Share

Chapter 5

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-02-25 08:24:29

ANG AKALA NITO ay may balak siyang akitin ito dahil lang nasa kama siya nang magmulat ito ng mata na wala naman talaga sa isip niya. Sobrang toxic ng isip nito. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag at kung ano ang sasabihin niya dahil mukha namang kahit anong sabihin niya ay hindi nito tatanggapin. 

“Hindi ba at sinabi ko na sayo na kahit na ikaw na lang ang natitirang babae rito sa mundo ay hindi ako magpapakababa para sayo? Hindi ko gugustuhing dumihan ang kahit dulo ng daliri ko dahil lang sa katulad mo.” sabi nito at ang bawat salitang binitawan nito ay puno ng diin.

Masakit. Sobrang sakit. Wala man lang itong pakialam sa kahit anong lumabas sa bibig nito, wala itong pakialam kung makakasakit ba ito o ano pero wala naman siyang magawa. “O baka naman idol mo ang mga prinsesa sa mga cartoons na nakatagpo ng prinsepe nila?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay umiling.

Sa puntong iyon ay bigla na lamang nahulog ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang kanyang emosyon lalo pa at napakasakit ng mga binitawan nitong salita. Bugbog na bugbog siya sa pang-aalipusta nito sa kaniya. “Bakit ba ganyan ka kasakit magsalita?” tanong niya at pinunasan ang kanyang mga luha. Ayaw niya sanang ipakita rito na nasasaktan siya sa mga sinasabi nito ngunit hindi na niya matagalan pa.

“At bakit hindi sana? Ikaw ang nagpunta rito at naghanap ng gulo.” malamig na sabi nito.

“Bakit ba ayaw mong maniwala na inutusan ako ng DAddy mo na pumunta rito? Sino ang taong tanga na gugustuhing pumunta rito kung mga masasakit lang naman pala na salita ang dadatnan niya rito.” sabi niya.

“Umalis ka na. Ayokong makita pa ang mukha mo.” malamig na utos nito.

Napakuyom ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng silid na hindi na nagsalita pa at walang inaksayang oras para umalis sa lugar na iyon. Pagkalabas niya ng condo ay pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Habang dumadaan ang araw ay parang palala ng palala ang trato ni Lawrence sa kaniya na para bang sinasadya nitong pahirapan siya. Bigla tuloy sumagi sa isip niya na paano kaya kung umalis na lang siya sa mansyon ng mga ito? Pero saan naman siya pupunta kung sakali?

NOONG HAPONG iyon sa mansyon ay bigla siyang ipinatawag ni Don Lucio sa kanyang silid. Nang pumunta siya sa sala ay nakita niya na naroon din si Lawrence at nakaupo sa sofa. Nang mapansin siya nito ay agad na namang nagdilim ang mga mata nito na para bang nakita na naman nito ang taong kinamumuhian nito ng lubos.

“Umupo ka hija.” sabi ng matanda sa kaniya.

Mabilis naman siyang sumunod. “May problema po ba?” kaagad na niyang tanong pagkaupong pagkaupo pa lang niya. Hindi naman siya nito ipapatawag kung walang problema. Hindi niya maiwasang hindi isipin na baka mamaya ay nagsumbong na si Lawrence sa ama nito at pilit na siyang paalisin sa mansyon. Bigla siyang kinabahan.

“Malapit ka ng grumaduate, hindi ba?” tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya at nagtaka kung bakit bigla-bigla na lang nitong tinatanong iyon.

“Magbabakasyon na kayo ng ilang buwan bago ang OJT niyo hindi ba?” tanong nitong muli na ikinatango niyang muli. “Gusto ko sanang hilingin sayo na kung pwede ay pansamatala ka munang maging secretary ni Lawrence habang nakabakasyon ka. Okay lang ba sayo?”

Hindi pa man siya nakakasagot ay nauna nang nagsalita sa kaniya si Lawrence na puno ng pagtutol. “Hindi pwede. Ayoko siyang maging secretary.” mariing pagtutol nito.

Bigla namang bumaling ang matandang lalaki sa anak. “Bakit naman ayaw mo? Dapat lang na malaman din ni Asha ang trabaho sa opisina para na rin maihanda siya sa OJT niya.” sabi nito.

Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Dad naman, ilang buwan na lang ay aalis na ako ng bansa kaya sana naman ay huwag mo na akong pahirapan pa.” muling sabi nito. “Isa pa, pinag-aral mo na nga siya lahat-lahat sa pinaka magandang paaralan pagkatapos ay gusto niyo pa siyang ipasok sa kumpanya? Para sa saan? Dahil ba sa nanay niya na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin?” tuloy-tuloy na bulalas nito. Bigla siyang napayuko sa labis na pagkapahiya dahil sa sinabi nito.

“Lawrence, tumigil ka.” seryosong saway ng matanda rito ngunit sa halip na tumigil ay mas lalo pa itong nagalit.

“Alam niyo ba na dala-dala ni Mommy ang sama ng loob niya sa inyo hanggang sa huling hininga niya?” puno ng galit na tanong nito. “Alam niyo ba iyon?!” tumaas na ang boses nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Prologue

    “Wala ka ba talagang balak sabihin sa pamilya mo Miri na nakauwi ka na?” tanong ng kaibigan sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit sana? Sila nga gumagawa ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba.” inis na sagot niya sa kaibigan niya.“Pero kahit na. Kailangan mong sabihin sa kanila dahil panigurado kapag nalaman nila, lalong-lalo na ng Kuya mo ay baka kung ano ang gawin niya sayo.” concern naman na sabi pa nito sa kaniya.Bumuntong hininga na lang siya at pagkatapos ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Aalis ako, lalabas. Gusto mo bang sumama na lang sa akin kaysa magngangawa ka diyan?”Napailing na lang ito. “Napakatigas talaga ng ulo mo Miri.” sabi pa nito.Hindi na lang siya nagsalita. Siya nga pala si Mirabella, Miri for short o sa mga taong malapit sa kaniya ay iyon ang tawag sa kaniya. Well, kakauwi niya lang galing sa Canada pagkatapos niyang grumaduate. Pagkatapos niyang grumaduate ay ag

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK 2

    BLURBADAMSON EZEKIEL “ADAM” GRAYANPaano kung ang planong pakikipaglaro sa kapatid ng taong kaaway nila ay maging makatotohanan? Paano kung mahulog siya rito ng hindi niya nalalaman? Maipagpatuloy niya kaya ang una niyang plano na gamitin ito para saktan ang kapatid nito?Hanggang saan siya dadalhin ng plano niya? Magtagumpay kaya siya o uunahin niyang paganahin ang puso niya at isasantabi ang unang plano niya? O mababaliktad ang lahat at siya ang paiikutin sa palad nito?

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 178 (WAKAS)

    HINDI na nagdalawang isip pa na buksan ni Asha ang pinto, iyon na pala ang rooftop ng hotel. Halos hindi siya makagalaw ng makita niya ang nasa kanyang harapan at pakiramdam niya ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaraming bulaklak na napapalamutian ng naggagandahang ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang red carpet ang nakalatag.Sa isang banda ay may violin na nang eksaktong buksan niya ang pinto ay nag-umpisang tumugtog ng napakalamyos na musika. Angkop na angkop sa napaka romantikong kapaligiran. Sa gitna ay may mesang nakahanda.Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakita niya si Lawrence sa harapan niya at marahil sa matinding pagkagulat ay hindi na niya alam pa kung saan ito nanggaling. May dala itong napakalaking bouquet ng bulaklak. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. Ang sabi nito ay hindi pa tapos ang inaasikaso nito sa opisina. Sumama pa naman ang loob niya pagkat

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 177

    MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 176

    DAHIL nga may mga damit pa naman siyang naiwan sa condo ni Lawrence ay hindi na kinailangan pa ni Asha na umuwi para lang magbihis. Isa pa, alam din naman ng Daddy ni Lawrence na doon siya natutulog paminsan-minsan at hindi naman ito nagagalit. Idagdag pa na mas natutuwa pa nga ito at palaging sinasabi na gusto na nitong magkaapo.Naglinis lang siya ng katawan niya sandali at pagkatapos ay nagbihis na at habang nasa harap ng salamin ay bigla na lang lumapit si Lawrence sa kaniya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan siya nito doon. “Asha…” mahinang tawag nito sa pangalan niya.“Hmm?” kaswal na sagot niya naman haban nakatingin dito sa salamin.“Sobrang namiss talaga kita, alam mo ba yun?” mahinang tanong nito sa kaniya.Natawa na lang siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Isa pa, bitawan mo nga ako. Akala ko ba ay aalis tayo?” tanong niya rito at pilit itong itinutulak ngunit hindi siya nito binitawan.“Miss na miss

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 175

    APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.Paglabas niya pa l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status