Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)

Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)

Handang isakripisyo ni Agathe Clementine Capucine ang lahat para sa kanyang ina. Napilitan siyang makipagkasundo kay Gunther Percival Silvestri, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya na namuno sa Stonewood City sa loob ng maraming siglo, dahil nasa panganib ang buhay niya at ng kanyang ina. Maliban sa pagpapagamot ng kanyang ina at maligtas ang kanyang buhay, inisip niya kung ano pa ang maaaring mangyari. Hindi niya inaasahan, gayunpaman, na sa gabing iyon, siya ay ikakasal kay Gunther at magpapanggap bilang kanyang tapat na asawa habang pumipirma ng kontrata para gawing pormal ang kanilang pagsasama. Nag umpisang maguluhan si Agathe habang lumilipas ang mga buwan. Nakikipaglaro pa ba siya, o nakahanap na ba ng paraan si Gunther para makuha ang wasak na puso niya?
Romance
502 viewsOngoing
Read
Add to library
The Desperate Deal with Sandro Escalera

The Desperate Deal with Sandro Escalera

Habang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
Romance
10434 viewsOngoing
Read
Add to library
The Hired Mother

The Hired Mother

Late Bloomer
Dahil sa matinding pangangailangan ng pera ay tinanggap ni Amber ang alok sa kanya kapalit ng malaking halaga para operasyon ng tatay niya. Anak lamang ang gusto ng kliyente niya at hindi asawa na sakto naman para sa kanya dahil hindi pa siya pwedeng mag-asawa dahil wala pang ibang makakatulong sa kanyang pamilya kundi siya lang.Ngunit nagbago ang lahat nang makita niya ng personal ang kliyente niya. Isang kaakit-akit at napakalakas ng dating. Makatakas kaya siya sa karisma nito? Pagkatapos niyang bigyan ito ng magiging tagapagmana nito?
Romance
4.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10365 viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband is a Mafia King

My Husband is a Mafia King

Si Ace Luther ay kilala bilang isang hamak na driver lamang na nagpapanggap para takasan ang magulong mundo na tunay niyang pinanggalingan. Napangasawa niya ang isa sa babaeng anak ng mayamang pamilya ng mga Lazarus. Inaapak-apakan, kinamumuhian siya dahil sa kaniyang estado sa buhay at higit sa lahat ay pinipilit na sila ay paghiwalayin ng kaniyang asawa ngunit dumating ang araw na biglang may isang pumutok na katotohanan tungkol sa kaniyang pagkatao na siya rin ang ginawa niyang daan para paluhurin at paiyakin ng dugo ang mga taong nagpahirap sa kaniyang buhay.
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?
Mafia
649 viewsOngoing
Read
Add to library
My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)

My Fiance's Daddy Saves Me (R18+)

Warning: Mature Content‼️ Estudyante sa umaga, waitress sa gabi.Iyan ang buhay ni Emily. Lumaki siyang kulang sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.Kailangan niyang magtrabaho para sa sarili upang matustusan ang kangyang pag-aaral sa kolehiyo. Hanggang sa inalok siya ng kasal ng kanyang mayamang boyfriend.Na nakilala lang niya sa bar na pinagtrabahuan niya. Akala niya makatakas na siya sa hirap ng buhay na dinanas niya sa sarili niyang pamilya.Ngunit higit pala ang maranasan niya sa mansiyon ng kanyang fiancé. Si Ethan Castillo- Her fiance's daddy.A cold hearted man and arrogant billionaire.Ngunit hindi niya maitanggi ang taglay nitong kakisigan. Hindi lang sa hamon ng buhay ang nagpapahirap sa kanya sa puder ng fiancé niya Pati na din ang puso niyang unti-unting nahuhulog sa daddy ng lalaking papakasalan niya. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang bawal na pagmamahal? Kaya niya bang iwan ang fiancé niya para sa daddy nito?
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Day I Fell In Love With You

The Day I Fell In Love With You

KAAWAY. Isang salita na sa bokabularyo ni Rajinah ay siyang naglalarawan sa isang taong wala nang ginawa kung hindi ang painitin ang ulo niya—si Kenzo Martinez. Para bang hindi magiging buo ang araw kapag hindi siya nito naasar. Isang araw, nagulat na lang ang dalaga sa kakaibang damdamin na sumibol sa kanyang dibdib para sa binata na ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magiging espesyal para sa kanya. That drastic changed happened when Kenzo suddenly showed the other side of him which was sweet, caring and genuinely tender. But she should not be confused, right? Her heart already belonged to another man. A man that she cherished in her heart for years now. A man who she thought was the total opposite of Kenzo. Pero bakit isang halik lang ni Kenzo ay nanlambot na kaagad ang tuhod niya at natunaw kaagad ang resolba niya na panghabang-buhay itong ituturing na kaaway?
Romance
550 viewsOngoing
Read
Add to library
Daddy's Naughty Girl

Daddy's Naughty Girl

Babala: Para sa mga 18+ pataas lamang. Tampok ang mga bawal at erotica na may agwat sa edad. Ito ay isang erotikong kahon na naglalaman ng labindalawang kwento ng hindi mapaglabanan na sigla, sigla, saya, at malaswang kwento. Kung wala ka pang labingwalong taong gulang, hindi para sa iyo ang librong ito. Maghanda kang maintriga. Makaramdam. Magkasala.
Romance
59 viewsOngoing
Read
Add to library
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
Romance
9.2349.0K viewsCompleted
Show Reviews (29)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Ms A Hindi PABA mag end ito...naghiwalay nmn na Sila tpos nagbalikan tapos ngayun magulo ulit??? nakakalito Po Ang nangyayari kung ano ba tlga Ang gusto ni loui Kay Zia..Hindi na matatawag na oagmamahal ung ginagawa niya...pra sa akin mas maganda naghiwalay na Sila at mag end nlng sana
Jerrlan24
Ang asim sa sikmura ng kwento ni loue at zia pero mas naka2bwisit yung lalaki makasarili ayaw palayain ang asawa dahil ayaw mapunta sa iba pero hindi tinatrato ng maayos si zia nman di niya na dw mahal pero pumayag ulit siya makasal dahil need niya pera ni loue. maganda ang story mabubwisit ka lang
Read All Reviews
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status