Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?
Romance
9.939.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Make Him Better in 370 Days

Make Him Better in 370 Days

Line_Evanss
Jaxon Rayleigh Laxamana ay isa sa tinaguriang hottest and powerful bachelor sa bansa. Matalinong businessman, misteryoso, at kilala rin bilang isang magaling na engineer sa loob at labas ng bansa. Ngunit isang malagim na trahedya ang makakapagpabago sa kanyang buhay. Siya ay naparalisa, naging mahina at itinago ng kanyang pamilya sa loob ng mansyon upang ilihim sa lahat ang nangyari dahil lubos na makakaapekto sa mga taong nasasakupan niya at sa kanyang career. Shantal Alleiah Magnayon, ay isang fresh graduate criminology student at kilala din sa larangan ng taekwondo dahil sa mga napanalo niyang medalya sa labas ng bansa. Akala niya ay magkakaroon siya ng normal na buhay at trabaho sa oras na siya ay nakapagtapos. Ngunit kakaibang trabaho ang ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin na isang higher official. Papasok siya bilang private nurse ni Jaxon Laxamana at tutulungan niya itong gumaling sa loob ng 370 days. Dahil kapag hindi nagawa iyon ni Shantal, ay tuluyan nang mawawala kay Jaxon ang lahat. Ang kanyang kayamanan, tauhan at kapangyarihan. Ano kaya ang matutuklasan ni Shantal sa misteryosong nangyari kay Jaxon kung bakit ito naparalisa at nawalan ng kridibilidad. Paano matutulungan ni Shantal si Jaxon para makabalik sa dating sitwasyon ang binata? Will she able to help Jaxon and retrieve all his wealth and strengths or she will fail him? Will she be able to make him better in 370 days?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1027.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Dandelion Nights

Dandelion Nights

sachtych
Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Naisip niya na maling landas na ata ang tinatahak niya dahil wala na siyang maisulat na kahit anong eksena sa mga istorya niya. Bukod pa rito ay patong-patong na din ang gusto niyang gawin sa buhay para kumita ng pera pero kulang naman sa kanya ang bente kwatro oras. Ngunit nagbago ang lahat ng subukan niyang maghanap ng makakausa sa isang sikat na website na nagagamit niya noon pa. Makakakuha nga ba siya ng inspirasyon sa taong makakausap niya o hahantong lang ang lahat sa pagkabigo at galit para sa taong minsan ay nagpakilig sa kanya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Living With The Billionaire

Living With The Billionaire

Isang linggo bago ang kasal ni Sandra, nagdesisyon siyang sulitin ang pagiging dalaga kaya uminom siya sa isang bar. Sinabi niya sa fiancé na sunduin siya sa isang hotel room dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Ngunit dahil sa kalasingan, maling silid ang napasok ni Sandra. Isang lalaki ang nandoon sa kwarto at inakala niyang ito ang kanyang fiancé, dahilan upang ibigay niya ang katawan sa lalaki. Kinaumagahan, nagising si Sandra, gulat na gulat ito nang makitang hindi ang fiancé ang kanyang katabi. Mas lalo siyang nagulantang nang maaktohan siya ng fiancé sa loob ng silid na iyon, kasama ang ibang lalaki na tanging kumot lang ang nakatakip sa kapwa hubad na katawan.
Romance
1068.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1035.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
Romance
1010.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to the Prominent Family's Adopted Son

Married to the Prominent Family's Adopted Son

Arranged-marriage sa isang kilalang angkan sa bansa, ang mga Lopelion. Ngunit sa halip na matuwa ay nadismaya pa si Luna Fajardo nang makasal sa huwad na Lopelion. Si Marcus, ang adopted son ng pamilya. Isang warden prison, hindi tanyag at walang pangalan sa lipunan. Sa paanong paraan mapapakinabangan ng pamilya niya ang isang ampon? May mabuti bang maidudulot ang pagpapakasal niya rito? O, kamalasan lamang ang hatid nito sa pamilya at buhay niya?
Urban
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE SEX CONTRACT 2: ANNA AND JARED

THE SEX CONTRACT 2: ANNA AND JARED

"Walang magmamahal sa 'yo, Anna!" 3 sa pamilya ni Jared Mendez, kabilang ang pinakamamahal nitong ina ang namatay dahil sa isang pagkakamali ni Anna, ten years ago. Ang galit na yon, dinala ni Jared sa matagal na panahon. Kaya nang makakita ito ng pagkakataong gumanti sa kanya, inakala niya na buhay niya ang hihinging kapalit.  Pero hindi. "Be my bedmate if you want to save Catherine’s life. I will shoulder her medical bills and your organization will be funded." Kapit sa patalim, tinanggap niya ang offer at inangkin siya ni Jared sa ibabaw mismo ng table nito. Hindi lang yon, isinama siya nito pabalik sa bayan nila sa San Luis kung saan maraming tao ang  nagtatangka sa buhay niya. Sabagay, ano ba ang inaasahan niya sa lalaking nagpayaman nang husto para lang gawing miserable ang kanyang buhay? ************* Simula't sapul, pangit ang reputasyon ni Anna, alam yon ni Jared. Baliw lang ang lalaking gugustuhin ito dahil mas malala pa yon sa suicide. She's a ruthless seducer, a killer and the Lady Boss of an organized crime syndicate. Pero bakit sa kabila ng lahat, wala siyang ibang pinangarap sa gitna ng kama niya at makakasama sa  buhay niya kundi si Anna? Posible bang sa kabila ng matinding galit, ang totoo ay mahal niya ito gaya nang pagkabaliw niya dito noon? May lugar ba ang pagpapatawad sa mga taong nahubuhay sa matinding galit, kawalang pag asa at paghihiganti?
Romance
107.7K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1018.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status