My Crazy Life as the CEO's Wife
“Ple*sure me.” Puno ng pagmamakaawa ang at desperasyon ang boses niya, habang unti-unting nilalamon ng init ang katawan dulot ng ipinainom sa kanyang gamot.
Para maisalba ang negosyo ng pamilya, tiniis ni Caroline Monte Carlo ang pang-aalipusta ng kanyang fiancée na si Raegan Del Fierro. Ang tanging dahilan ng kanyang pagtitiis ay ang suot nitong kwintas, ang natatanging alaala ng misteryosong lalaking nakasiping niya sa isang masquerade party. Ngunit nang sagarin ni Raegan ang kanyang pasensya, tuluyan niyang sinukuan ang binata.
Sa kanyang pag-alis, hindi inaasahang sasagipin siya ni Tobias Del Fierro. Ang makapangyarihang tiyuhin ni Raegan at boss ni Caroline. Matagal nang may lihim na pagtingin si Tobias sa dalaga, kaya naman inialok niya ang sarili bilang kapalit ng kanyang pamangkin para protektahan ito.
Dito magsisimula ang isang relasyong tago at puno ng lihim. Habang kinakapa ng business minded na si Tobias kung paano siya aalagaan, akala naman ni Caroline ay awa lang ang dahilan kaya siya sinagip nito. Sa gitna ng kanilang sikretong ugnayan, kailangan nilang harapin ang panggugulo ni Raegan na determinadong mabawi si Caroline..
Sa huli, kailangang harapin ni Caroline ang katotohanan. Sino nga ba sa dalawang Del Fierro ang totoong nagmamay-ari ng kwintas, at sino ang tunay na nakasiping niya sa gabi ng masquerade party?