Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
The Missing Piece

The Missing Piece

Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
Romance
109.3K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Aliara: Ang Kaharian

Aliara: Ang Kaharian

Ang babaeng ipaglalaban ang kaniyang karapatan sa mundong tila nilimot na ang kanilang katauhan. Ano ang pipiliin niya? Ang hangaring maitayong muli ang bumagsak nilang kaharian o ang lalaking minamahal niya na nagmula sa dugo ng kaniyang kaaway?
Fantasy
1014.2K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
Sincerely, Elena

Sincerely, Elena

frustrated_writer
Sadyang mapaglaro ang tadhana nang makita ni Elena Payton ang kanyang dating kasintahan na si Dante Gillesania, sa kanyang pinagtratrabahuan. Sampung taon na rin ang nakalipas nang nangako si Dante na babalik muli sa kanyang piling. 'Di Alintana, sa hindi inaasahan pagkakataon, magtatagpo muli ang kanilang landas upang buhayin ang nabaon nang nakaraan. Maibabalik pa kaya ang dating matamis at masayang relasyon nila o tuluyan nang maglalaho ito? Maisasayos pa kaya ang pangakong nasira ng panahon o maitatapon na lang ito sa bulong ng hangin? Maipapahayag pa kaya ang nakalipas na malamyos na pagmamahalang nasira ng wasak na pangako? Ito ang kwento ni Dante at Elena. Naghintay. Nagtiwala. At Nagmahal. Ang dalawang taong tinadhana at ipinagkait ng pagkakataon.
YA/TEEN
2.0K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
The Alpha's Heat

The Alpha's Heat

Yoongdy
Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin. Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong. Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.
Other
1.2K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
The Handsome CEO

The Handsome CEO

Flauvia Darcy
Sweetheart please gumising kana kailangan ka ng dalawa nating anak, at higit din kitang kailangan patawarin mo ako sa lahat-lahat ng nagawa ko sayo, sorry kung hindi ko maamin sayo na mahal na mahal Kita dahil sa ayokong saktan si Allen, Pero hindi ko naisip sa kabila ng lahat ikaw na pala ang aking nasasaktan bigyan mo ako ng pag kakataong bumawi at ipakita sayo at sa mga anak natin na kayo ang buhay ko
Romance
1.7K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Isang Mainit Na Gabi (SSPG)

Isang Mainit Na Gabi (SSPG)

ISANG GABI. ISANG PAGNANASA Siya si Solidad Santos Cutanda, o mas kilalang Sol- 20 years old. Nag-iisang tinaguyod ang nag-iisang kapatid na may sakit sa puso. Dahil sa kahirapan ay kung anu-ano na ang pinasok na trabaho para sa araw-araw na mintinas nang gamot sa kapatid. " Sigurado ka na kaya mo ibinta ang sarili kapalit ang kaligtasan sa kapatid mo, Sol?" "Oo, kahit ang katawan ko kapalit mailigtas ko lamang ang aking kapatid.'' Saan kaya hahantong ang kapalaran ni Solidad? Makakaya kaya niya ang mga hamon sa buhay?
Romance
1031.2K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Beg Me, Professor (TagLish)

Beg Me, Professor (TagLish)

"Good morning, sir," nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang lalaking nakatayo sa harap ng klase-si Zachary Villarreal, ang dati niyang kasintahan. Dahil sa galit para sa kanyang pamilya, bumalik si Atasha sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Amerika. Narinig niya ang tungkol sa paparating na kasal ng kanyang kapatid na babae at hindi niya ito matanggap. Hindi niya matanggap na magiging masaya ang mga taong sumira sa buhay niya—ang buhay ng hindi pa isinisilang na anak. Nais niyang mamuhay silang lahat sa parehong miserableng buhay gaya ng sa kanya. "Magmakaawa ka sa akin, Propesor, habang pinagsisilbihan mo ang aking galit," tatak niya sa kaniyang isip.
Romance
1039.1K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

Warning ⚠️ SPG 🔞 Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa fiancée nitong si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay?
Romance
107.7K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Romance
9.93.5K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.4K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
ANTERIOR
1
...
4344454647
...
50
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status