Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
Romance
1061.7K viewsCompleted
Show Reviews (58)
Read
Add to library
Morianne Joy Tayamora
So far so good mr.A...First time ever na mgbasa ako ng romance novel na lalaki ang author.And ur doing great....I love the flow of da story,the emotions were there at mgnda ang pagkaedit.The character's attitude had been introduce slowly dat made me hooked and curious at da same time...Nice work...
xhhxchcj
I like the plot of the story. It was unique for me. Isa sa mga gusto ko sa kuwento ay ’yong linis ng narrations and this novel get me there. Sobrang linis din dialogue, walang sabaw na batuhan ng linya. Congratulations sa author nitong kuwento. keep it up the good work...
Read All Reviews
Love Me One More Time

Love Me One More Time

SweetyRai88
Walang choice si Darine kundi tumakas. Dahil sa ipapakasal siya ng kanyang Lolo sa apo ng kanyang matalik na kaibigan. Handa niyang iwan ang lahat, pagod na rin siya lagi siyang kinokontrol ng kanyang Lolo. Ang mahalaga ay hindi siya makasal sa taong hindi niya kilala. Jasper Guillermo, 34 years old. Business Tycoon, wala sa kanyang vocabulary na mag-asawa mula ng niloko siya ng unang babaeng minahal. Kung hindi niya masunod ang kagustuhan ng kanyang Lolo ay mawawala sa kanya ang kumpanya na inaalagaan niya. Dahil labag kay Jasper ang kagustuhan ng kanyang magulang kaya gumawa siya ng sariling paraan. Hindi siya papayag kung ano gusto ng kanyang Lolo ay masusunod. Yes mahalaga sa kanya ang kumpanya pero hindi siya papayag pagdating sa sarili niyang buhay ay panghimasukan ng kanyang magulang lalo na ang kanyang Lolo. Pagkalipas ng isang linggo ay muling nagtagpo ang landas ni Jasper at Darine. Naglakas loob si Darine na kausapin ang binata kung pwede siya nitong tulungan. Hindi naman nagddalawang isip ang binata tinulungan niya si Darine. "Be my girlfriend sa harapan ng mga magulang ko," sabi niya kay Darine. Paano kung nasa kay Darine ang katangian na taglay na hinahanap ni Jasper sa babae? Kaya bang panindigan ni Jasper ang lumabas sa bibig niya na hindi niya kayang lumagay sa tahimik? Isip o puso ba ang susundin ni Jasper? Paano kung ang darating ang isang araw na ang lalaking pinakamamahal ni Darine ay bigla siya nitong hindi maalala. Kung sino ba si Darine sa buhay niya? Matatanggap ba ni Darine ang biglang pagbabago ni Jasper sa kanya? Lalo na ibang-iba na sa dati ang pakikitungo ni Jasper sa kanya.
Romance
6.44.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I love you, Sister

I love you, Sister

Bata pa lamang si Bianca ay pangarap na niyang maging isang madre, kaya naman kahit mayaman ang pamilya nila ay walang nagawa ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang pumasok sa kumbento after niya makagraduate ng Business Administration sa college. Ngunit noong gabing iyon bago niya tuluyang tanggapin na nakatadhana na siyang maglingkod sa Diyos buong buhay niya ay niyaya siya ng mga kaibigan niya na icelebrate ang last minute ng kanyang pagiging single, dahil kinabukasan ay magpapakasal na siya kay Lord. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalasing siya at nakainom siya ng alak na may halong ecstasy. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang kuwarto sa itaas ng bar para sana makapagpahinga, pero pinasok siya ng isang estranghero at may nangyari sa kanila. Kahit hindi na malinis ay ipinagpatuloy pa rin ni Sister Bianca ang pagpasok sa kumbento, at pilit kinalimutan ang nangyaring noong gabing iyon. Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Nanganak siya ng lihim at dinala sa bahay-ampunan ang kanyang anak, pero nalaman niya na inampon ito ng biggest donor nila sa simbahan, ang milyonaryong si Mr. Vaughn Avery. Paano niya ngayon mababawi ang anak niya? Panahon na ba para lumabas siya ng kumbento? Ito na ba ang sign na matagal na niyang hinihingi sa Diyos?
Romance
10120.7K viewsOngoing
Show Reviews (12)
Read
Add to library
GINALYNVELANTE ZANO
Ang ganda po Ng story ni bianca at Vaughn for sure magugustuhan nyo please read po dahil Hindi lng kwento ni Vaughn At Bianca Ang mag papakilig sainyo my Book 2 din po thank you po author Rain tlga nmn pinakaabangan q araw araw Ang daily update u.
Donanito
Maganda sana story pero diko mafeel na madre siya. Sa unan pa lang puro kasalanan na ginagawa. Red flag siya nagkataon lang story niya ito so siya yung bida kahit napakapangit ng character niya. Actually mas bagay siyang GRO
Read All Reviews
Presyo ng Mga Akala

Presyo ng Mga Akala

Tinatawag ako ng kapatid kong lalaki bilang kanyang prinsesa at nagpapadala sa’kin ng perang pangbaon; nagkakamali ng intindi ang kanyang mapapangasawa at iniisip nito na lihim niya akong nobya. Susugurin ng babae ang tirahan ko, na maayos kong pinalamutian, kasama ang grupo ng mga kamag-anak at kaibigan. “Hindi ako makapaniwalang lihim na nobya ka ng iba’t ngayong napakabata mo pa! Tuturuan kita ng leksyon sa ngalan ng mga magulang mo! Ikakalat ko online ang imoral ninyong relasyon para malaman ng mga guro at kaklase mo kung gaano ka kawalang-hiya!” Kinalat nila ang tirahan ko at pinunit ang mga damit ko. Pagkatapos, sinigurado nilang nakunan ang ID ko sa eksena habang nire-record nila ang pang-aapi sa akin. Nagmamadaling pumunta ang kapatid kong lalaki, namumula sa galit ang kanyang mga mata. “Nasiraan na ba kayo ng bait? Ang lakas ng loob ninyong apihin ang kapatid ko!”
Short Story · Romance
744 viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
Romance
10551 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rich Man's Fall

The Rich Man's Fall

A marriage of convenience sa pagitan ni Issa at real-estate billionaire na si Vince Sevilla. She's left with no choice but to come to terms with the devil. Upang isalba ang magulang sa pagkakabaon sa utang sa binata'y pinakasalan niya ito. But the Sevilla was a thorn in the past. Nangakong hindi siya iibig kay Vince, but not until Lucy—ang babaeng susukat sa tunay na kahulugan ng salitang "karibal" sa puso ng kanyang asawa. Nagising siya isang umaga na tila siya estranghero sa paningin ni Vince at si Lucy ang bukod-tanging naaalala nito...
Romance
646 viewsOngoing
Read
Add to library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)

Her Unwanted CEO Husband (TAGLISH)

Pseudonym
Napilitan si Claire na pakasalan si David Buenavista dahil sa mga magulang nilang pilit silang ipagkasundong ikasal. Nagkahiwalay si Claire at ang kaniyang nobyo sa kadahilanang pareho sila ng sitwasyon. Pinagkasundo rin ang nobyo nitong ikasal sa matalik nyang kaibigan na si Irene. Paano nga ba mamuhay kasama ang lalaking hindi nya pa lubos na kilala? Paano ba sila magkakasundo at makipag kilala sa isat-isa kung pareho silang hindi interesado sa isat-isa?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Hot Sugar Daddy (Filipino)

My Hot Sugar Daddy (Filipino)

Tuwang-tuwa si Pauline matapos na malaman na nakapasa siya sa entrance exam ng isang kilalang pamantasan sa Maynila ngunit kaagad na napalitan 'yon ng lungkot nang ma-realize niya na hindi niya sigurado kung makakapag-aral nga talaga siya sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay nila. Tanging pagtatanim lang ng mga gulay at prutas ang hanap-buhay ng mga magulang niya na talaga naman na hindi sapat sa kanila lalo na lima silang magkakapatid. Gusto niya na makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ang pamilya niya na makaahon sa hirap kaya hindi na niya pinakawalan pa ang pagkakataon na makapag-aral siya kahit alam niya na mahihirapan siya lalo na wala silang pera. Gagawa na lang siya ng paraan para matugunan ang pag-aaral niya. Naghanap kaagad siya ng puwedeng mapagtrabauhan para may pang-tuition siya ngunit hindi 'yon ang kanyang nahanap kundi nakilala niya ang isang guwapo at hot na football coach na si Matthew. Sinabi ni Pauline ang nais niya dito kaya inalok kaagad siya ni Matthew kung gusto niya na maging sugar daddy niya ito. He will give everything to her. Wala na siyang kailangan na problemahin pa. Hindi na niya kailangan na maghanap ng trabaho para may pang-tuition siya sa pag-aaral hanggang sa makatapos siya. All she needs to do is to say yes to him. Papayag kaya si Pauline na maging sugar daddy si Matthew? Is she going to refuse him to be his hot sugar daddy until she fulfill her dream—finishing her studies?
Romance
1041.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PLAY WITH ME, CHELSEA

PLAY WITH ME, CHELSEA

Kinalimutan ni Chelsea ang kanyang pangarap na manirahan at makapagtrabaho sa ibang bansa para gawin ang nais ng kanyang mga magulang kahit labag iyon sa loob niya. Isang mabuting tao ang lalaking papakasalan niya at inaalagaan siya nito, ngunit biglang nagbago lahat ng iyon dahil lamang hindi niya naibigay ang gusto nito. Paiba-iba ang kasama nitong babae at ang mas masaklap na roon ay dinadala niya ito sa kanilang bahay at sa mismong kwarto nila nagtatalik. Gustuhin man niyang makipaghiwalay ay hindi niya iyon basta-bastang magagawa, kaya tiniis na lamang niya lahat ng ginagawa nitong kababuyan. Hanggang isang araw ay sumulpot sa kanyang harapan ang pinsan nitong si Vander at nag-offer ito sa kanya ng isang fake marriage. Walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Chelsea ang offer nito dahil alam niyang yon ang tanging paraan upang tuluyang masira ang kanilang engagement ng kanyang fiancé Habang tumatagal ay unti-unting napapansin ni Chelsea na nahuhulog na ang kanyang loob kay Vander, agad niya iyong ipinagtapat sa binata at sobra siyang nasiyahan nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Ngunit ang sandaling kasiyahan na iyon ay agad rin napawi, dahil nalaman ng kanyang fiancé na peke lang pala ang kanilang kasal, at sa mismong araw na iyon din ay nalaman ni Chelsea na ginamit lang pala siya ni Vander para sa kanyang sariling interes. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Bibigyan ba ni Chelsea nang pagkakataong magpaliwanag si Vander o makikipag-ayos siya sa kanyang fiancé na si Axel?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status