Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
When CEO Cold Heart Softer

When CEO Cold Heart Softer

Masayahin at palakaibigan si Prudence Georgina Chapman, kabaligtaran ng tahimik at malamig na CEO na si Edison Charles Henderson. Nagkakilala sila sa isang pagtitipon kasama ang kani-kanilang mga kaibigan—agad na nagustuhan ni Prudence si Edison, ngunit nahirapan siyang mapasok ang mundo ng lalaking halos walang emosyon. Sa kabila ng distansya, unti-unting nabuo ang lihim na ugnayan nila—isang tagong relasyon na puno ng pagkahumaling at katahimikan. Nang magbunga ang kanilang pagtatagpo at nabuo ang isang anak, napilitan si Prudence na ilihim ang katotohanan upang protektahan ang bata at ang reputasyon ni Edison. Paglipas ng mga taon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Haharapin ni Edison ang responsibilidad at damdaming matagal niyang itinanggi—at doon niya matutuklasan na ang pusong akala niya’y yelo, ay kayang lumambot dahil sa pag-ibig at pagiging ama.
Romance
159 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Her Billionaire Ex, Her Babies' Father

Her Billionaire Ex, Her Babies' Father

Ang bilyonaryong ito’y nais maghiganti. Limang taon na ang nakalipas mula nang biglaang iwan ni Damon Thorne si Selene, walang paliwanag, walang kahit isang dahilan. Akala ni Selene'y naka-move on na siya. Ngunit nagbalik ang lahat nang mag-apply siya sa isa sa pinakamalalaking kompanya sa siyudad at matagpuan si Damon, nakaupo sa dulo ng mesa bilang CEO, mas malamig, mas makapangyarihan, at mas mapanganib kaysa dati. Ngayon, ikakasal na si Damon sa iba. Iniwan ba siya noon dahil sa ibang babae? Ang hindi alam ni Selene ay bahagi siya ng isang masalimuot na plano ng paghihiganti. Wala siyang kamalay-malay sa galit at damdaming pilit niyang tinakasan. Ngunit habang muling bumubulwak ang mga lumang damdamin at sumisiklab ang mga bagong eskandalo, isang maling hakbang lang ang maaaring sumira sa lahat… o magbalik sa kanila sa isang pag-ibig na kailanman ay hindi tuluyang nawala.
Romance
10432 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE

THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE

"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
Romance
1017.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Lust and Lies

The Billionaire's Lust and Lies

Warning: Matured content [18+] Ilang ulit na nabigo si Clea sa pag-ibig ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa hanggang sa makilala niya ang isang lalaki na nakatalik niya lamang ng isang gabi. Muli silang nagkita pagkatapos ng gabing iyon, ngunit hindi niya inaasahan na ito ay ang kanyang bagong boss. Si Elias ang lalaki na nagpatibok muli ng kanyang puso. Siya ay isang bilyonaryo na nag-iisa sa buhay at sampung taong mas matanda sa kanya. Hindi tumigil si Elias sa pang-aakit sa kanya. Paulit-ulit silang nagtalik nang walang namamagitang relasyon, ngunit bigla na lamang siyang iniwan ni Elias nang walang kahit na anong salita matapos malamang buntis siya.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Our Forbidden Desires [FILIPINO VERSION]

Our Forbidden Desires [FILIPINO VERSION]

celestialhope
Sinubukan ni Samantha Hudson na kalimutan ang lalaking nakasama niya sa isang gabing pakikipagtalik noong gabi na ginugol niya sa pagpapalasing sa isang club upang makalimutan kung gaano siya nagagalit na malaman na ikakasal ang kanyang ina sa ibang lalaki. Ngunit nagsimulang maging komplikado ang lahat simula nang malaman niya na ang kanyang step-brother ay walang iba kundi ang lalaking kumuha ng kanyang pagka-birhen, si Tristan Hilton, isang bilyonaryo na kilala rin sa pagiging playboy sa kanilang lungsod. Paano nila mapipigilan ang bugso ng damdamin na puno ng pagnanasa na kanilang itinatago para sa isa't isa, lalo na at ito'y magiging isang malaking kasalanan?
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Mr. Romantic(The more you hate the more you love series)

Ibinigay ni Keziah Quinn Palmer ang kanyang puri sa isang estrangherong lalaking nakilala niya sa bar—isang hakbang na dulot ng galit at tampo niya sa kanyang mga magulang matapos siyang ipagkasundo sa anak ng kasosyo nila sa negosyo. Ngunit ang galit niya ay lalo pang nadagdagan nang makilala niya si Cael Xandros Lozano, ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Sa kabila ng kanyang matinding pagkasuklam, hindi siya tinantanan ni Cael, determinado itong mapalapit sa kanyang puso. Paano kung malaman ni Keziah na ang estrangherong nakasama niya sa gabing iyon ay si Cael din? Magbabago kaya ang kanyang damdamin, o mananatili siyang nakakulong sa galit at pagtanggi habang buhay?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Aniela's Plea

Aniela's Plea

Carmela Beaufort
Aniela's parents committed a hideous crime. Habang pinagdudusahan ang kamalian ng mga magulang ay saka naman dumating ang tagapagligtas niyang si Samuel. Tinulungan siya ng binatang makabangon, mamuhay uli ng normal at makapag-aral. Ngunit tila kadugtong na ng buhay niya ang “kasalanan”, hindi na lamang kasi pagmamahal bilang kapatid ang nais niya mula sa kumupkop. May higit pa siyang hangad, kaya't inakit niya ang binata at nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nakalilimutan na yata niya ang dala ng tunay niyang pagkatao sa lalaking mahal na maaaring sumira sa buhay nito. Maaatim ba niyang maranasan nito ang bangungot na pinagdaanan niya oras na malaman ng lahat ang kaniyang itinatago?
Romance
105.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
WET, WILD, AND HOT NIGHT WITH A STRANGER

WET, WILD, AND HOT NIGHT WITH A STRANGER

ISANG gabing pagkalimot katumbas ay habang-buhay na salimoot. Iyan ang nangyari kay Samantha Valderama. Anak mayaman ngunit dahil sa isang pagkakamali ay itinakwil siya ng buong pamilya. Nabuntis siya ng isang lalaking hindi naman niya kasintahan. Tinanggap niya ang lahat dahil sawang-sawa na siya sa pagmamakaawa at pamamalimos ng pag-ibig mula sa mga taong malalapit sa kaniya. Sam Colt Cohen isang matapang na alagad ng batas. Ngunit aminadong walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig dahil buong buhay niya ay ibinuhos sa paninilbihan sa bayan. Kaya't nang umuwi para sa kasal ng matalik na kaibigan na kabilang sa Denmark Monarchy ay nagising na lamang siyang may katabing magandang dalaga.
Romance
127 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2324252627
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status