/ Romance / Chasing Athena / Chapter 21: Interactions

공유

Chapter 21: Interactions

작가: AnakNiIbarra
last update 최신 업데이트: 2024-01-26 21:50:25

Wait! Naguguluhan ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang sasabihin niya.

So ibig sabihin niyan, 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina ay hindi 'yong na delete ni Paula?

Eh, pa'no 'yong file na nahanap ko kanina? Wala lang? Walang sense gano'n?

Pinagtitripan niya ba 'ko? O gusto niya lang talagang sukatin ang patience ko at kung hanggang saan ang kaya kong gawin dito sa kompanya niya?

"Marriage Proposal?! Ibig sabihin ba niyan ikakasal na si Sir Zach?" Gulat na sambit ni Maurice.

Bigla namang tinakpan ni Paula ang bibig niya. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito pero buti na lang walang nakarinig kasi unti-unti na ring nagsilabasan ang mga kasama namin dito sa office para mag-lunch.

"Shh! Hinaan mo lang ang boses mo, baka marinig pa tayo ng kabilang department. Pero hindi naman ako sigurado kung para sa kan'ya 'yon, eh," saad ni Paula.

Hindi na 'ko nakinig sa pinag-uusapan nila. Kasi iniisip ko pa rin 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina.

Hindi ko pa rin talaga maintindiha
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Chasing Athena   EPILOGUE: BABY NUMBER 2

    Akala ko noon wala ng lalaking magkakagusto sa akin, sa kadahilanang hindi naman ako kapansin-pansin, walang appeal sa mata ng mga lalaki, at hindi gaanong kagandahan pero hindi ko akalain na may isang lalaking palihim na nagmamahal sa akin. Ang lalaking kailanman hindi ko hiniling sa panginoon ngunit kusa niyang ibinigay sa akin. At ang lalaking sobra-sobrang nagmamahal sa akin.Marami mang mga pagsubok ang dumating sa mga buhay namin pero sa huli kami pa rin palang dalawa ang magkakataluyan, at magsasama habambuhay. At wala na 'kong ibang mahihiling pa kundi ang maging masaya kasama siya at maging mas matatag pa ang pagmamahalan namin sa isa't isa na walang sinuman ang makakasira."Mrs. Montero, pinapatawag na po kayo ni Mr. Montero sa baba," rinig kong sabi ng isang babaeng concierges sa likuran. Hindi ako sumagot sa halip napabuntong hininga ako ng malalim sabay inat ng dalawang braso ko sa ere."Sige, salamat, pakisabi na lang na pababa na 'ko," sagot ko bago lumingon at ngumiti

  • Chasing Athena   Chapter 89: The Beginning of Forever

    "So, kailan ang kasal niyo?" Tanong ni Vanessa matapos uminom ng kape.Nandito kami ngayong dalawa sa malapit na coffee shop mula sa kompanya. Oras ng lunch break at nakipagkita 'tong kaibigan ko kasi may itsi-tsismis daw siya sa'kin pero parang sa tingin ko makikitsismis lang siya sa kung ano na ang ganap sa relasyon namin ni Zach."Anong kasal? Hindi pa naman siya nag-propose," tugon ko habang humihigop ng kape."Eh, ano ang ibig sabihin niyan?" Aniya habang nakatingin sa suot kong singsing. Agad ko naman itong tinago sa ilalim ng mesa at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya."Hindi ba, ang sabi mo sa'kin kahapon nilagay niya 'yan sa daliri mo? Tapos tinanong ka niya kung gusto mo siyang makasama habambuhay at sinagot mo naman ng oo. Oh, hindi pa ba 'yan nag-propose?" Nakahalukipkip na sambit niya at nakataas pa ang isang kilay nito."S-Sa tingin ko kasi hindi .. hindi naman kasi siya nagtanong kung gusto kong magpakasal sa kaniya," naiinis na sabi ko dahilan para mapabuntong hininga s

  • Chasing Athena   Chapter 88: A Promise Sealed

    Napabuntong hininga ako ng malalim nang makapasok ako sa kompanya. Kagagaling ko lang mula sa school ni Aaron para samahan siyang kumain ng lunch. Hindi niya kasi kasama si tiya Rosa kaya kahit na hassle na sa akin ang pagpunta ro'n ay ginawa ko pa rin dahil ayoko rin naman na kakain ng mag-isa ang anak ko."Athena, mabuti na lang nandito ka na. Kanina ka pa hinahanap ni sir Zach," salubong sa akin ni Trixie nang makarating ako sa floor ng department namin.Nagulat ako sa kaniya at med'yo kinabahan dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako nakapagpaalam kay Zach na aalis ako pero alam naman nito na pupuntahan ko ang anak niya bago mag-lunch break."Galit ba siya?" Tanong ako at mahina siyang tumango bilang sagot.Diyos ko, lagot ako neto."Kanina ka pa raw kasi niya tinatawagan pero 'di mo sinasagot. Puntahan mo na lang siya sa opisina niya." At agad naman akong umalis matapos kong magpasalamat sa kaniya.Patakbo akong pumunta sa office ng CEO kahit na med'yo pagod ako mula sa pagmamaneho.

  • Chasing Athena   Chapter 87: Echoes of Jealousy

    "Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s

  • Chasing Athena   Chapter 86: Turning the Page

    Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin

  • Chasing Athena   Chapter 85: Caught Between Hope and Uncertainty

    "Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status