A Book of Lies
"Siyempre, nakikiisa sa 'kin ang destiny kaya gano'n. Pero kapag naunahan ako ni Mom na makauwi, tell her na may binili lang akong project materials sa National Books Store."
"Baka sumabit 'yang palusot mo. Naku, malilintikan ka tapos madadamay na naman ako."
"How many times to tell you na secret nga lang? So, hindi malalaman ni Mom 'yon hanggang wala nagsasabi, right?"
Tinanggal ni Hayacinth ang apron bago nagsalita.
"Ewan ko sa 'yo," nasaad na lang nito.
"Kapag naging successful ang lahat later. Bibilhan kita ng brand new book sa National Books Store. Ano ba gusto mo? Parang diary style?" tanong ni Sue.
Bab Populer