Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Pinikot Ko Si Ninong Axel

Pinikot Ko Si Ninong Axel

"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
Romance
105.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Chasing The Wife He Threw Away

Chasing The Wife He Threw Away

Akala ni Krystal ang pagmamahalan nila ni Conor ay pangmatagalan na, hanggang sa planuhin ni Valeria, ang nanay ni Conor na sirain ang pagmamahalan nila. Ginamit ni Valeria si Celeste dahil ito ang gusto niyang babae para sa anak niya. Gusto niyang mawasak ang pagmamahalan nilang dalawa ni Conor para magawa niya ang plano niya na maipakasal si Celeste at Conor. Dahil sa sakit ng nangyari, tinago ni Krystal ang anak nila ni Conor, ngunit dahil sa stress ay agad niya itong ipinanganak at sinabi sa kaniya na ito na ay pumanaw. Dahil sa sakit ay tumakbo siya paalis dahil doon ay naaksidente siya at nakalimot. Pitong taon ang lumipas, nagkita silang muli, si Krystal bilang jewelry designer, si Conor na may ari ng isang shop at may anak na. Ngunit dahil sa pagkawala ng kaniyang alaala ang dati niyang pagmamahal kay Conor ay tuluyan na niyang nakalimutan. Muli kaya niyang maibabalik ang alaala na nawala sa kaniya? Paano kung maibalik niya ang alaalang ito? Kakayanin niya kayang dalhin muli ang sakit nito?
Romance
605 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Submissively Innocent

Submissively Innocent

Akihito
"Too bad, you need to learn how to write erotic stories in order to be a part of their collaboration." Pigil ang hininga niya habang unti-unting humahaplos ang kamay ng kanyang boss paakyat sa kanyang balikat. "You want me to help you?" Ash Santillan, a CEO of a publishing company in the country, offered himself to help Yamirah in learning how to write erotic stories. At this juncture of a moment, it is indeed the greatest help and best idea she would accept. Kailanga'ng-kailangan niya ito sa kagustuhan niyang makita ang iniidolong manunulat na siyang kasali sa collaboration series na gagawin nila. Sukdulang naisipan niyang magpaubaya sa gustong gawin ng binatang boss sa kanya. Gusto niyang um-oo, ngunit ni simpleng tango ay hindi niya maibigay sa oras na iyon. Nanatili siya sa posisyon hanggang sa tuluyan nang dumampi ang mainit na hininga ng binata sa sensitibong parte ng kanyang leeg. "Remember all the details that might happen at this very moment, young lady. Be submissive and you will be able to see him. Do you want that?" her 'beyond compare' and god-like employer---that's how she sees him---whispered in a manner that made her thank the world for letting her exist. Isang nag-aalinlanga'ng tango ang pinakawalan niya. "Good." Ngumisi ang binata. "Now, Yamirah, strip."
Romance
105.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One Year Contract with Mafia |SPG|

One Year Contract with Mafia |SPG|

Because of her father’s debt, napilitan si Zia pumayag sa kagustuhan ng pinagkakautangan ng kanyang ama na maging alipin nito sa loob ng isang taon kaya lang ay hindi nito nilinaw kung anong klaseng alipin at iyon pala ay ang pagiging alipin nito sa kama. Wala na siyang nagawa pa kundi ang tiisin na lang ang lahat lalo na at isang taon lang naman ang kasunduan nila at bukod pa doon ay kapalit ng pagtitiis niya doon ay ang pagkakaligtas naman ng buhay ng kanyang ama. One year, just one year. Kahit na ang araw araw ay tila bangungot sa buhay niya. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Astre sa kaniya, unti-unti itong naging malambot at mas naging maingat sa kaniya hanggang sa tuluyan na itong nagtapat na nahuhulog na ito sa kaniya. Nagulat siya noong una dahil maging siya, sa kabila ng pagiging halimaw nito sa kama ay unti-unti na rin siyang nahuhulog dito. Ang akala niya ay magiging masaya sila pero doon pala magsisimula ang pagsubok sa relasyon nila. ...
Romance
101.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sold To The Devil (Tagalog)

Sold To The Devil (Tagalog)

Buong buhay ni Mildred ay isa lamang siyang bayarang babae. Maganda siya't pinagnanasaan ng mga kalalakihan, ngunit kilala siya sa Underground hindi lang sa kaniyang ganda—kundi sa pagiging bayolente niya sa mga lalaking bumibili sa kaniya. Sanay na siya sa madilim na mundong iyon, ngunit kahit anong mangyari, hinding-hindi niya bibitawan ang pangarap na balang araw ay magiging malaya siya. Pero nagbago ang lahat nang bilhin siya ni Zaccheus Gonzales, ang pinaka-makapangyarihang mafia boss sa bansa. Isang lalaking walang konsensya at sanay makuha ang lahat ng gusto niya—at ngayon, iisa lang ang kailangan niya: isang tagapagmana. Unang tingin pa lang, alam na ni Mildred kung anong klaseng lalaki siya. Wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo o kayaman. Ngunit nag-alok si Zaccheus ng isang bagay na hindi niya kayang tanggihan—maging asawa niya at dalhin ang kaniyang anak, kapalit ng kalayaang matagal na niyang pinapangarap. Isang simpleng kontrata, ngunit isang madugong sugal. Sa oras na pirmahan niya ang kasunduan, makukuha kaya niya ang kalayaang hinahangad niya, o tuluyan siyang mabibilanggo sa bisig ng isang demonyong ayaw siyang pakawalan?
Romance
1013.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Maid Ako Ng Amo Ko

Maid Ako Ng Amo Ko

Fara Fabulosa, 21 years old, anak mayaman at nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Fara ay may kulang pa rin sa kanya. Oo napapalibutan nga siya ng maraming magagarang kagamitan, alahas at pera. Ngunit walang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Dahil sa isip niya ay pera lang ang habol sa kanya ng mga lalaking nagkandarapa sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa pilitin na siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit bago mangyari iyon, gumawa na nang paraan si Fara. Tumakas siya sa bahay nila dala ang kaunting damit at perang naitabi niya. Pumasok na katulong si Fara. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang magiging amo niya ay ubod ng strikto at sungit. Siya si Reyman Fernandez, ang lalaking hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin. Ngayon lang siya nakahanap ng lalaking katulad ni Reyman. Paano niya haharapin ang panibagong mundo niya? Makakaya ba ni Fara ang ugali ni Reyman? O baka susuko na lang siya at tuluyan ng magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala. Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata sa buhay ni Fara Fabulosa.
Romance
1048.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER

SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER

Pansamantalang umuwi si Ethan sa Mindanao kung saan siya lumaki upang takasan ang masalimuot niyang buhay pag-ibig sa Maynila. Tuluyan siyang nakipaghiwalay sa long time fiancée niyang si Klarissa nang mahuli niyang may kaniig ang nobya niya sa mismong bahay nito. Nasa beach resort siya habang nagpapalipas ng kaniyang sama ng loob at payapain sana ang kaniyang isipan. Subalit ang inakala niyang makakalimot siya sa pighating nararamdaman ay hindi pa pala. Mas lalong naging magulo ang buhay at isipan niya nang makilala niya si Rose na receptionist supervisor ng kaniyang private resort. Hindi lang iyon dahil sa una at pangalawang pagkukrus ng landas nila ay naging miserable na. Mas lalong kalunos-lunos ang pagtatagpo nila nang malaman niyang si Rose ang anak ng dati niyang foreman na nagtangka sa pera niya at namatay tatlong buwan na ang nakararaan. Ngayon, kailangan din niyang harapin ang dalaga sa kadahilanang kinukuha nito ang karapatan sa insurance money ng yumao nitong ama. Subalit ayaw niyang ipagkaloob ito sa dalaga ng ganoon na lamang at isa lamang ang naisip niya. He offered her to be his woman, his bedmate and shared his savage and lonely nights.
Romance
1017.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Tempting My Billionaire Kuya

Tempting My Billionaire Kuya

Nang mawala ang mga magulang ni Eliana, parang nawala na rin ang buong mundo niya. Pinagtabuyan at tinalikuran siya ng mga taong tinawag niyang pamilya, kaya wala siyang ibang nalapitan kundi si Gabriel Alvarez—ang makapangyarihang billionaire CEO na matagal na niyang lihim na minamahal. Pero para kay Gabriel, isa lang siyang responsibilidad. Isang pangakong iniwan ng kanyang ina. Isang babaeng kahit kailan ay hindi niya dapat angkinin. Ngunit sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nababasag ang malamig na distansiyang pilit niyang binuo sa pagitan nilang dalawa. At habang mas lumalalim ang kanilang pagsasama, mas lalo namang nagiging determinado si Eliana na patunayang hindi lang siya mananatiling isang responsibilidad sa buhay nito. Pero nang tuluyan nang mawalan ng kontrol si Gabriel at mahulog sa bawal nilang relasyon, bumalik ang dating fiancée nito na handang gawin ang lahat para sirain si Eliana. Kasabay niyon ang pagdating ng isang mapanganib na lalaking gustong angkinin si Eliana para lang pabagsakin si Gabriel. Sa mundong puno ng tukso, kapangyarihan, at pagtataksil... hanggang kailan kayang protektahan ni Gabriel ang babaeng hindi niya dapat mahalin?
Romance
65 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
Romance
105.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan. Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama. Kanselado ang kasal. Tinakwil siya ng pamilya. At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon. Buntis siya… Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva. Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya? Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?
Romance
9.8799.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1314151617
...
25
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status