Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiding the Engineer's Twins

Hiding the Engineer's Twins

Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier that she's pregnant. Labis ang kabang nararamdaman niya noong araw na iyon. Maayos pa ang pag-uusap nila noong una pero nang isingit na ni Elara ang tungkol sa dinadala niya ay labis itong ikinagulat ni Xzavier. Pero sa kabilang dako ay sobrang ikinatuwa ni Xzavier ang sinabi ni Elara. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang kaniyang ina. Ito ang dahilan kung bakit niya nasabi ang hindi niya dapat sabihin. At dahil nga sa sinabi ni Xzavier ay labis na nasaktan si Elara kaya napagdesisyonan niyang magpakalayo-layo at buhayin na lang mag-isa ang bata. Sa paglipas ng panahon ay paano na lang kung ang anak niya na mismo ang humiling na gusto nitong makita at makilala ang kanilang ama? Itutuloy pa ba ni Elara ang pagtatago sa kanila o gagawin na lang niya ang kagustuhan ng anak alang-alang sa kaligayan nila?
Romance
108.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HER SECRETLY STONGER HUSBAND

HER SECRETLY STONGER HUSBAND

RRA
Hindi alam ni Veronica Atienza, kung saan napulot ng kanyang ama ang isang lalaking nagpakilalang Samson Pelaes, pilit silang ipinakasal at naging asawa nga niya ito, nagkalayo sila dahil nadistino si Veronica bilang isang police woman sa malayong lugar, upang lutasin ang isang kaso tungkol sa isang sindikato, hindi niya alam na involve rin ang asawa niyang inaapi ng lahat, basura, hampas lupa, at kung ano-anong mababang salita ang tinamo nito sa kanyang pamilya, ngunit nanatili ito sa kanyang tabi, kaya naman hindi niya namamalayan na ang dating galit at inis para sa mahirap na asawa ay naging pag-ibig, lingid sa kaalaman ng lahat na anak pala ito ng pinakamayamang tao sa Europe, sa bansang France ito lumaki at nagka-isip. At hindi niya alam na ang lalong ikagugulat niya ay ang espesyal at naiiba pang katangian ng kanyang asawa, ang lakas nito na hindi matatawaran, kaya nabansagang si Samson. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng lahat kung sa muli nilang pagkikita matapos ang limang taon ay babalik itong napakayaman na at hindi na nila masasaling pa? Maghihiganti ba ito? O pag-ibig ang paiiralin?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Conrad Lexus Farris. All he wanted is to skip his toxic life away from the city for a while. Dawn Zelena Augustino. All she wanted is to finish her studies and find a great job to achieve her dreams in life. But when their paths crossed, kapwa nagulo ang payapa nilang buhay. Hindi man maganda ang una nilang pagtatagpo, naging daan naman iyon upang makilala nila ang isa't-isa. But the summer that made their heart extremely happy, was also the summer that made their heart empty. Akala ni Dawn, kaya niyang ibaon sa limot ang lahat. Ngunit paano niya magagawa iyon gayung sa init na kanilang pinagsaluhan, may nabuong sanggol na mag-uugnay sa kanila ng lalaking bigla na lamang siyang iniwan sa ere at naglaho na parang bula? At sa di inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Yun nga lang, hindi siya nito kilala. Malamig at arogante ito makitungo sa kanya na parang hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal niya limang taon na ang nakararaan. Ayaw niya na sanang ipaalala ang masaya at mapusok na pinagsaluhan nila noon. Ayaw niya sanang umeksena sa buhay nito lalo pa't nalalapit na itong ikasal sa ibang babae. Kaso nang makita ni Conrad ang anak niya, di maipagkakaila na parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. At ang masaklap pa nito, ang bata mismo ang umamin sa lalaki. "You're my dad right? Mama has many photos of you together and told me a lot of stories about you!" Connor screamed in excitement. Napaawang si Conrad at di makapaniwala sa natuklasan! At nang magtama ang mata nila ng lalaki, alam ni Zele na ito na ang magiging simula ng kalbaryo niya.
Romance
1022.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS

IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS

ImaginationNiAte
She was rich, gorgeous and perfectly amiable. She has a bright and bubbly personality. She's Aeliana Hiraya and everyone calls her señorita. Pinagkasundo siyang ipakasal ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, subalit hindi siya sumipot sa araw ng kasal. She's not stupid, so why would she show up on the wedding day and marry the man she doesn't love? She ran away, kahit pa na magalit sa kanya ang daddy niya. Her father's bodyguards chased her, and tried to bring her back to their Hacienda. She hid herself in a car to escape from those bodyguards. But something unexpected happens. Sa gulat ni Aeliana ay hindi niya akalain na meron din palang nakasakay sa kotse na 'yon at gumagawa ng kababalaghan. She didn't expect to see and meet three charming, fine-looking, hunky and drop-dead gorgeous men na kapwa mga nakahubad. Ang Hellion Triplets. The triplets who are sexually attracted in her eyes. The Triplets who fell in love with her at first sight and now they want to win her heart. Dahil bata pa lang silang tatlo ay may ipinangako na sila sa isa't-isa, and that is to share. Hindi sila maramot, handa nilang tatlo na paghatian ang atensyon at pagmamahal niya. They have no other wish but to get Aeliana, the gorgeous girl who makes their hearts go crazy and they want her in their arms. She is only for the Hellion Triplets. They will give everything or anything to her, and love her no matter who she is. Is she ready to have and enter into a polyandrous relationship? Handa nga rin ba si Aeliana na papasukin sa buhay niya ang Triplets na sabay na kumakatok sa puso niya? Ang Triplets na walang ibang nais kundi ang mahalin at maangkin siya?
Romance
995 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge  04-2nd Gen)

Desiring Multibillionaire's Daughter (ZL Lounge 04-2nd Gen)

At first, akala ni Callen Moore, natutuwa lang siya sa dalagang si Asia Jade Del Franco dahil sa lantarang pagpapahiwatig nang nararamdaman nito sa kaibigang si Astin. Hindi pala. Nasasaktan pala siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa dalaga. At nasasaktan na siya sa paulit-ulit na pag-reject ni Astin dito. How he wish na sa kanya na lang nito ibaling ang pag-ibig nito. Dahil sa kabiguan kay Astin, ibinaling ni Asia ang tingin niya sa iniidolong author, kay Ismael. Napag-alaman niyang maliban sa magaling na manunulat, isa itong adonis. Wala siyang pinapalipas na libro nito sa merkado. Kaya mula sa pagkagusto, nauwi iyon sa obsession na makita ito. Ni hindi na nga niya pinapansin ang pagpapahaging sa kanya ni Callen tungkol sa nararamdaman nito, kahit na lagi itong sumusulpot sa tuwing kailangan niya nang karamay. At kung kailan naman nakukuha na ni Callen ang atensyon ni Asia, saka naman na nagpakita si Ismael sa kanya. Tunay nga ang bali-balitang isa itong adonis. Kaya binalewala niya nang tuluyan ang umuusbong na pagkagusto kay Callen. Pero hindi akalain ni Asia na may tinatagong lihim si Ismael. Ano kaya ang gagawin niya oras na matuklasan iyon? Mabibigo na naman ba siya sa pag-ibig?
Romance
1024.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
HIRAYA The Blind Lady

HIRAYA The Blind Lady

Chelsea Lee Winchester
BLURB HIRAYA THE BLIND LADY “Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, mahal kita mula noon hanggang ngayon at mamahalin pa magpakailan man!” Hindi makapaniwala si Haya sa kanyang mga narinig, kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya iyon inasahan. Si Hiraya o mas kilalang Haya ay ipinanganak na bulag, ngunit ayon sa pagsusuri ng doctor sa kanyang mga mata ay maaari pa siyang makakita. Siya ay lumaki sa orphanage na kung saan nakilala niya ang kambal na sina Gaius at Galen, sila ay anak ng isa sa sponsor ng orphanage, na kung saan lubos na nakatulong kay Haya. Sa kabila ng kanyang kondisyon ay lumaki siyang punung-puno ng pag-asa na makita ang totoong kulay ng mundo at mahanap ang kanyang pinagmulan. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang mamuhay ng normal at matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at tapat. Ano kaya ang gagawin ni Haya kung ang kapalit ng katuparan ng pangarap niyang makakita ay ang kanyang minamahal? Paano kaya matatanggihan ni Haya ang taong lubos na tumulong sa kanya na magkaroon ng bagong buhay mula sa isang desisyon na kailangan niyang panindigan habambuhay? Paano rin kaya niya tatanggapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pinagmulan?
Romance
2.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10492 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Fiancé's Brother Is The Father Of My Child

My Fiancé's Brother Is The Father Of My Child

Sa mata ng lahat, parating pinapagalitan ni David si Helena—his ever so "clumsy" secretary. Pero ang hindi nila alam, hindi naman talaga dahil sa trabaho kung bakit siya parating pinapatawag ni David sa opisina. They’re actually fuck buddies, and Helena doesn’t mind. Kasi kahit bawal, mahal niya si David. Pero isang araw, out of nowhere, sinabi ni David na tapos na sila. Just like that. Wala nang paliwanag, except sa isang bagay na nagpasakit lalo sa puso ni Helena. Ikakasal na siya. At parang hindi pa sapat ‘yon, nalaman ng mommy ni David ang tungkol sa kanila, at kinuha lahat ng meron si Helena. Ang bahay na bigay ni David? Wala na. Ang stability niya? Wala na rin. So wala siyang choice kundi lumayo at kalimutan ang lahat. Pero paano niya kakalimutan kung may iniwan sa kanya si David? She’s pregnant. Years later, nakabangon na rin siya, ready na to start fresh with a man na tanggap siya at ang anak niya. Pero ang plot twist? Ang fiancé niya… half-brother ni David! Anong gagawin niya ngayong muli silang pinagtagpo ng lalaking pilit niyang tinatakasan? Is this fate… or just another heartbreak waiting to happen?
Romance
314 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10363 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1718192021
...
28
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status