Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

MaidenRose7
("You belong to me, okay? Once you think about someone else, you'll be punish!" - lord Stan Elthen Indelcio.) Si Stan Elthen Indelcio ay walang oras para sa pag-ibig dahil tanging paghihiganti lang ang nasa isip niya, hanggang sa nakilala niya ang isang magandang gangster chic na nagdala ng parehong liwanag at dilim sa parehong mundong ginagalawan niya. Gagawin niya ang lahat para lang mapasakamay ang sutil na dalaga. Hindi sigurado si Haidei tungkol sa mga motibo ni Stan nang kunin siya nito mula sa sariling grupong Ruffian upang magtrabaho bilang isa sa miyembro ng kanyang gang na Stygian. Ginawa ni Stan ang lahat para kumbinsihin si Haidei na mahal niya talaga ito pero isang hamak na playboy college student lang talaga ang tingin nito sakanya. Ang gusto lang gawin ni Haidei ay alagaan ang kanyang grupo, kaya napunta siya sa deal na panghabambuhay para sa mga gastusin at kaligtasan ng kanyang grupo, sinusunggaban niya agad ang pagkakataon. Hindi niya alam na ang pakikipagkasundo kay Stan ay isang kulungang imposibleng takasan. Unti-unting napawi ang kanyang ngiti, at ang kanyang tawa ay nalulusaw hanggang sa ang natitira na lang ay ang sirang puppet sa impyerno na nilikha ng kanyang personal na hangarin. Si Stan Elthen Indelcio, ang pinuno ng Stygian Beast, ay tumayong mag-isa para hanapin ang humamak sa Ina nito. Brutal, walang awa, at mapanganib, si Stan ay kinatatakutan ng lahat - maging ng mga halimaw na naglalayong patayin ang kanyang kaluluwa. The instant Stan notice what's happening, he took her under his wings, and even though he's all sharp edges and has threatening screams, she feel safe with him. Kung ang kaligtasan niya ay kapahamakan ni Stan? Ano ang gagawin niya? Hayaang mapahamak si Stan para sa kalayaan niya?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1019.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires

Ako si Martin Del Rivas. Ang mga tao sa labas ay nakikita ako bilang perpektong senador, ang presidente sa hinaharap, ang bachelor na kinakikiligan ng bansa. Ang mga ngiti nila, ang pagpupuri sa akin… lahat ay pekeng salamin. Sa loob, ako ay umiiyak sa dilim na hindi nila nakikita, umiiyak sa pagkawala na hindi nila mauunawaan. Hindi nila alam na may isang pintuan sa mansion ko na hindi dapat buksan. At may isang babae akong sinasambit sa bawat gabi,na hindi lamang alaala ng trahedya, kundi dahilan ng lahat ng aking galit. Si Savanna ang naging pugad ng aking pagkawasak, ang sentro ng bawat galit , bawat obsesyon na hindi ko matakasan. Hindi ko siya kinuha dahil gusto ko. Kinuha ko siya dahil kailangan kong itama ang mundo na pinabayaan niya at sa bawat araw na siya ay nakadapa sa harap ko, bawat luha na hindi niya dapat ipapakita, lalo akong nagiging alipin ng sarili kong galit. Akala niya libreng buhay ang kanyang makakamtan sa mansion ko. Akala niya kalayaan ang makikita niya sa bawat galaw ko. Pero mali siya. Ako ang may hawak, hindi lang ng katawan niya, kundi pati ng kanyang hininga, ng bawat takot at galit na sinusupil niya sa loob. At kahit nararamdaman ko ang pagbabago sa puso ko, kahit ang galit ay nagiging pangungulila, alam kong hindi ko siya kayang bitawan. Hindi ko siya kayang talikuran. Siya ang dahilan ng aking pagkawasak, at siya rin ang dahilan ng aking pagbangon. At sa bawat gabing ako ay mag isa, habang iniisip ang mga nagdaang trahedya, naiintindihan ko na ang laban na ito, ang pagmamahal at poot, ang obsesyon at pagkawasak ay hindi matatapos. Hindi kailanman. Sapagkat sa kanya ko naramdaman ang ganap na kontrol, at sa kanya ko rin naramdaman ang ganap na kawalan ng kapangyarihan.
Romance
1062 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
456789
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status