A Billionaire's Borrowed Love (Euphoria Series)
Limang taon na ang lumipas mula nang iwan ni Naomi Gonzales ang isla ng Euphoria, kasama ang isang gabing hindi niya kailanman nakalimutan.
Isang gabing puno ng alak, init, at pagkakamaling hindi na niya mababawi.
Ang natira lang sa alaala niya ay: isang skull pendant, isang mabangong amoy ng sandalwood, at ang bunga ng gabing iyon ay isang regalong pinangalanan niyang Sean.
Pinili ni Naomi ang lumayo, magtrabaho at mamuhay ng tahimik para sa anak niya.
Ngunit pagdating ng Pasko, napilitan siyang umuwi sa kanila at harapin ang desisyong matagal nang ipinipilit ng kanyang mga magulang. Para makaiwas, at alam niyang mali, nanghiram siya ng pag-ibig.
Isang lalaking papayag magpanggap bilang perpektong boyfriend.
Dahil hindi sumipot ang taong nirentahan niya, hindi niya inasahang makilala si Tobias Miranda—isang lalaking naghahanap din ng girlfriend para sa sarili niyang dahilan.
Sa mundong binuo sa lihim, kasinungalingan, at pansamantalang kasunduan, unti-unting nalalagay sa alanganin ang puso ni Naomi. Dahil sa pagpasok ni Tobias sa buhay nila, unti-unti ring bumabalik ang isang katotohanang matagal niyang iniiwasan. Ang tunay na ama ng anak niyang si Sean. Si Thaddeus Miranda ang kambal ni Tobias.
Dahil sa Euphoria, walang pag-ibig na simpleng hiniram lang. At may mga taong kahit limang taon na ang lumipas… hindi pa rin handang pakawalan ka.