Dominguez Vampire
Binibining Vera
“If you don't have a choice, let me be your option. I can carry all those pain just to stay with you. But if you want me to let you go, just close your eyes and I will go away from you,” -Tyzon
~
Family ni Isabelle ang may-ari ng Winston Classical Academy kaya pinayagan siya ng mga magulang niyang doon mag-aral. Siya ang tipo ng babaeng kinatatakutan ng lahat dahil sa matunog nitong pangalan sa kaguluhan.
Ngunit dumating ang isang araw, nagbago ang lahat noong pumasok ang magkapatid na Dominguez sa buhay niya at kapwa may malaking lihim sa tunay nilang pagkatao.
Paano kung ang misyon ng magkapatid na muling ituloy ang naudlot na labanang mahigit isang daang taon na nakalilipas ay magbago sapagkat ang propesiya ay muling isusulat sa ikawalong salinlahi?
Ano nga ba ang papel ni Isabelle Jaydon sa likod ng nakaraang gusto balikan ng magkapatid?