Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Blooming Season (Russo #1)

Blooming Season (Russo #1)

Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
Romance
935 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
Romance
10217.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Obsessed by the Cruel Billionaire

Obsessed by the Cruel Billionaire

Limang taon ng masidhing pag-ibig ang natapos nang iwan si Victoria ng kaniyang mapapangasawa sa araw ng kanilang kasal, sa kadahilanang magpapakamatay raw ang kababata na halos ilang beses na nitong muntik gawin. Upang makalimutan ang masalimuot na pangyayari ay umalis si Victoria at plano niya sanang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa isang gabing nalasing siya sa hindi pamilyar na lugar ay nagising nalang siyang katabi ang isang lalaking kailanman ay hindi niya nanaising makadaupan man lang ng kanyang palad! Ang nag-iisang kaaway ng kanyang kapatid, si Walter Jace Coleman. Balak niya sanang takasan ang lalaki na hindi nito nalalaman ngunit bigla itong nagising at hinila siya sa paa dahilan upang maglanding ang katawan niya sa ibabaw nito! “Where do you think you`re going kitten? Pagkatapos mo akong halikan kagabi ay hindi mo na ako pananagutan?” Sa araw din na iyon ay nagbago ang ikot ng buhay ni Victoria. Kilala sa buong bansa ang pamilya ni Walter at alam niya kung gaano kalamig at kinakatakutan ang pagkatao nito. At ngayong hawak na siya ng bilyonaryo ay wala na itong planong ibalik siya sa kanyang pamilya. He even spent billion just to buy an ancient town for her. Sa madaling salita ay na-obsessed sa kanya si Walter. May pag-asa pa kaya siyang makawala sa kamay ng bilyonaryo?
Romance
298 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Too Late To Regret, Mr. Billionaire

Too Late To Regret, Mr. Billionaire

“He broke her heart once. Now he’s willing to lose his empire just to win it back.” --- Simula 12 years old pa lang ay minahal na si Talia si Caden Montclair. Kaya nang magkasundo ang kanilang mga pamilya na ipakasal sila sa isa't-isa ay labis-labis ang saya niya. Pero sa loob ng tatlong taon, sikreto silang naging mag-asawa nang hindi nagsasama sa iisang bubong. Bagkus, dalawang beses sa isang buwan ay nagkikita sila ni Caden sa Montclair Villa para punan ang “obligasyon” niya sa asawa at iyon ay maging bed partner nito. Hanggang sa isang araw ay natauhan na lang si Talia. Napagtanto niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya magagawang mahalin pabalik ni Caden. Kaya nang magpunta siya sa mansyon ng mga Montclair ay kinausap niya ang asawa at sinabing, “Caden, let's get divorce.” “You’re willing to give up being Mrs. Montclair that easily?” malamig namang tanong ni Caden. “Yes. I already prepared the documents.” Matapos niyon ay umalis na si Talia at hindi na muling nagpakita pa. Pero makalipas ang ilang taon, ay muli siyang nagbalik bilang isang babaeng may dignidad, puno ng kumpiyansa, at kinikilala sa buong bansa. At ngayon, si Caden Montclair naman ang naghahabol sa kanya at humihingi ng second chance. The man who once ignored her now can’t stop chasing her. But Talia has finally learned something he never did— love without respect isn’t love at all.
Romance
1031.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving you in Contract

Loving you in Contract

Sachi
Si Danielle Tina Fajardo ay ampon ng mga Fajardo. Sa kabila ng masamang pagtrato ng magulang nito sa papel ay nandyan naman si Madam Anna, ang kanyang lola, na mahal na mahal at tanggap siya kaya kung ituring niya ito ay ang kanyang hero. Ngunit isang araw, bigla na lamang ito namatay na nagpaguho sa mundo ni Danielle. Ang taong tumanggap sa kanya, ang taong nagbigay ng pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang nawala. Paano na ito sa kamay ng kanyang masamang magulang? Ngunit sa araw na rin iyon ay halos gumuho ang mundo nito nang makatanggap ito ng kontrata na iniwan sa kanya ng kanyang lola at isa itong Arrange Marriage Contract! Mas gumuho ang mundo nang malaman na ipapakasal pala ito sa kanyang childhood crush na si Aries Florenzo. Ang the most handsome and most wealthiest man in the Philippines! Naging mag-asawa ito ngunit hindi maramdaman ni Danielle ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman kay Aries kaya isa na lang pag-asa niya, ang malaman ni Aries na magkakaanak na sila. Ngunit bago pa niya sabihin ito ay halos madurog ang kanyang puso nang inabot ni Aries ang divorce paper dahil sa pagdating ng kanyang ex-lover, ang totoong mahal niya. Dahil sa bigo at sakit na idinulot ni Aries kay Danielle ay napagpasyahan nitong umalis at magpakalayo-layo ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang lalaki na tutulong sa kanya upang magbago ng tuluyan ang kanyang buhay.
Romance
10793 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Falling for a star

Falling for a star

Si Aliah fate Alcantara ay iniidolo ng lahat sa kan'yang talento sa pagkanta at pag sayaw. Bukod sa panlabas na kagandahan at maganda rin ang ka'yang kalooban na mas lalo siyang nagustuhan ng lahat. Bukod a diyan si Aliah ay matalino, mabait, at para sa kan'yang pamilya ay isa itong Prinsesa. Ngunit ang lahat ng 'yan ay biglang maglalaho sa kan'yang katauhan. Ang dating bituin na kumikinang ay nawalan ningning. May lihim na pagtingin si Aliah kay Kier Gavin Surez ang matalik na kaibigan ng kan'yang nakakatandang kaparid at dahil sa nakilala na niya ito ng lubusan ay minahal na niya ito. Sa kagustuhan niyang maghabol sa binata ng no'ng araw na nakatakdang umalis si Gavin upag magtuno sa America para puntahan ang kasintahan ay napahanak ito dahil nasaktak siya sa mga masasakit na salita na nasabi ni Gavin para sa kan'ya. At dahil sa pangyayaring 'yon ay nagpaka layo-layo si Aliah upang maghilom sa sakit ng nakaraan. Ito naman naman ay labis na pinag sisihan ni Gavin ng malaman ang sinapit ni Aliah ngunit huli na dahil hindi na niya ito nakita pa. Sa muling pagbabalik ni Aliah ay labis ang tuwang nadarama ni Gavin. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya ni Aliah at magawa siya nitong mahalin muli. Maibalik pa kaya ni Gavin ang kinang ng dating bituin na nagniningning na siyang tinitingala, at minahal ng lahat?
Romance
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Marriage is sacred and must be because of love…but in our family it is all about business and connections. I don’t want to get married and the last time that I let cupid in my heart I was left alone, like a girl who lost her favorite doll. Miss Michin. Ang bansag sa pinakamasungit sa mga apo ni Don Leano—si Frederica Liora Leano, panganay sa pamilya at sa mga magpipinsan, strikta, mahigpit, at prangka kung magsalita. Parang walang pagmamahal sa katawan. Matandang dalaga kung umasta at manamit. Hindi gusto na magpakasal, dahil hanggang ngayon ay may mga nakabaon pa ring tinik sa kan’yang puso mula sa nakaraan. Ngunit…sa isang iglap lahat ng iyon ay nawala. Aksidente. Dahil sa isang aksidenteng halik ay magpapakasal siya at kanino? Sa estrangherong hardinero nila na si Noel. Si Noel, palasagot, matapang, at hindi siya inuurungan. Napunta si Frederica sa sitwasyong iniiwasan niya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa buhay na iginuhit na ng kan’yang Lolo. Pero paano kung sa gitna ng pagtakbo niya ay madapa siya sa maiinit na bisig ng kanilang hardinero? Anong mangyayari kung unti-unti na niyang pinapapasok si kupido sa sarado niyang puso? Panibagong sakit? Panibagong tinik? O mas babaon ang tinik ng kan’yang nakaraan? Paano kung sa mga maiinit na bisig ay may madiskubre siyang malamig na katotohanan? Makakatakbo pa kaya ang kan’yang mga paa? O tulad noon ay magiging batang nawalan ng manika?
Romance
10211 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Chasing Aurora

Chasing Aurora

It's unrequited love, Aurora is aware of it kahit pa sa simula pa lamang. Maximilian didn't love her as a woman but just a sister, yes she was adopted by his father Maximus after her parents died. She loves Max so much na kahit nakikita niya kung gaano parin nito kamahal ang nawawala nitong girlfriend na si Angel, she stays with him through his hard times nagbabakasali na masuklian ni Max ang nararamdaman niya. Even gives him her chastity just to prove to him that she really loves him ay bigo parin siya, dahil nang malaman niya na nagdadalang tao siya, ay sakto dumating ang balita na nagpaguho nang mundo niya. Angel was alive! And of course Max left her alone after everything she did for him. But what can she do? She couldn't even confess her love to him because it's already late, at isa pa he's already with the woman he loves. So she decided to leave for good nangako na kakalimutan na niya si Max,she burned her car down and pretended that she has amnesia, change her name just to live normally. But after a year while working at a restaurant someone grabbed her wrist and to her shock it was him. She lied na may amnesia siya para lang umalis na ito. Tinaboy niya ito dahil pakiramdam niya ay naka moved on na siya, but Max returned carrying her three years old son na si Matthias and claiming that he was her fiance and Matthias is their son.! And telling her that he misses her and he loves her so much! "I already moved on Max!" Naninindigan niyang sabi but when Max kisses her pakiramdam niya ay nabuhay ulit ang nakaraan. '.. marupok?.. ' Kailangan niya paring manindigan!
Romance
107.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Touch Me and You're Dead

Touch Me and You're Dead

Simula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siya sa italiano na matanda. Naisip ni Hilda hindi nagba-bound sa dugo at laman ang pagmamahal. Pinili ng ama ni Hilda na ibenta siya— dugo niya at laman para mailigtas ang step sister niya na ni walang isang patak ng dugo galing sa ama niya. Umalis si Hilda at tumakas sa kapalarang inilatag sa kaniya ng sariling ama. Hinanap nito ang kalayaan sa italy. "Saan ba ako nagkamamali?" ani ni Hilda na ngayon ay hawak ang ulo habang nakatitig sa pregnancy test na hawak. She marely survive by little lucky of hers and now— may isa pa siyang buhay na kailangan protektahan. "Hindi nga ako sigurado sino ang tao na nakasama ko sa kwarto." May pagkakautang siya na need bayaran kay Arthur Cage Nicastro kaya tinanggap niya ang mission na bantayan ang anak nito na si Aron Nicastro. But during mission may nangyari na aksidente. Lasing siya 'non at ang huling nakasama niya ay si Aron Nicastro. "Importante ba sino ang ama?" bulong ni Hilda tapos sumandal sa sofa. Walang buhay ang mga mata na tiningnan mabuti ang pregnancy test. "If nag-fail ang mission, nakahanap ako ng opportunity at the end— if gusto ko mabuhay. Kailangan ko ulit tumakas at wala ako balak iwan ang bata na ito. Sino 'man sa dalawang Nicastro ang ama."
Romance
6.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Proxy Bride

The Billionaire's Proxy Bride

Karen Apilado
"You're a virgin?!" sigaw ni Lysander Cuevas saka umalis sa ibabaw niya. Hinilamos nito ang palad sa mukha, trying to absorb everything that just happened. Trying to fully understand how could his wife be a virgin when she's supposed to be pregnant, the very reason of their forced marriage. "Papaano?" tanong ni Lysander at saka pinagmasdan siya na kumuha ng kumot upang takpan ang hubad na katawan. She trembled in fear as she finally looked up to him. "I'm Isabella, the twin sister of Gabriela, your bride." - Pinahid na lamang ni Isabella ang mga luha na lumalandas sa kanyang mga pisngi habang inaalala ang nangyari noong gabing iyon. After that confrontation ay agad na nagdesisyon ang asawa niyang si Lysander na palayasin siya sa mansyon. Ang malupit pa nito ay agad pinaasikaso ni Lysander ang mga papeles para sa legal nilang paghihiwalay, ngunit hindi niya iyon tinanggap. "Señorita Isabella, naghihintay na po ang sasakyan sa labas," sambit ng lalaking nasa likuran niya. It was her grandfathers' assistant. Tumango lamang siya dito, "susunod na ako, salamat." Muling lumingon si Isabella sa mansyon at doon ay namataan ang asawang si Lysander na nakatayo sa balcony at matalim ang tingin sa kanya. Hinihinntay niyang pigilan siya ni Lysander ngunit wala itong ginawa. Sa puntong iyon ay tuluyang tumalikod si Isabella at naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa labas ng malaking gate. She's going home to the Herrera's. She looked at the facade of the mansion where she once lived. "Babalik ako." She whispered. - This is the story of Isabella Herrera-Cuevas, a castaway wife who made her way back to her rightful place, as Lysander Cuevas wife.
Romance
102.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1516171819
...
21
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status