Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Personal Maid

His Personal Maid

MAHIRAP ang buhay kaya't ang ulilang lubos na si Karina ay handang magtiis na manirahan sa kaniyang tiya kahit madalas siyang pagmalupitan nito. Ang tiya niya mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho upang mag waitress sa isang bar na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Sa edad na dalawampo, natuto na si Karina na maging malakas para sa kaniyang sarili dahil wala naman itong maaasahan bukod sa kanyang sarili lamang. Bata pa lang ay hindi na ito namulat sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay tila hinahanap niya pa rin. Pagmamahal na hindi maibigay ng kanyang Tiya Alicia at kahit ng mga kaibigan nito sa bar. Isang araw, sa kanyang pagtatrabaho sa bar ay isang bagong customer ang nagligtas sa kanya mula sa isang bastos na lalaki. Nagpakilala ito bilang si Winston Miller gamit ang binigay niyang business card. Naging interisado sa kanya ang binata dahil nakikita nitong pursigido ang dalaga sa kanyang trabaho at halatang kailangang-kailangan ng dalaga ng pera, bukod doon ay may kung anong malakas na enerhiya siyang naramdaman sa dalaga. He asked her to be his personal maid. Iyon ang usapan nila. Sa laki ng halagang in-offer ni Winston ay hindi na nakapag-hindi pa si Karina. Tinanggap niya agad ito. Iniwan niya ang kanyang tiya na naghihimutok sa galit.
Romance
9.7360.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont

Naging ampon ang isang batang babae nang dahil sa mapaminsalang plane crash. Gayundin, ang isang lalaki na babago sa buhay niya.Sa kasamaang palad, kasalanan ng tatay ng batang babae kung bakit naulila ang lalaking ito. Eight years old pa lamang siya nang dalhin siya sa Tremont Estate ng lalaking sampung taon ang tanda sa kanya. Akala niya noong una, dinala siya dito ng lalaki dahil sa kabutihang puso nito, hindi niya alam na nandito siya para pagbayarin ng kasalanan ng kanyang ama.Sampung taong inisip ng babaeng ito na may galit sa kanya ang lalaki, dahil mabait at maingat ito sa ibang tao pero masama ito sa kanya... Ipinagbawal sa kanya ng lalaki na tawagin siyang 'kuya'. Kailangan niyang tawagin ang lalaki sa pangalan nito - Siya si Mark Tremont, paulit-ulit niyang sasambitin ang pangalan na Mark Tremont hanggang sa tumatak ito sa kanyang isipan...
Romance
9.7467.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Unwanted Wife (Taglish)

Unwanted Wife (Taglish)

"Kasal kana Thunder!" malakas na sigaw ko rito at kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha. "Shut up, you bitch! Ano ngayon kung kasal na tayo? Sa tingin mo magbabago ang pakikitungo ko sayo? Huwag kang umasa Jewel! Kasal lang tayo sa papel, dala mo lang ang apelyido ko pero hindi mo ako pag mamay ari at kahit kailan ay hindi kita mamahalin! Itaga mo 'yan sa isip mo!" sigaw niya sabay alis. Bilang asawa ng lalaking pinakamamahal niya ng lubos, hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin? Palagi niyang itinatanong sa kanyang sarili ang bagay na 'yon, pilit hinahanap ang tamang sagot, ngunit sa huli siya ay pikit matang iiling, itatabi ang katotohanan at patuloy na uunahin ang pagmamahal para sa kanyang asawa. Para sa lalaking kailanman ay hindi niya nakikitaan ng pagmamahal sa kanya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag ibig? Hanggang kailan niya kayang magtiis at lumabang mag isa? Hanggang kailan niya ilalaban ang isang laro na pilit pinapatalo ng taong mahal niya? Jewel Dawson, nag iisang anak at tagapagmana ng pamilyang Dawson, nakatakda na maging asawa ni Thunder Alcantara na nanggaling din sa mayaman na pamilya. Isang taong pagdurusa. Isang taong sakit. Isang taong pagiging miserable. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pagmamahal?
Romance
9.8333.7K viewsCompleted
Read
Add to library
ONE NIGHT STAND WITH THE CEO

ONE NIGHT STAND WITH THE CEO

Maxine Ysabell De Lara.Nag-iisang babae sa angkan ng mga De Lara. Itinururing siya ng mga itong 'A gift of God'. Lumaki siyang sinusunod ang kaniyang magulang at kailanman hindi siya sumuway sakanila. Subalit, dumating ang gabing nagpagabo sa buhay niya. Roswell Dylan Montefalco. The Most Successful Young Businessman. Business Tycoon. And Workaholic. May iisang babaeng minahal. Si Fhreaya Flores. Ang babaeng inalok niya ng kasal, ngunit iniwan siya sa ere. Dahil sa labis na pagmamahal sa dalaga. Napagkamalan niya nasi Maxine De Lara ang babaeng bumigo at nang-iwan sakanya. Pinilit niyang makatalik at buntisin ito 'nang sa ganon ay hindi na siya nito iwan. And he got her virginity. Tatlong taon siyang hindi pinatahimik ng konsensiya. Ginawa niya ang lahat para matagpuan ang babae. Ngunit, isang iraw ito mismo ang nag-apply ng trabaho sa kanyang Kompanya. Magagawa kayang pagtagpuin ang kanilang mga puso ng nag-iisa nilang koneksiyon? Magawa kaya ni Maxine na masungkit ang puso ng lalaking may matagal ng minamahal? O kahit anong gawin niya, tingin lang nito ay ina ng anak nila?
Romance
9.5455.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Babies with Wulfric

Babies with Wulfric

Sinalo na yata ni Elizabeth ang lahat ng kamalasan sa mundo nang malaman na ‘matandang makunat’ pala ang papakasalan niya para maisalba ang kompanya ng taong nagpalaki sa kanya. Kaparehong rason kung bakit ipinagpalit siya ng kanyang boyfriend. Galit sa lahat at gustong maghiganti, niyaya ni Elizabeth ang taong nakabangga niya palabas—si Wulfric, na kunin ang kanyang virginity. Wulfric, the gray-eyed sexy beast gave her the experience she wouldn’t forget. Lalo na’t pinabaunan siya nito ng kambal sa kanyang sinapupunan. Secrets, betrayal…she doesn’t have a choice but to seek help from the father of her twins. But only to realize, that Wulf was the man she was running from. Hell, hindi matandang makunat ang pinakasalan niya!******* “A-Are you single, Sir?” Elizabeth asked in a shaky voice. He angled his head and his lips became firmer than it was.“Pop my virginity. I’m giving you my piece of hymen.”“You look fragile. Your eyes are sad.” “M-My boyfriend cheats on me.” Muling nagkumpol ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. That was when Liz saw death in his ash-gray eyes. ——Wulf stared at the twins. “He is our daddy!” they said in unison. Naistatwa siya nang mabilis na tumakbo ang dalawa at yumakap sa kanyang mga binti. Labas ang gilagid na ngiting-ngiti ang batang babae. Nagningning ang mga mata nito nang tumingala sa kanya. “Daddy, we found you!”
Romance
9.8446.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Romance
10414.6K viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6398.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

Siya’y isang mahirap na babaeng lumaking nakadepende ang kanyang buhay sa iba. Napilitang maging isang panakipbutas sa krimen at piniling ipagpalit ang kalayaan na nagresulta sa kanyang pagkabuntis. Siya naman ay ang pinakatanyag na binata na sagana sa kayaman at kapangyarihan. Kumbinsido siyang isa siyang anak ng kasamaan na napalilibutan ng kasakiman at panlilinlang. Hindi siya nito magawang mapainit kaya naman mas pinili niyang umalis sa tabi nito. Galit na galit niyang sinumpa na gagawin niya ang lahat upang mahanap siya saan mang lupalop ng mundo ito naroon. Alam ng buong lungsod ang kanyang kapalarang tila mauupos sa ilang milyong piraso. Nagmamakaawa niyang tinanong, “Umalis ako sa relasyong ito nang walang kinuhang kahit ano, bakit hindi mo pa ako pakawalan?” Sinagot sya nito na may pagmamalaki, “Ninakaw mo ang puso ko at iniluwal ang aking anak, ngayon pipiliin mong umalis?”
Romance
9.8278.8K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Enemy Is My Lover

My Billionaire Enemy Is My Lover

Labis na nagtaka si Seraphina nang bigla siyang mailipat sa ilalim ng pamamahala ng bagong boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi siyang pinapahiya at minamaliit nito. Alam niya sa sarili niyang magaling siya sa trabaho, pero para sa bagong boss niya, isa siyang walang kwenta. Galit sila sa isa’t isa. Ngunit ang matinding galit na iyon ay nagbunga ng isang di-inaasahang pangyayari—isang gabi ng matinding pagnanasa na bumalot sa kanilang dalawa. Matapos ang nangyari, mananatili pa rin ba ang poot sa kanilang mga puso? O ang galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting magliliyab bilang pag-ibig?
Romance
9.9389.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Unexpectedly Her Sperm Donor Is A Billionaire (TAGLISH)

Sa edad na bente-kuwatro ay nakapagpundar na si Zafhara Ziah Cledera ng isang negosyo, ito ay ang Ziah's Flower Shop. Dahil dito ay nagkaroon siya ng stable na income at sa pagsusumikap ay nakapagpatayo na rin siya ng sariling bahay. Isa na lamang ang para sa kaniya ay kulang, ang magkaroon ng isang anak. Naghanap siya ng taong babayaran upang maging sperm donor niya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ay nagkamali siya ng hotel unit na pinasukan. And she saw Braxien Philip Saavedra, a billionaire turn out to be her sperm donor. Anong mangyayari kung sakaling malaman ni Braxien na nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali ni Ziah? Hahayaan ba ni Ziah na makuha na lamang basta ang anak niya? O gagawa siya ng paraan para kapwa nila makasama ang anak?
Romance
9.9286.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status