Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father
Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa.
Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal.
Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya.
Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali.
Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?