Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Amber Stories
Ibinenta ni Alathea "Thea" Fermin ang kanyang sarili sa isang secret pornsite para sa operasyon ng kanyang Lola na nagpalaki sa kanya. Isang nagngangalang Elijah Moretti ang nakatalik niya at umangkin sa kanya. Huli na nang nalaman niyang miyembro pala ito ng kinatatakutang Mafia sa bansa.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
Other
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRES HATER

THE BILLIONAIRES HATER

Stallia Iris
Ang tanging gusto lang ni Roief ay makaahon sa kahirapan kaya ginawa niya lahat para makakuha siya ng scholarship sa ibang bansa. Ngunit nasira ang lahat nang tangayin ng kapatid ang lahat ng perang pinag-ipunan niya. Kaya naman sumama siya sa matalik na kaibigan para sakaling mabawi niya sa casino ang perang ninakaw sa kanya ng kapatid. Naging mapaglaro nga lang ang tadhana sa kanya dahil nagising na lang siya isang umaga na hinahabol ng mga di kilalang tao. Ang malala pa ay natuklasan niyang nagdadalang tao siya. Kaya naman halos mabaliw siya kakaisip kung papaanong nagkaroon ng bata sa sinapupunan niya at kung sino ang ama.
Romance
1010.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Three Faces

His Three Faces

Hiraya
Ano ang mga bagay na kaya mong isakripisyo para sa iyong pamilya? Ano nga ba talaga ang mas matimbang, ang hustisya para sa taong biktima o ang kalayaan ng taong mahal mo sa buhay? Kilalanin si Calixta Villanueva, isang ordinaryong babae na nangangarap yumaman, kayang tahakin ang lahat umasenyo lamang sa buhay. Isang araw tila tinupad ng panginoon ang kaniyang dalangin dahil may isang flyer na lumapat sa kaniyang mukha na may nakasulat na WANTED PERSONAL MAID. Akala ni Calixta ay dito na magsisimula ang kaniyang magandang kapalaran ngunit hindi niya inaasahan na ang trabahong kaniyang pinasok ay isang susi para mabungkal ang itinatagong lihim ng kaniyang pamilya. Paano nga ba haharapin ni Calixta ang bawat hamon ng buhay kung ang mga taong kaniyang pinagkukunan ng lakas ay mismong kasangkot sa isang madilim na trahedya.
Romance
106.7K viewsOngoing
Show Reviews (13)
Read
Add to library
Fochacy
GURLLL! Kung gusto niyo ng maraming bebe, this story is for you! Love the FL's attitude. Sobrang dami kong natutunan tungkol sa different alter ng isang tao kapag mayroon itong multiple personality disorder. Must read!!!! Maganda pa ang author hehehehe. Susubaybayan ko 'toooo. Keep bleeding, author!
Pyrost
Nakakatuwa ung story, I find it unique because honestly I'm not into romance bihira lng makuha ang attention ko sa romance genre and isa ito sa nakacaught ng attention ko. May mga lessons akong nakuha, naks. Keep it up.
Read All Reviews
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
585 viewsOngoing
Read
Add to library
It's Always Been You

It's Always Been You

Wala sa plano ni Francyn na pumayag sa pustaan ng mga kaibigan niya. Hindi rin niya alam kung bakit siya napapayag ng mga ito gayong hindi naman niya ugaling manloko ng tao para lang makaganti ang kaibigan niya sa lalaking nangloko dito. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa kaniya. Kung si kupido nga nagawang panain ang puso ng mga sawi siya pa kayang ni minsan hindi pa naranasan paano ang magmahal. Paano kung siya mismo ang mabiktima ng kalokohan ng mga kaibigan niya. Paano kung siya mismo ang mahulog sa lalaking akala niyang nanakit sa kaibigan niya. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa isang kaibigan? O susugal siya sa pag-ibig na ngayon lang niya naramdaman.
YA/TEEN
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA

THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA

Paninumula: Pagkatapos ng limang taon na patago nilang kasal, hindi kailanman malapit sa kanya ang kanyang asawa sa harap ng iba. Hanggang sa isinama nito ang kanyang dalawang anak na lalaki at maging si Trixie Domingo para mag candle light dinner at makatanggap ng papuri mula sa pamilya ni Shania mula sa internet bago ito tuloyang mamaalam. Nang marinig niya ang kanyang anak na tinawag itong "Auntie Trixie" dahilan ng pagkaguho niya at pagkawalang interest nito sa asawa niya na kailanman ay hindi ito mahal maging ang kaniyang mga anak ay kinamumuhian siya. Naisipan na lamang ng Thessa na magpaka layo-layo at tanging paraan niya lamang ay mahalin ang sarili matapos ang pakikipag diborsyo sa asawa nito, at balikan ang dating maliit na negosyo sa Baranggay Payapa, doon ay nakakapag experimento siya ng mga halamang para sa mga may sakit , at mga halamang pang paganda. Matapos malaman na gusto niyang maghanap ng Tatay para sa anak niyang Babae , isang sayantipikong boss, isang financial tycoon , at isang nangungunang idolo sa isang aktibadong teleserye at lahat ng mga ito ay nag rekomenda at nagpakilala sa kanilang sarili. Para humingi lamang ng pabor. Kalaunan ang kanyang dating asawa ay biglang lumuhod at punong puno ito ng pagsisi sa mukha, "Thessa" mahal kita pwede ba tayong magpakasal muli? Ang tila bosses na puno ng pagsisi ng kanyang asawa. "Carlo" para alam lang alam mo sariwa pa saakin ang lahat ng nagyari mula ng ikaw ay nagloko! Maging ang mga anak nito ay nagmakaawa na rin na balikan sila: "Nay" ikaw ang kailangan namin. At si Thessa ay iwinagayway na lamang ang mga kamay, " Hindi!" Hindi ko na kaya pa.
Romance
106.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Vows

Bound to the Billionaire's Vows

Synopsis: Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba. Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.
Romance
101.4K viewsCompleted
Read
Add to library
His Personal Maid

His Personal Maid

Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan hindi mo nakitaan na mayroon din siyang pagmamahal sayo katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya? Ang hirap. Iyong lihim mong minamahal ang isang tao at hanggang tanaw ka lang. Nakakapanghina. Kung sabagay, sino ba siya para mapansin at magustuhan ng lalaking gusto niya? Isa lang naman siyang langaw na sampid sa angkan nila. Ilang taon na ba siyang naninilbihan sa pamilyang Montefalco? Halos isang dikada na. Minahal naman siya ng pamilyang ito ngunit yung pagmamahal na inaasam niya...hindi niya pa naramdaman. Palagi nalang siyang nag-aasam. Pait siyang napangiti habang nakatanaw sa lalaking matagal na niyang iniibig. Ang lapit lang nila sa isa't isa ngunit nahihirapan siyang ito ay abutin. Hanggang maid na lang ba ang tingin nito sa kanya?
Romance
1018.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status