The Billionaires Surrogate Wife
Title: The Billionaire’s Surrogate Wife
Genre: Billionaire Romance / Contract Marriage / Revenge
SYNOPSIS:
Isang transaksyon, isang taon, at isang pekeng kasal.
Pinasok ni Celine Herrera ang isang surrogacy contract kay Alaric Thorne para lang mailigtas ang kanyang lola. Pero bago pa matapos ang deal, namatay ang kanyang lola at ninakaw ng kanyang madrasta ang lahat ng pera—dahilan para maiwan siyang buntis at walang matuluyan.
Walang ibang mapupuntahan, napilitan si Celine na tanggapin ang bagong alok ng bilyonaryo, isang taong marriage contract kapalit ng proteksyon at puhunan para sa kanyang pangarap na architectural firm. Ngunit sa gitna ng kanilang pagpapanggap, isang sabwatan ang magpapalayas sa kanya sa bansa upang protektahan ang kanyang anak.
Pagkalipas ng limang taon, maghaharap silang muli. Hindi na bilang isang desperadang "biniling bride," kundi bilang isang world-renowned architect na kailangang suyuin at habulin ng lalaking minsan na siyang binalewala.