Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10585 viewsOngoing
Read
Add to library
Velasquez's Heir

Velasquez's Heir

Rarity Gale
“Congratulations, Mrs. Velazquez. You're 8 weeks pregnant” Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. I feel excited and scared at the same time. I'm going to be a mother! I can't wait to see Desmond's reaction! Noong akala ni Yvonne ay okay na lahat, buong akla niya ay sa wakas ay magkakaroon na siya ng isang kompletong pamilya ay bigla siyang iniwan ni Desmond dahil bumalik ang kasintahan nitong mahal na mahal niya. Yvonne was just a replacement of her at ngayon na bumalik na ito ay para siyang gamit na pinagsawaan na kapag hindi na kailangan ay itatapon na lang. Yvonne was selfless mas pipiliin niya ang kasiyahan ng iba kaysa sakanya, at ano naman ang laban niya sa babaeng mahal nito, lalo na't may anak pala ito at ang ama ay si Desmond. Yvonne left and raise their child, ngunit ng bumalik siya sa pilipinas makalipas ang limang taon ay nagkita silang muli ng kanyang ex-husband na si Desmond Kyle Velasquez ngunit hindi siya nito maalala, hindi nito maalala ang sakit na dinulot nito limang taon na ang nakakalipas. Kung totoo nga na may second chance, pwede kaya itong mangyari kay Yvonne at Desmond? O tuluyan ng matutuldukan ang kanilang relsyon? Will the truth unfold or will it remain hidden?
Romance
660 viewsOngoing
Read
Add to library
If We Love Again

If We Love Again

J.R. McKay
Istrikta si Sarah pagdating sa rules; hindi niya ‘yon nilalabag at ayaw niyang may lumabag niyon lalo na kung mismong rules niya ang sinuway. Subalit nagbago ang takbo ng mundo niya nang makilala si Erhart, ang lalaking mahilig lumabag sa rules. Araw-araw nitong pinapasakit ang kaniyang ulo simula nang mag-krus ang landas nila. Ginawa na niya ang lahat ng paraan upang iwasan ito pero talagang makulit ang binata at ayaw siyang tantanan hanggang siya na mismo ang bumali sa sarili niyang batas—na BAWAL siyang magmahal. Dahil tinanggap niya ito ng buong puso kahit na hindi niya lubusang kilala ang pagkatao nito. Masaya ang naging pagsasama nila ngunit ang magandang panaginip na ‘yon ay naging isang bangungot nang may matuklasan siya sa pagkatao nito. Ang babaeng kinamumuhian niya, na nagluwal sa kaniya ay konektado sa binata. Ito pa mismo ang humiling sa kaniya na layuan ang kasintahan dahil kung hindi, masisira ang kilalala at respetadong pamilya ng binata. Magawa niya kayang talikuran ang lalaking minamahal o dapat niya bang itong ipaglaban?
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Taboo Temptation

Taboo Temptation

AkoSiIttal
They said, “everyone has the freedom to love” but... why does everyone stopping us? Mula sa malalang isyu ng hiwalayan ng kaniyang kasintahan, umuwi si Marylane "Meeri" Salazar galing Japan at upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho sa Pilipinas bilang guro. Ngunit sa kaniyang pagbalik ay mayroon siyang natuklasan. Na ang kaniyang uncle, si Caesar "Ilay" Gresham, ay matagal na siyang pinagnanasaan at may pagmamahal na nararamdaman sa kaniya. Lahat ay pwede pero hindi lahat ay tama, at ang nararamdaman ng dalawa ay hindi na tama, pero ipaglalaban pa ba nila ang kanilang pagmamahalan o ito'y isusuko na lang? “Our family was disappointed, we got cancelled by the society, and the world turn it's back towards us... why does we need to experience this when we just follow our heart and loved each other?” Let's start the journey of the love story of Meeri and her Uncle Ilay. Will this end up a happy ending even if it was a Taboo Temptation?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1032.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Fake Marriage With The CEO

Fake Marriage With The CEO

Nang malaman ni Ysabela ang kaniyang pagbubuntis, takot at saya ang bumalot sa kaniyang puso. Hindi niya iyon inaasahan, lalo pa't alam niyang maaaring hindi matanggap ni Greig ang kaniyang pagbubuntis. Alam niyang maaaring mapawalang bisa ang kasal nila dahil simula't sapul ay peke lamang ito. Ano ang mangyayari kung biglang bumalik ang babaeng mahal nito? Ano ang magiging laban niya kay Natasha? Magagawa niya pa bang ipaglaban ang lalaki kung patuloy nitong pinipili ang dating kasintahan? O magpapaubaya na lang siya ng tuluyan?
Romance
9.2427.3K viewsOngoing
Show Reviews (56)
Read
Add to library
JD Mart
ms. a kelan mo po gustong sundan ng update yung story ni archie at yvonne...sayang nman po kasi eh sobrang ganda na ng umpisa tpos biglang pumangit na yung kwento...tpos nung magiging ok na sana bigla ka nman pong hindi na ng update...madami po kming ng aabang ng kwento ni archie at yvonne...
Ludy Perez
hi otor,.bka andyan ka sa libing nila yvonne baka pedeng paki shareo naman samin ang ganap dyan.. Or baka Alam mo kun nasan c Archie wag mo nang papuntahin k Lindsy .yakapin mo ng mahigpit si Archie para di makapunta k Lindsy.Yaan mong mamuti Ang Mata nun mag amang yun kakahintay k Archie..hehe
Read All Reviews
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
Romance
1016.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I am your Legal Wife

I am your Legal Wife

Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis. Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan? Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
Romance
1011.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status