One Night With The Tyrant Mafia
Hindi alam ni Roselle na ang trabahong aapplyan niya ay dadalhin siya sa underworld para ibenta sa mga mayayamang tao, mafia, gangster at sindikato. Nabili ng isang matanda si Roselle pero tumakas siya sa kwarto kung saan siya ikinulong. Sa pagtakas niya ay pumasok siya sa isang kwarto, ang kwarto ni Darius Montemayor. Humingi ng tulong si Roselle kay Darius na iligtas siya. Binili ni Darius sa dobleng halaga si Roselle at dahil nasa ilalim ng droga si Roselle ay siniil niya nang halik si Darius.
Paano kung ang isang gabing pagkakamali ay magbunga? Limang taon ang lumipas simula nang may nangyari sa kanila. Isang araw, dumating na ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Roselle. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya si Darius Montemayor, ang presidente ng kompanya at ama ng kaniyang anak.
Magkakaroon ba ng pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa dahil sa anak nila? Paano kung malaman ng mga ito ang nakaraan ng kaniyang mga pamilya? Will they still love each other or will they kill each other?