PUMASOK si Zander sa loob ng bahay nila. Hinanap kaagad ng kanyang mata ang ina. Ginabi na siya ng uwi, pero inaasahan pa rin naman siya ng ina na umuwi. "Ma..." tawag niya. Tumungo siya papunta sa kusina. Habang papalapit ay napangiti siya nang makita ang isang babae na abala sa ginagawa sa lababo. "Ma, andito lang po pala kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Bakit nasa kusina pa rin kayo? Alas nuebe na po ng gabi..." dire-diretsong sabi ni Zander. Nilapitan niya ang ina at agad hinalikan sa pisngi. Pero, bigla siyang natuod nang mapagtantong hindi iyon ang kanyang ina. Hinalikan pa naman ang pisngi nito, na ipinagdiwang na rin ng kanyang kalooban. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae, at sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. "Vanna?" halos pabulong pero malinaw niyang nasambit. Ang babaeng matagal na gumulo sa kanyang isipan. Ang pinangarap niya noon. Anong ginagawa ni Vanna sa bahay nila? Ang alam niya ay hindi siya nito naalala. Bigla atang naalala nito ang
"KUMUSTA ang Ate Velora mo?" tanong ni Len habang banayad na nakangiti. Kita sa mga mata niya ang sinserong interes. "Maayos naman po," sagot ni Vanna, sabay ayos ng pagkakaupo. "Apat na buwan pa lang mula noong manganak siya sa second baby nila ni Kuya Dewei. Babae po ang anak nila." Napangiti si Len. "Masaya ako para sa kanila ni Dewei. Mukhang naging maayos na talaga ang pagsasama nila. Tahimik na rin ang buhay nila ngayon sa Batangas… Hindi tulad dati." Tumango si Vanna. "Opo. Ang dami na pong nagbago. Nakakatuwa po silang panoorin, si Ate, laging abala sa mga bata, tapos si Kuya Dewei, mas hands-on na rin ngayon." Sandaling natahimik si Vanna bago muling nagsalita. "Puwede po kayong dumalaw sa bahay para makita n'yo si Ate at ang mga anak niya. Lagi po kayong nababanggit ni Ate Velora kapag nagkukuwentuhan kami." Napatingin si Len sa kanya, tila nabigla sa sinabi. Maya-maya’y ngumiti ito, may bahid ng lungkot at galak sa kanyang mga mata. "Talaga? Hindi ko akalaing naaalala
PINAGMAMASDAN ni Vanna ang dating bahay na tinirhan nilang magkapatid noon. Ito ang bahay na tinuluyan nila matapos siyang gumaling sa malubhang sakit. Sandali lamang silang nanirahan dito, dahil makalipas ang ilang buwan ay dinala na sila ni Ate Velora sa poder ni Kuya Dewei, ang asawa ng kapatid niya. Parang kailan lang, pero ngayon, ang bahay ay pag-aari na ng pamilya nina Ate Len. Ang tahimik ng paligid, pero para kay Vanna, ang katahimikan ay may dalang bigat, mga alaala ng kahapon na hindi na maibabalik. Naalala niya ang dating tagapag-alaga nila. Parang nanay ang turing niya rito, siya na rin halos ang nagpalaki sa kanya sa mga taong sakitin siya. Mabait, maasikaso, at laging nariyan sa tabi niya. Tuwing may sakit siya, ito ang nagbabantay, naghahaplos sa likod niya, at nagdarasal nang mahina habang nakayuko sa paanan ng kama. Napabuntong-hininga si Vanna. Parang kahapon lang ang lahat. Pero ngayon, isa na lang itong alaala, tulad ng bahay na hindi na kanila. "Tao po... tao
NAKARATING sa boarding house si Vanna nang matiwasay. Nakita niya agad si Lyca na naghihintay sa kanya sa sala. "Anong nangyari sa pag-uusap n'yo? Ang bilis mo namang nakauwi..." usisa ni Lyca sa kaibigan. Parang walang gana si Vanna na tumingin kay Lyca. "Binasted ko na si Tony..." sagot ni Vanna na ikinatahimik ng kaibigan. Kita pa rin sa dalaga ang labis na kalungkutan. "Halika nga at pag-usapan natin." Sabay hila ni Lyca sa kaibigan patungo sa sopa at naupo sila. "Nakokonsensiya ako. Napakabait ni Tony, e. Pero hindi ko naman kayang pilitin ang sarili ko. Mas maaga, mas madali sa kanya na move on. Di ba?" Nabakas na rin sa mga mata ni Lyca ang lamlam ng mga mata. "Desisyon mo 'yan. Dapat hindi ka nalulungkot. Desidido ka na ba sa plano mo?" "Lyca, kailangan. Puwede siguro ang naisip mong ideya para layuan ako ni Mayor Oscar. Baka sakali na mahalin ako ng Kuya Zander ko..." Napahinga ng malalim si Lyca. "Iyon ba talaga ang dahilan o ginagamit mo lang iyong dahilan para maku
SABAY na umuwi sina Lyca at Vanna. Hindi na siya nagpaiwan pa sa university sa takot na baka nakaabang na naman sa labas si Mayor Oscar. Habang naglalakad sila papalabas ng gate, mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Lyca. Mabilis ang pintig ng puso niya, at pakiramdam niya'y kahit anong sandali, may biglang susulpot na kotse at babati ng pamilyar na boses na kinatatakutan niya. Pero wala. Wala ang mamahaling itim na kotse. Wala ang matandang lalaki. Nakahinga siya ng maluwag. Para siyang tinanggalan ng mabigat na batong nakapatong sa dibdib. Sa unang pagkakataon ngayong linggo, nakaramdam siya ng kaunting kapanatagan. Hawak-kamay silang naglakad ni Lyca. "Buti na lang at makakauwi tayong hindi kinakabahan," ani Lyca, nakangiti nang malaki habang sinusulyapan siya. Ngumiti si Vanna bilang pagsang-ayon, pero bahagya pa rin ang pagngiti niya. Hindi pa rin lubusang nakakawala sa anino ng takot. Tumango si Vanna, pilit na ngumiti habang inaamoy ang mga bulaklak, parang may nai
KINABUKASAN, sa university... Umiiyak si Vanna sa harapan ng kanyang best friend na si Lyca. Nasa paborito nilang tambayan silang magkaibigan. "Takot na takot ako, Lyca. Anong gagawin ko?" nanginginig ang boses ni Vanna habang pinupunasan ang luha. "Parang kahit saan ako magpunta, nakikita ko si Mayor Oscar na nakatingin sa akin. Hindi na ako mapakali... parati na lang akong kinakabahan kapag lalabas ako ng boarding house." Ikinukuwento niya kay Lyca ang lahat ng nangyari, ang pakiramdam na takot sa ilalim ng titig ng matanda, ang kaba na parang may sumusunod sa kanya, at ang trauma na bumalot sa buong sistema niya kahit isang gabi pa lang ang lumipas nang makapag-usap sila. Buong buhay niya, ngayon lang siya natakot para sa sarili niyang kaligtasan. Isang araw pa lang, pero pakiramdam niya'y nawala na ang katahimikan sa buhay niya. Parang wala na siyang ligtas na lugar. Hinawakan ni Lyca ang kamay niya at marahang pinisil. "Vanna, hindi mo kailangang itago 'to. Kung may binabal