Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
425 viewsCompleted
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Chosen One

The Chosen One

Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?
Paranormal
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Surrendering to the Billionaire's Seduction

Surrendering to the Billionaire's Seduction

Si Lev Lawson Valdemar ay walang habag o awa sa mga nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, isang babae ang tumagos sa kanyang malamig na puso. Ngunit isang babae ang nagpapabaliw sa kaniya- si Clementine Lecaroz. Makakahanap kaya sila ng tunay na kaligayahan at pagmamahal sa isa't isa? O masisira nila ang buhay ng isa't isa? Ito ba ay tadhana na nagmula sa langit—o impiyerno—para sa sa kanilang dalawa?
Romance
1024.5K viewsCompleted
Read
Add to library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vampire who will fall inlove with me

The Vampire who will fall inlove with me

Iam Sorowenpein
Habang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat ang buong katawan at may pana pang nakabaon sa likudan nito. Dahil sa pagtulong ni Erinn, ay di niya akalain na mapapaloob siya sa isang ugnayan na ang tanging makakapagpasawalang bisa lang ay kamatayan. Magiging obligasyon ni Volt na protektahan si Erinn hanggang sa pinakadulo ng buhay nito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya.
LGBTQ+
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1026.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status