngoing
Read
Add to library
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10381 viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10566 viewsOngoing
Read
Add to library
The Day I Fell In Love With You

The Day I Fell In Love With You

KAAWAY. Isang salita na sa bokabularyo ni Rajinah ay siyang naglalarawan sa isang taong wala nang ginawa kung hindi ang painitin ang ulo niya—si Kenzo Martinez. Para bang hindi magiging buo ang araw kapag hindi siya nito naasar. Isang araw, nagulat na lang ang dalaga sa kakaibang damdamin na sumibol sa kanyang dibdib para sa binata na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magiging espesyal para sa kanya. That drastic changed happened when Kenzo suddenly showed the other side of him which was sweet, caring and genuinely tender. But she should not be confused, right? Her heart already belonged to another man. A man that she cherished in her heart for years now. A man who she thought was the total opposite of Kenzo. Pero bakit isang halik lang ni Kenzo ay nanlambot na kaagad ang tuhod niya at natunaw kaagad ang resolba niya na panghabang-buhay itong ituturing na kaaway?
Romance
578 viewsOngoing
Read
Add to library
My Amnesia Mafia Husband

My Amnesia Mafia Husband

Arra Bethany Ramirez mourned the loss of her husband for six years due to its unexpected accident. Para sa kaniya tila nawalan na rin siya ng kahati sa buhay at karamay sa lahat ng panahon. He is her refuge and strength. Her total comfort. Her safe place. Her love. Sa anak na lamang siya humuhugot ng lakas para mabuhay. Sa anak ni Zachary na aniwan sa kaniya at siya a lamang mag-isa ang bumubuhay. And she needs to be strong. Kahit hindi na lamang sa kaniyang sarili kun'di para sa naiwan nilang anak. But an unexpected accident happened to her taht caused her life to turn upside-down. Her quiet and typical life began to change when she accidentally unfolded a great mystery and uncovered a secret to her husband's accident. Talaga nga namang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil kung kailan na anging tahimik ang kaniyang buhay, saka pa nangyari ang lahat ng iyon! Dahil nakita na lamang niya ang sarili na may hawak ng baril, sa gitna ng labanan na buhay o kamatayan ang katumbas.
Romance
1015.1K viewsCompleted
Read
Add to library
CAPTIVATED: AKIHIKO HARU CANTILEJO

CAPTIVATED: AKIHIKO HARU CANTILEJO

D_NABANANA
Dion Clamente is a simple girl. She's in between of being an introvert and extrovert. She likes watching k-drama and anime. Pero sa lahat ng hobby niya sa buhay, ang panonood ng tiktok videos ng paborito niyang creator ang isa sa pinakapaborito niyang gawin. Wala siyang oras na pinapalagpas para makanood lang ng tiktok vids. Sa dinamidami ng creator at voice actors na naglipana sa buong social media ay isa lang ang nakakuha at nakaangkin ng interes at damdamin niya. At yun ay si Aki Hitoko. Pagkadinig pa lang niya sa boses nang lalaki ay may naramdaman siyang emosyon na di niya maipaliwanag. Sa baritono nitong boses ay para siyang hinihipnotismo. Sa bawat bigkas nito ng mga salita ay parang mawawalan siya ng diwa na para bang papanawan na siya ng ulirat. Di niya pa ito nakikita at tanging boses lang ang kilala niya pero isa lang ang alam niya, she's already into him. She's been captivated.
Romance
848 viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage Deal with the Sexy Billionaire

Marriage Deal with the Sexy Billionaire

"Akala ko ba contract marriage lang ang kasal natin? Bakit sinasabi mong mahal mo ako?" Ngumiti si Mattheus, niyakap si Gianne at hinalikan siya sa labi. "Well, wife. Para sa'yo, contract marriage lang 'to. Pero para sa'kin, love deal 'to." _____ Sa halip na proposal ang sumalubong kay Gianne, panloloko ng boyfriend niyang si Calix at ng bestfriend niya mismo ang nakita niya sa cellphone ng lalaki. Sa sobrang sakit ng kalooban, nakipaghiwalay siya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Mattheus—isang gwapo at mayamang lalaki na tumulong sa kanya noong manakawan siya. Pumayag siya sa kasal na inalok ni Mattheus— dahil kailangan niya ng asawa sa lalong madaling panahon at si Mattheus naman ay kailangan ng asawa para matigil ang lola nitong pinipilit na itong i-blind date sa iba't ibang babae. Sinunod ni Gianne ang kasunduan at ginampanan ang papel bilang contract wife. Pero isang araw, sinabi ni Mattheus ang hindi niya inaasahan—mahal na siya nito. At saka naman biglang bumalik si Calix, humihingi ng pangalawang pagkakataon. Sino ang pipiliin niya?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status