Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Lifeless Body

Lifeless Body

Namatay ang kanyang mga magulang para lang maitakas at mailigtas siya sa kumidnap sa kanila. Magmula nun ay para na siyang isang katawang nawawalan ng buhay.
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HE IS OLDER THAN ME

HE IS OLDER THAN ME

Si Annie ay isang 16 years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang Papa. Na siyang binabantayan naman ng kanyang Kuyang si Edmon. Bagamat hindi naging maganda ang simula nang kanilang pagkikita ay nakadama parin siya ng kakaiba para sa binata. Sa hindi nila inaasahang pangyayari ay natagpuan si Annie sa silid mismo ni Dave sa mismong hotel kung saan ginanap ang kanyang seventeenth birthday. At dahil doon ay kapwa sila natali sa isang kasunduang magdudugtong pala sa kanilang mga puso at buhay. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Matutuhan kaya nilang aminin ang mga damdaming nakatago sa kanilang mga puso? Magawa kayang ibigin at mahalin ni Annie si Dave kahit na ito ay mas matanda sa kanya ng labing anim na taon? Maamin naman kaya ni Dave ang tunay niyang damdamin para sa dalagang noon pa pala niya minamahal?
Romance
1071.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
It started from the Vaccination Site

It started from the Vaccination Site

iirxsh
Lei Kali Angeles, isa siyang barista sa isang Milk Tea Shop. Dahil sa pandemic, nagbawas ng tao ang kanyang pinapasukan na shop. Ngunit, sa mga nagdaan na buwan, unti-unti itong bumalik, at isa siya sa mapalad na tinawagan ng kanyang employer para muling magtrabaho. Pero tila ang kasiyahan niya nang matanggap ang balitang iyon ay kaakibat ng isang negatibong balita. Naging mandatory ang pagpapa-vaccine ng mga tao. Paano na kaya siya ngayon? Kung isa pa naman sa kinakatakutan niya ay ang magpa-inject. Sa pagkakataon kaya na iyon, handa na siyang harapin ang kanyang takot? O mananatili siyang tatalikuran iyon katulad kung paano niya hindi hinarap ang mga kakulangan sa kanyang pagkatao dahil sa iyon ang kinalakihan niya sa kanyang ina? Maging daan kaya ang mandatory vaccine, para tuluyan na niyang harapin ang kanyang mga takot na matagal at palagi niyang tinatalikuran?
Romance
2.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Florist In Dangwa

The Florist In Dangwa

MissJAM
Bata pa lang ay namulat na si Alie sa kahirapan ng buhay. Naiwan sa pangangalaga niya ang kapatid na may kapansanan dahil maagang nawala ang Tatay niya at iniwan naman sila ng Nanay niya para sumama sa mayamang lalaki. Hindi niya gustong lahatin pero ang tingin ng mga mayayaman lahat ay naaareglo ng pera. Kaya naman ng magdalaga at magka-isip ay galit na siya sa mga nakakaangat sa buhay at wala siyang balak makipagmabutihan sa mga ito. Pero dumating si Erwann Vallejo para ipamukha sa kanya na hindi lahat ng mayaman ay ganoon. Tanggap nito kung ano siya at ganoon rin ang kapatid niya. He has everything and he's willing to give it to her. But one unfortunate event will ruin her life and what they have.
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

THE DANGEROUS WOMAN: BLACK STONE SIRIES 1

Isang babaeng kinatatakokotan ng kahit sinong tao na makabangga niya dahil sa angking galing nito sa pakikipagtunggali--- Nathalie Collins. Isang mahusay na NBI Agent, dahil lahat ng misyong ibinibigay sa kaniyan ay walang kahirap-hirap niyang nalutas. Ngunit sa kaniyang puso ay nakapaloob ang lungkot at paghihiganti upang mabigyan ng katarungan ang mga magulang na basta na lang pinatay ng taong hindi niya kilala. Sa patuloy niyang paghahanap sa mga kriminal na pumaslang sa pamilya niya, ay unti-unti namang lumalambot ang puso niya sa babaero niyang boss na si Frank Smith. Para sa kanya ay kailangan niyang sumipilin ang kaniyang puso lalo na at alam ni Natalie na sa bandang huli ay siya pa rin ang uuwing luhaan. Ngunit hanggang kailan niya kayang paglabanan ang pag-ibig na nadarama para kay Frank? At may pag-asa pa kayang makamit ng mga magulang ni Natalie ang hustisyang nararapat para sa pamilya?
Romance
1016.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
Romance
9.625.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

Handa si Sophia Grant na gawin ang lahat para maisalba ang kasal niya kay Julian—kahit pa unti-unti na itong lumalamig at tila ba nahuhulog na sa bitag ng magandang empleyado nitong si Vanessa. At ngayong may baby na sila, mas lalo siyang kumapit. Umaasa. Nagsusumamo. Pero habang lalong nabubunyag ang mga kasinungalingan at pagtataksil, unti-unting bumukas ang mga mata ni Sophia sa katotohanang ayaw niyang tanggapin—na minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wasak ang puso. Luhaan. Napahiya. Sophia chose to walk away… dala-dala lang ang mga sugat ng kahapon at ang pangakong babangon muli. Sa pagkakataong ‘to, hindi para kay Julian. Kundi para sa sarili niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na magbabalik siya—mas matapang, mas malakas… at handang ipaglaban ang respeto at hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya.
Romance
14.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
508 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3233343536
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status