LOGINSinubukan ni Samantha Hudson na kalimutan ang lalaking nakasama niya sa isang gabing pakikipagtalik noong gabi na ginugol niya sa pagpapalasing sa isang club upang makalimutan kung gaano siya nagagalit na malaman na ikakasal ang kanyang ina sa ibang lalaki. Ngunit nagsimulang maging komplikado ang lahat simula nang malaman niya na ang kanyang step-brother ay walang iba kundi ang lalaking kumuha ng kanyang pagka-birhen, si Tristan Hilton, isang bilyonaryo na kilala rin sa pagiging playboy sa kanilang lungsod. Paano nila mapipigilan ang bugso ng damdamin na puno ng pagnanasa na kanilang itinatago para sa isa't isa, lalo na at ito'y magiging isang malaking kasalanan?
View MoreHindi na maitago pa nina Kristoffer at Viviana ang katotohanan—may damdamin sina Tristan at Samantha para sa isa’t isa. At kahit pa step-siblings ang dalawa, hindi nito nabawasan ang tensyong nararamdaman nila. Imbes na tanggapin, mas pinili nilang pigilan ang anumang maaaring mabuo sa pagitan ng dalawa. Kinagabihan matapos ang double date, nag-iisa si Kristoffer sa maliit na wine cellar ng bahay nila. Tahimik siyang umiinom habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang mga tagpong naganap kanina. “Ang kapal ng mukha mo, Tristan,” bulong niya, mariin ang tono habang nakatingin sa baso ng alak. “Sa dami ng babae sa mundo, si Samantha pa talaga ang pinili mo? Hayop ka.” Bago pa siya tuluyang lamunin ng inis, bumukas ang pinto at pumasok si Viviana. Diretso siya sa upuang nasa tapat ni Kristoffer, ang mukha niya'y halatang punô ng pagkainis. “Hindi puwede ‘to, Kris,” matigas ang tinig niya. “Hindi puwedeng hayaan na lang natin silang dalawa. Ramdam ko, hindi lang si Tristan an
Tahimik ang buong opisina, ang tanging maririnig lang ay ang pagtipa sa keyboard at mahihinang tunog ng aircon—hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Samantha.Dumiretso sa loob si Kristoffer, taglay ang kumpiyansang parang pagmamay-ari niya ang buong mundo. Hindi niya suot ang usual niyang business suit—ngayon ay naka-blue jeans siya, puting polo shirt, at black leather jacket na lalong nagpatingkad sa porma niyang cool pero classy.May ngiting nakakapanloko sa mga labi niya, habang hawak sa kaliwang kamay ang isang bouquet ng pulang rosas. Kasabay ng pagbukas ng pinto, nagkalat sa buong silid ang mabango nitong halimuyak.“Ready ka na ba sa date natin, Sam?” tanong niya, ang tono’y magaan at parang sanay na sanay.Napatingin si Samantha mula sa kinauupuan niya, at nang magtagpo ang mga mata nila, dahan-dahan siyang tumayo. Pinatpat niya ang laylayan ng suot niyang light pink na dress—simple pero elegante, bagay na bagay sa maputi niyang kutis. Sa leeg niya ay nakasabit
Tumayo na mula sa pagkakaupo si Kristoffer, senyales na tapos na ang usapan nila ni Samantha.“Salamat sa oras mo, Sam. Kailangan ko na sigurong umalis,” aniya habang tinapunan ito ng mahinahong ngiti.Ngumiti rin si Samantha at tumayo, saka tumango. “It was nice talking to you, Kris.”Inalalayan niya ito palabas ng opisina, ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto, bigla siyang napahinto.Nakatayo sa labas, nakataas ang kamay na tila kakatok pa lang, si Tristan.Nanlaki ang mga mata nito nang magtagpo ang tingin nila, at saglit na tila huminto ang oras sa pagitan nilang tatlo.“T-Tristan...” mahina ngunit punong-puno ng emosyon ang pagkakabigkas ni Samantha. Parang boses niya’y nanggaling pa sa kabilang mundo.Hindi agad kumilos si Tristan. Ilang segundo lang pero parang habang buhay ang lumipas bago ito umiwas ng tingin at tumalikod.Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkalito kahit pa unti-unti na ring nawawala ang pagkagulat.“Kristoffer? Hindi ko alam na may business ka dito sa ko
Pagkatapos ng charity event, hindi mapakali si Kristoffer.Hindi mawala sa isipan niya ang mga titig ni Tristan kay Samantha—hindi iyon tingin ng isang kapatid. May ibang lalim, may ibang init. Parang... pagtingin ng isang lalaking umiibig.Habang papalapit siya sa living room, nakita niya si Viviana, nakahiga sa sofa, may hawak na libro.“Finally, bumangon na ang antok kong kapatid," biro niya. “Pero ano ‘yang kunot sa noo mo?”Nilapag ni Kristoffer ang bitbit niyang kape at umupo sa tapat ng sofa.“Viviana, may gusto akong sabihin... tungkol sa fiancé mo.”“Kay Tristan?” tanong ni Viviana, tinaas ang kilay.“Ano na naman ‘yan, kuya?”Tumabi si Kristoffer, seryoso ang mukha.“Pakiramdam ko... may nararamdaman si Tristan para kay Samantha.”Napaupo ng tuwid si Viviana.“Ha? Kalokohan ‘yan. Magkapatid sila.”“Step-siblings lang sila, Viviana. Pero ‘yung mga tingin niya kagabi—hindi normal. Hindi pangkapatid. Parang—parang in love siya.”Napatawa si Viviana, tila naiinis.“Kuya naman, s
Maganda si Samantha ngayong gabi—sobrang ganda.Yung tipong mapapahinto ka na lang sa paghinga habang pinagmamasdan siya. Ang suot niyang gown ay hapit na hapit sa katawan niya, bawat kurba ay litaw na litaw. Ang buhok niya ay nakalaylay sa balikat, malalambot na kulot na parang alon sa dagat.Pagb
Mabagal, matamis, at punong-puno ng pagnanasa ang bawat halik niya. Napapikit si Samantha habang ramdam niya ang kilabot na gumapang sa likod niya. Napakapit siya nang mahigpit sa suot niyang polo, parang doon siya kumukuha ng lakas.Gusto pa niya. Mas higit pa. Pero hindi niya magawang umakto ayon
Nagising si Tristan na magaan ang pakiramdam. Totoo ang ngiti sa labi niya habang nakatitig lang sa kisame. Maya-maya, dumulas ang kamay niya sa kutson, hinahaplos ang parte kung saan siya huling natulog—kung saan humiga si Samantha kagabi.Napangisi siya. Parang gago. Parang teenager na first time
"Seryoso ka, bro? Ganun ka na lang ka-obsessed sa stepsister mo?" natatawang tanong ni Gabriel kay Tristan."Gawin mo na lang 'tong pabor, Gabriel. Gamitin mo tong phone ko, tawagan mo si Samantha, tapos sabihin mong nandito tayo—lasing na lasing ako, pero may emergency ka raw kaya kailangan mong u
















![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.